Haruko POV
Nagising Ako na masakit Ang aking ulo. Nilingon lingon ko Ang aking tingin sa loob ng kwarto at doon ko napagtanto na Wala Ako sa room ko. Bigla Kong naalala na nasa Bahay Pala ako Ni Rukawa kaya agad akong tumayo at lumabas ng kwarto.
Nakailang hakbang pa Ako nang marining ko si Rukawa na may kausap sa telepono.
"Yes po, Tita. Andito po si Haruko sa Bahay. Ako na po Muna na Ang mag aalaga sa kanya.", rinig Kong sambit ni Rukawa.
"Opo. Hindi ko Po Siya pababayaan. Tsaka malakas pa Po Ang ulan. Hindi ko pa Siya mahahatid ngayon.", ani pa nito.
Dahan dahan din akong lumapit sa kanya ng maibaba niya Ang telepono.
"Sino Yun?", agad Kong sambit na ikinabigla niya at napalingon sa akin.
"Tumawag Ako sa inyo baka Kasi nag aalala na sila Tita at Tito. Hindi mo raw Kasi dala ang phone mo.", sagot naman nito.
"Anong Sabi nila?", takang tanong ko naman.
"Tinatanong Kung okay ka lang ba raw. At Kung nabasa kaba ng ulan.", sagot naman niya.
"Ah okay.", maikling sagot ko naman.
"Ba't ka nagising? May kailangan ka ba? O Hindi ka makatulog? Okay ka na Ba?", sunod sunod naman niyang tanong habang lumapit Siya sa akin at hinipo Ang aking noo.
"Rukawa?", sagot ko naman sa kanyang mga tanong.
"Yes?", sagot naman nito habang Ang kanyang mga kamay naman ay nasa mga pisngi ko.
"Nagugutom ako.", mahina Kong sambit.
"Ipagluluto Kita.", sagot naman niya at inaya niya Ako sa salas upang maupo.
Binuksan pa niya Ang TV bago nagtungo sa kusina at nagluti habang ako ay nag aantay at nanunuod lang.
Rukawa POV
Hindi parin maalis alis sa aking isipan Ang nangyari kanina. Lalong na iinit Ang aking katawan habang iniisip iyon. Kaya naman inayos ko Ang aking Sarili para Hindi mahalata ni Haruko bago ko Siya harapin ngayon.
"Andito na Ang request mo.", masayang sambit ko habang dala dala ng mainit na pagkain.
Inilapag ko ito sa harapan niya at agad naman niya itong nilantakan.
"Oh...dahan dahan lang, Haruko baka mapaso ka.", pag aalala Kong sambit.
Nakaupo lang Ako paharap sa kanya at nakatanaw habang Siya ay kumakain.
"Sorry nga Pala kanina, Rukawa. Hi di ko Kasi napigilan.", panimula niya.
"Alin? Iyong nangyari? ..naku Wala yun. Napigilan mo nga Kasi nakatulog ka.", sagot ko naman.
"Pasensiya na talaga. Baka Kasi ano pa Ang isipin mo patungkol sa akin.", diin niya pang sambit.
''Haruko, okay lang talaga iyon. Tsaka sa totoo lang. First time ko Yun.", mahina ko namang sambit na ikinatingin niya.
"First time? As in?", paninigurado pa niya.
"Ou. Never Kasi akong nagkaroon ng girlfriend. Kaya Wala akong alam sa ganoong bagay. Tsaka pag babasketball lang naman Ang laman ng utak ko.", mahaba Kong salaysay.
"Ahhh I see. Pero never talaga kahit kiss?", tanong niya pa.
"Kiss?hmmp.", bulong ko naman habang iniisip Ang nakaraan.
"Syempre, may first kiss ako.", proud ko pang sagot.
"Kung never ka pang nagkajowa..eh sino yang kahalikan mo?", tanong niya pa.
YOU ARE READING
Kaede Rukawa's Obsession
FanfictionSi Kaede Rukawa ay Isang magaling na manlalaro ng Shohuko. Siya ay tinaguriang Ang Ace player ng team. Siya ay sobrang obsess sa larong basketball hanggang sa kanyang pagtulog ay katabi niya Ang bola pati Rin sa kanyang panaginip ay laman Ang basket...