Capitulo 13

46 3 0
                                    


VIA

"Can I ask you?"

I faced Maxene. "You're already asking my dear." sabi ko.

"Who's the man with you? Ilang beses ka na naming nakikita na kasama ang lalaking may motor. Are you in a relationship with him?"

"No!" agad na sagot ko. Si Rider ang tinutukoy nito.

"Are you sure?"

"Of course, he is just my friend hindi ko naman magagawang lokohin ang kapatid mo at isa pa-." I stopped. Nanlaki ang mga mata ko, ngayon ko lang narealize ang sinabi ko.

"What do you mean? Ayaw mong lokohin ang kapatid ko, who? Si kuya Dwayne ba? Oh my gosh don't tell me kayo na ng kapatid ko?"

Naku naman Via!

"H-hindi ah."

"Hindi ka pwedeng magsinungaling sa akin Via, bestfriend mo ako, kami ni Savory. Tell me the truth Via." she said.

Napapikit ako at napakamot.

She breathes heavily. "Oh goodness!" hindi makapaniwalang bulalas niya.

"I'm sorry kung hindi ko sinabi." halos pabulong na sinabi ko.

"Pinagsabihan na kita Via."

"I know, I'm sorry."

Matagal bago ulit ito nagsalita. "Wala na akong magagawa. Sinasabi ko sayo masasabunutan kita kapag iiyak ka sa harapan namin. Wag mo akong sisihin kapag nasaktan ka dahil sa kuya ko. I warned you already."

Ngumiti ako at niyakap ang kaibigan ko. "I'm sorry if di ko nasabi. Ayaw din naman kasi ng kuya mo na malaman niyo eh, lalo na ang daddy at lolo niyo."

"Kailangan na malaman ni Savory ito. Magtatampo iyon."

Speaking of Savory, nasaan na ba ang babaeng iyon?

"About the guy na laging naghahatid at sumusundo sayo anong pangalan niya?" Maxene asked.

"Rider."

"Rider really?"

"Actually hindi ko alam kung iyon ang totoong pangalan niya."

"Gwapo ba?"

"Sa tingin ko ay oo?"

"Sa tingin mo? Hindi ka sigurado?"

"Simula ng makilala ko siya hindi ko pa nakikita ang mukha, mga mata lang niya ang nakikita ko."

"Eyy?!"

"Mysterious man." I said.

Ilang araw ko ng nakakasama si Rider pero until now hindi ko pa siya nakikilala ng husto. Malihim na tao, kahit madami na akong tanong tungkol sa buhay niya ay wala man lang nasasagot sa mga iyon. Dinededma lang naman niya.

"Sinubukan mo na bang tinawagan ang kuya mo?" tanong ko.

"Ilang beses na pero laging out of coverage. How is he?"

Nagbuga ako ng hangin. "I don't know. Almost one week na hindi ko siya nakausap, hindi ko ma-contact." malungkot na sinabi ko.

"Nasaan na ba ang kuya kong iyon? Malapit na ang birthday ni mommy. Hindi siya pwedeng mawala."

Siguradong magtatampo si tita Emilie kay Dwayne kapag hindi siya dumalo, pero hindi ba nasanay si tita? Never atang dumalo ito sa mga parties.

Ilang beses kong sinubukan tawagan si Dwayne pero wala pa rin. Hanggang sa makauwi ako ay hindi ko pa rin siya nakakausap. This time hindi ako naihatid ni Rider dahil may gagawin daw ito.

Don't Fall In Love With Dwayne MaverickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon