Haruko POV
"Hindi ko alam Kung nagbibiro lang ba ito si Rukawa o dikaya naman nasambit lang niya iyon dahil sa init na nararamdaman niya", bulong ko sa Sarili habang heto ako ngayon nakahiga sa aking kwarto.
Pumipikit at dumidilat paminsan Minsan habang inaalala Ang ginawa ni Rukawa sa aking katawan na nagdulot ng init nito ngayon.
Naistorbo naman Ang aking pagmumuni Muni ng tawagin Ako ni kuya para Kumain.
Bumaba na Ako at Nakita ko sila Mama na nasa hapagkainan na.
Tahimik lang kaming kumakain. Ni Wala sa Amin Ang kumikibo Hanggang sa kami ay matapos. Hindi man lang nila tinanong Kung okay lang ba Ako. Pero syempre maintindihan ko naman Ang sakit na naidulot ko sa kanila.
Dahil walang pasok, andito Ako ngayon sa gym at tinutulungan si Ate Ayako. Naghahanda Ang team dahil sa parating na game nila laban sa Kainan.
Habang pinupunasan ko Ang mga bolang gagamitin ng team ay Siya namang pagdating nila. Tinanaw ko Kung Kasama ba nilang dumating si Rukawa Kaso ay nabigo Ako kaya naman ibinalik ko ulit Ang aking pansin sa mga bola.
Maya Maya pa ay Nagulat ako ng may humawak sa aking bewang.
"Good morning.", bulong nito sa may aking Tenga na agad Kong nilingon. Muntik na magtama Ang aming mga labi kaya agad Kong iniwas Ang aking mukha sabay sabing, "Good morning din".
Humarap naman Siya ngayon at inilapat Ang kanyang mga kamay sa aking mga pisngi sabay sabing, "Ang Ganda mo talaga, Haruko.".
Bigla namang bumilis Ang pintig ng aking puso at nag init Ang aking mukha.
"Rukawa!", nasambit ko nalang habang Siya naman ay Todo ngiti. Kinindatan niya pa Ako Saka niya Ako iniwan.
Kaya binilisan ko na Ang aking ginagawa at pagkatapos ay bumalik na Ako Kay Ate Ayako.
"Ano Yun?", agad na tanong ni Ate.
"Wala po Yun. Nagbibiro lang si Rukawa.", agad ko ring sagot.
"Weeee, eh bat ka namumula diyan.", ani pa nito.
"Hindi ahhh...Mainit lang talaga rito.", sagot ko naman.
"Ay sus!!! Hahahha", tawa pang sambit nito na Hindi ko nalang pinansin.
Habang abala naman ako sa paper works, pasulyapsulyap din Ako sa nagdidribble na lalaki. Minsan naman ay nagtatama Ang aming tingin at bigla nalang siyang ngumingiti kaya napapangiti Rin ako.
"gusto mo ba si Rukawa?", pagbabasag naman ni Ate sa mood ko.
"Huh?....Hindi po.", sagot ko naman.
"Talaga lang ha....ehhh sobra nga ngiti mo kapag nagkatitigan kayo eh..", sambit pa nito.
"Talagang ganito lang kami Ate. Wala pong namamagitan sa Amin.", sagot ko naman.
"Hindi mo ba Siya type?...eh gwapo, maputi, matangkad at magaling pa maglaro ng basketball si Rukawa. Ano pang hahanapin mo ay na sa kanya na Ang lahat.", mahabang salaysay pa ni Ate na sinang ayunan ko naman.
"Tama ka naman ateee eh..lahat ng sinabi mo ay totoo. Si Rukawa ay talagang ideal boyfriend ng karamihan pero maliban sa akin.", ani ko naman habang nakatitig ng maigi Kay Rukawa.
"Eh ano bang type mo? Tsaka anong ideal jowa mo?", pananaliksik niya pa.
"Yung type ko ay isang makisig at Moreno at Malaman Ang katawan.", sagot ko naman.
"Ayaw mo ba da maputi, matalino, makisig at gwapo?", singit naman ng Isang lalaki na ikinalingon ng sabay ni Ate Ayako at napakunot din kami nang makilala ito.
"Sendoh! Anong ginagawa mo rito?", agad namang tanong ni Ate Ayako Siya naman ay nakangiti lang at tiningnan ako.
Ako Rin ay Hindi umiwas sa tingin nito. Para bang nabigla Ako sa gwapo niyang mukha.
"Ahh Kasi sinamahan ko lang si Coach na makipag usap Kay Coach Anzai. Kaya nandito ako.", sagot naman niya Saka Siya lumapit at umupo sa tabi ko.
"Hi. I'm Akira Sendoh.", wika nito sabay lahad ng kanyang palad.
"Haruko....Haruko Akagi.", sagot ko naman at nakipagkamay sa kanya.
Rukawa POV
Habang Ako ay nagdala ng bola at magdidribble na sana ng mapalingon Ako sa kinaruruonan ni Haruko at napansin Kong may lalaking katabi nito Kay naman ay napahinto ako.
Hindi ko narinig Ang pagpito at pagtawag ni Mitsui sa akin. Nagulat nalang Ako nang pituhan nila ako saay Tenga ko na ikinainis ko naman at napalingon sa taong gumawa nito.
"Ano bang problema mo!", inis Kong sambit Kay Mitsui.
"Kami dapat Ang magtanong niyan!! Ano bang problema at bigla ka nalang napahinto! Ha!!!", inis ding sagot niya Saka ko naman ibinaling Ang tingin sa Masaya at nakangiting Haruko.
"Time out Muna.", sagot ko Saka ako humakbang papunta Kay Haruko.
Nabigla naman sila ng natanaw nila Ako na nasa harapan na nila. Magkasabay pa Silang lumingon sa akin at Kita mo Ang pagtataka.
Tiningnan ko ng matalim si Sendoh at ibinaling ko Rin Ang aking tingin Kay Haruko Saka ko kinuha Ang kanyang kamay at dinala Siya sa likod ng gym.
"Bakit may problema ba Rukawa?", mahinahon niyang tanong habang Ako ay Hindi mapakali. Palakad lakad pa Ako sa kanyang harapan habang Siya naman ay nakasandal lang sa wall.
"Rukawa.", tawag niya pa sa akin.
Huminto Ako at hinarap Siya.
"Haruko, Wala naman akong problema kaya lang.....", putol kong sambit.
"Kaya lang ano?", tanong niya.
"Kaya lang nagseselos ako, nasasaktan ako kapag may kausap Kang iba. Gusto ko akin ka lang. Sa akin lang Ang mga titig at ngiti mo!", diin kong sagot.
"Ha?! Ano bang pinagsasabi mo?", sambit naman niya.
"Haruko, mahal na mahal Kita.", sagot ko naman.
"Rukawa...Hanggang..", sagot din niya napinutol ka sa pamamagitan ng halik.
Nagulat Siya sa ginawa ko at napakunot Ang kanyang mukha. Napansin Kong bubuka na naman Ang kanyang bibig upang magsalita Kaso inunahan ko na.
"Isang salita mo pa, hahalikan Kita ulit.", agad Kong sambit na.
Napatikom Siya sa kanyang bibig. Agad ko ulit Siya hinalikan.
"Ang cute mo talaga.", sambit ko Saka ko Siya pinakawalan.
Agad naman siyang lumakad papasok ng gym at sinundan ko Rin Siya.
Napaisio tuloy ako Kung bakit Hindi man lang Siya pumalag sa mga halik.
Ibig bang Sabihin na may pag asa Ako sa kanya? May puwang ba Ako sa puso niya? Magkakatotoo bang maging akin Siya? ---sunod sunod na tanong sa isipan ko habang nakatitig sa amo niyang mukha.
Nang mapansin ko ring nakatingin Siya sa akin ay agad ko siyang kinindatan at binigyan ng matamis na ngiti.
YOU ARE READING
Kaede Rukawa's Obsession
Hayran KurguSi Kaede Rukawa ay Isang magaling na manlalaro ng Shohuko. Siya ay tinaguriang Ang Ace player ng team. Siya ay sobrang obsess sa larong basketball hanggang sa kanyang pagtulog ay katabi niya Ang bola pati Rin sa kanyang panaginip ay laman Ang basket...