DWAYNE
I inhaled.
Hinawakan ko ang kamay ni Jelai, nakayuko siya and she's crying.
"We talked about it already, ang akala ko ay naintindihan mo na." sabi ko. It's about her feelings for me. I care about her, I love her but as a sister or best friend.
"I'm sorry kung ito naman ang nararamdaman ko para sayo, I'm sorry kung minahal man kita."
"And I'm sorry too if hindi ko kayang ibalik ang nararamdaman mo para sa akin." I whispered. Sumasakit na ang ulo ko kaya napapikit na ako. "Sundin mo ang sinabi ko, ibaling mo ang atensyon mo sa kapatid ko." I paused. Leave me Jelai. I want to rest." I said without opening my eyes. Hindi ko gustong nakikita siyang nasasaktan.
I heard her footsteps, lumabas na ito ng kwarto, hindi ko pa rin binubuksan ang mga mata ko. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko.
Bakit pa siya bumalik? .
I opened my eyes, it's not Jelai.
"Via."
She smiled. "How are you?" she asked.
"Kararating mo lang ba?"
Umiling ito, inayos ang kumot ko. "Kasama ko sina Maxene at Savory na nagpunta dito. Nanatili lang ako sa labas nakipag-kwentuhan kay ate Aria."
"Umalis na ba si Jelai o nasa labas pa?"
"Umalis na. May gusto ka bang ipakuha, o baka nagugutom ka?"
"Wala, gusto kong matulog na muna." I said and I saw a disappointment in her eyes.
"S-sige matulog ka na, pero hindi ako uuwi. Kung may kailangan ka tawagin mo nalang ako."
"Baka hanapin ka."
"Magaling naman akong magdahilan eh."
"Mag-aalala sayo ang parents mo."
"Kung uuwi ako baka nandun na naman si Inigo, ayokong makita siya ano. Eh di ba sabi mo iwasan ko siya kaya mas magandang dumito na muna ako."
"Inigo is not here."
"Hmm? Oo nga may pinuntahan siya pero malay mo biglang susulpot sa harapan ko. Kasi ang sabi niya sa message niya kanina ay pauwi na siya."
Napahilot ako ng sentido ko. Pumipitik ang ulo ko. Kailangan ko na munang magpahinga. Hinawakan ko ang kamay ni Via para pigilan, hinawakan na kasi nito ang ulo ko para umpisahan na i-massage. "Hindi mo na kailan-."
"I know masakit ang ulo mo, pero hayaan mo na akong gawin ito para marelax ka. Ititigil ko lang kapag nakatulog ka na."
"Hindi mo na-."
"Hep! Hep! It's part of my job bilang GIRLFRIEND mo." madiin na pagkakasabi niya.
Hindi ko na gustong kontrahin siya dahil alam kong hindi siya magpapapigil kaya naman hinayaan ko lang siya hanggang sa dinalaw na ako ng antok.
Nagising lang naman ako ng may tumawag. Napatingin ako sa tabi ko, Via is sleeping beside me. Gigisingin ko na sana siya pero hinayaan ko nalang baka importante kasi ang sasabihin ng tumatawag sa akin.
"Hello?"
"They're looking for you. Delikado ang buhay mo ngayon." ani ng aking kausap.
"Kailan pa ba naging safe ang buhay ko?"
"Ibang usapan ito DM, alam mo bang madami na silang naghahanap sayo? At hindi ba ay nakita ka na ni Inigo pero hindi niya alam that time na tauhan ka ni Marlon, but this time ay alam na niya. Paniguradong gagamitin niya si Via Kaye. Hindi siya safe. She's not safe with you."
BINABASA MO ANG
Don't Fall In Love With Dwayne Maverick
RomanceVia Kaye is curious about her bestfriend's mysterious brother Dwayne Maverick La Torre. She got a chance to enter his room without a permission, to see if there's a photo of him and she's lucky because it's not lock. But she's unlucky because the ma...