Simula pa pagkabata, Buong Buhay ko ay puro lang paglalaro ng basketball. Ni Hindi ako sumasama sa gimikan ng mga kakilala ko o teammates man. Bahay, School at gym lang Ang alam Kong Lugar.
Last day Bago ako tutungtong ng Junior High ay inaya ako ng kateammate ko at kaklase ko na si Miko. Ayaw ko pa ngang sumama Kaso nagpunta sa Bahay at ipinagpaalam ako sa mga magulang ko.
"Tita, pwede ko bang isama si Kaede sa year end party namin. Maghihiwalay hiwalay na kami ng mga kaklase namin ni Minsan Hindi namin nakasama si Kaede.", pagpapaalam niya sa mga magulang ko.
"Wala namang problema sa akin, Miko kaso iyan Ang tanungin mo Kung sasama ba siya.", Sagot naman ni Mama.
"Kaya po ako nandito, Tita para magpatulong sa Inyo na hikayating sumama si Kaede sa amin.", ngiti sambit naman ni Miko.
"O anak, pinipilit kitang sumama sa kaibigan mo.", sambit naman ni Mama.
"Ayoko.", ikli Kong sagot.
"Bakit?", tanong naman ni Miko.
"Nagtatanong ka pa eh, alam mo namang ayaw ko nang magulo at maingay.", sagot ko naman.
"Napaka KJ mo talaga! Minsan lang to. Saka ito na Ang huli nating pagsasama.", sambit naman ni Miko.
"Bakit? Saan ka ba pupunta?", tanong ko naman.
"Sa Amerika na Kasi ako mag aaral.", malungkot na sagot nito.
"Ay ganun! Sa Amerika ko Rin balak pag aralin itong si Kaede.", sabat naman ni Mama na ikinabigla ko.
"Ma, di ba nag usap na Tayo? Ayokong sa Amerika mag aral!", biglang sambit ko naman.
"So Kung ayaw mong mangyari Yun, sumama ka na Kay Miko.", sagot naman ni Mama.
"Ma! Ayoko!", sagot ko naman.
"Sasama ka Kay Miko o sa Amerika ka mag aaral?", diin pa niyang sambit.
Hinarap ko naman si Miko na kasalukuyang malapad Ang ngiti. "Panalo ka na. Sasama na ako.", sambit ko naman Saka nagpaalam na kukuha lang ng jacket.
......
Nasa Isang bar na kami, Habang sila ay nagsasayahan at nag iinuman ako naman ay nasa gilid lang umiinom ng juice. Never pa akong umiinom ng alak dahil Hindi ko gusto Ang lasa nun.
Nagpaalam ako Kay Miko na iihi lang. Nahirapan pa akong pumasok ng Banyo dahil sa sobrang siksikan.
Nang makalabas na ako ay may bumunggo sa akin. "Miss, tumingin ka naman sa dinadaanan mo!", inis Kong Sabi.
"Shhhh!", sambit nito habang inilagay Ang hintuturo sa bibig ko. Nagulat pa ako sa inakto niya kaya binalikwas ko kaagad Ang kamay niya palayo na nagdulot sa muntikan niyang pagkatumba. Mabuti nalang at nahawakan ko Ang kanyang braso.
"Alam mo ba?....", sambit nito na Hindi ko masyado marinig dahil sa napakalakas ng tugtog ng musika.
Ano ba naman tong babae na to! bulong ko sa isipan.
Nang magsalita ulit siya ay inilapit ko Ang aking tenga at narinig Kong sinabi niyang, "alam mo bang sinaktan nila ako?".
Hindi ko mapigilan pero gusto Kong malaman Kung bakit kaya napatanong ako, "Bakit?", bulong ko malapit sa kanyang tenga.
Naamoy ko naman Ang mabango niyang pabango Kahit na Amoy alak ito ay nangingibabaw parin Ang kanyang mabangong Amoy.
Samantala Hindi naman siya nagsalita bagkus ay hinawakan niya Ang braso ko at kinaladkad ako papunta sa Isang mesa sa dulo o corner.
YOU ARE READING
Kaede Rukawa's Obsession
FanfictionSi Kaede Rukawa ay Isang magaling na manlalaro ng Shohuko. Siya ay tinaguriang Ang Ace player ng team. Siya ay sobrang obsess sa larong basketball hanggang sa kanyang pagtulog ay katabi niya Ang bola pati Rin sa kanyang panaginip ay laman Ang basket...