CRUSH-4

496 18 7
                                    

CRUSH KITA EH.(CRUSH-4)

--

Nakita kita kahapon. Alam mo ang saya ko! Kahit ba na minsan eh, hindi mo ako napapansin! ayos lang!  Akopaba? Sanay na ako nuh! haha. Sino ba ako para mapansin mo? eh ni hindi mo nga ata alam na nagee-exist ako sa Mundong ibabaw na ito eh. Katulad kanina.Nabunggo kita. shems lang ang bango bango mo pala! Kaso 30 seconds lang nung maamoy kita eh. ang masaklap pa dun, Nag sorry ka lang at umalis na.Nageexpect pa naman din ako na tanungin mo ang pangalan ko, Katulad ng mga nababasa ko sa Wattpad. Kaso hindi eh.

Nakita ulit kita kanina! Ang saya saya ko nanaman. Eh kase naman sa pagkakataon na ito,  Pinansin mo ako! yun lang pala, magtatanong ka lang kung open pa yung supplies o hindi?Ano ako? D.O? Hindi naman ah. Student din ako nuh. malay ko ba kung bukas yun eh, kakababa ko lang galing sa Classroom. Yan tuloy napatameme lang ako sayo. hayys.

 Nakita kita kaninang Uwian. Alam mo ang saya saya ko ulit! eh kase namn bigla kang ngumiti saken. Hays. Siguro naalala mo ako, Kase ako yung tatanga-tangang natameme sayo kanina? haha. sorry naman. Ang gwapo mo kase kaya ayun, natameme ang isang tulad ko.Alam mo ba dapat pupunta ako sayo, dun sa may waiting shed. kase naman! Opportunity ko na yun diba? kaso biglang may lumapit sayo at Niyakap ka at..

Hinalikan ka. Ano mo yun? Ate mo ba? Nanay mo ba? Pinsan mo ba? o Katulong niyo? Ayokong tanungin kung Girlfriend mo siya, kase. masasaktan lang ako.Oo, alam ko wala akong karapatan pero? Hindi naman kase ako manhid nuh!At dahil papunta na ako sa Direksyon kung nasan kayo, Aba tinuloy ko nalang kahit ba ang sakit sa paningin na magkasama kayo. Okay lang kung malaman ko na Girlfriend mo siya. Alam mo kung bakit? 

CRUSH KITA EH.

CRUSH KITA EH.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon