Haruko POV
Pumasok Ako ng school na Hindi ko Nakita si Rukawa. Buong araw talaga Wala Siya. Hinanap ko na gym at sa canteen pero Wala Siya. Tinext ko Rin Siya pero Hindi naman nagrereply. Hindi ko tuloy alam at nag aalala na Ako.
"Nag-aalala Ako sa kanya?", bulong ko sa Sarili habang nasa canteen at kumakain.
"Ano namang pake ko.", karugtong ko pa.
Kinabukasan, nang dumating Ako sa room namin agad ko siyang hinanap. Tinanong ko pa sa kaklase namin Kung Nakita ba nila si Rukawa pero Wala Ang sagot nila.
Nag aabang na Ako sa pintuan Kung darating ba Siya at magsisimula na Ang klase pero ni anino nito ay walang nagpakita.
Pagkatapos ng klase ay agad naman na Akong nagpunta ng gym upang gampanan Ang responsibilidad ko.
Nang makarating Ako ay agad Kong binati si Ate Ayako at Ang ibang team . Nilingon lingon ko Ang paligid pero Wala parin Siya kaya agad na akong nagtanong.
"Ahmmm. ate Ayako.", pabulong Kong tawag sa kanya.
"Bakit Haruko?", takang tanong naman niya.
"Si Rukawa po ba Nakita niyo?", agad Kong tanong.
"Si Rukawa?", palingon lingon niyang sagot na para bang hinahanap niya ito.
"Kanina nandito lang Yun. Saan naman kaya iyon nagpunta.", sambit nito.
"Andito po Siya?.", tanong ko naman.
"Ou. Pero...baka nasa locker room lang.", sagot naman niya.
Hindi na Ako nagpatumpik tumpik pa. Agad Kong tinungo Ang locker room at binuksan Ang pintuan. Nagulat Ako sa aking nasilayan.
Isang lalaking nakahubad pang itaas Ang aking Nakita. Inilibot ko pa Ang aking mga tingin sa maputi at mala pandesal niyang katawan.
"Anong ginagawa mo?", agad niyang tanong sa akin.
"Huh?!! Ahh Kasi....gusto lang..Kita Makita.", pautal utak ko pang sagot habang Siya ay kinuha Ang kanyang damit at isinuot niya ito.
"Ano bang pakay mo at gusto mo akong Makita.", seryoso naman niyang tanong.
"Kasi....Bakit Hindi ka pumasok ng klase? Bakit Hindi ka man lang nagreply sa akin?", inis Kong sagot.
"Eh, ano naman sayo?", sambit niya.
"Kasi....nag aalala Ako sayo.", mahina Kong sagot habang dahan dahan ng pumasok ng room at isinara Ang pinto.
"Nag aalala?!", sarkastikong pag uulit niya na ikinagulat ko.
"Ou Kasi kaibigan Kita baka ano ng nangyari, Diba. Malay ko.", sagot ko naman.
"Haruko, Hindi mo ako kaibigan, kaklase mo lang ako! Remember you said that!", diin niyang sagot na napatameme ako.
"At isa pa, Wala Kang pakialam Kung saan man ako magpunta o ano man Ang ginagawa ko. Buhay ko to! Sabi mo pa nga na Wala akong ambag diyan sa Buhay mo kaya Wala karing ambag sa Buhay ko.", mahabang litaniya niya.
"Doon ka sa boyfriend mong Moreno. Doon ka makipag usap sa kanya!", dagdag pa niya at aakmang lalabas ng room.
"Teka nga!", pagpigil ko sa kanya sa habang hinawakan Ang kanyang braso.
"Nagagalit ka ba?", agad Kong tanong.
"Hindi ko kayang Magalit sayo, Haruko. Nasaktan lang Ako sa mga binitawan mong mga salita.", sagot niya.
"Sorry. Sorry Kung nasabi ko Yun....", paghihingi ko pa ng tawad.
"Nasabi ko lang Yun Kasi alam Kong Hindi mo ko papayagang sumama sa kanya. Sorry, Rukawa.", sambit ko pa.
YOU ARE READING
Kaede Rukawa's Obsession
FanfictionSi Kaede Rukawa ay Isang magaling na manlalaro ng Shohuko. Siya ay tinaguriang Ang Ace player ng team. Siya ay sobrang obsess sa larong basketball hanggang sa kanyang pagtulog ay katabi niya Ang bola pati Rin sa kanyang panaginip ay laman Ang basket...