Capitulo 21

63 2 0
                                    


VIA KAYE

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana ng kotse at pumikit. Pauwi ako ngayon sa bahay, sobrang traffic kaya itutulog ko nalang muna.

"Traffic, kahit saan nalang."

Dumilat ako at tiningnan si Cathy na siyang nagmamaneho. Naiinis na siya dahil kanina pa talaga traffic.

Tumingin naman ako sa katabi niya na tahimik lang at mukang walang balak magsalita. Kanina pa tahimik, si Dwayne.

Hindi ko alam kung bakit ba ako pumayag na ihatid ako ng mga ito. Kotse pa ni Cathy ang gamit, hindi dala ni Dwayne ang sasakyan niya. Sana nandito nalang si Leon para kahit papaano ay nakakausap ako.

Pero siguro isa na rin sa dahilan kung bakit ako sumabay sa kanila ay gusto kung malaman kung may namamagitan ba sa kanila pero wala akong makita na kahit anong ebidensya. Hindi sila sweet, di sila nag-uusap. Well nag-uusap naman pero parang hindi sila close, oh dahil nandito ako kaya hindi sila masyadong makapag-usap?

Nahihiya kaya sila sa akin?

O baka naman magkaibigan lang talaga sila.

"Okay ka lang ba dyan Via?" tanong ni Cathy. 

"Oo, okay lang ako." sagot ko.

"Eh ikaw?" tanong niya kay Dwayne, hindi naman ito sumagot. "Bakit ba hindi kayo nag-uusap?"

Luh.

"Parang hindi kayo mag jowa."

Hindi niya alam na hiwalay na kami?

"Wait...may hindi ba ako alam?" She asked. So hindi nga niya alam.

Binuksan ni Dwayne ang pintuan at bigla nalang itong lumabas. 

Saan siya pupunta?

Sinundan namin siya ng tingin, umikot lang pala ito. Nagpunta sa driver seat.

"Umusog ka, ako na magmamaneho." sabi nito kay Cathy, agad naman itong sumunod.

Nagtatakang tiningnan ako ni Cathy.

Nagkibit-balikat lang naman ako.

Wala naman ng nagsalita ng umandar na ang sasakyan. Parang malalim na ang iniisip ni Cathy. Siguro ay kami ang nasa isipan niya ngayon. Alam kong madaming katanungan. Nahihiya lang sigurong magtanong.

"Salamat sa paghatid." ani ko.

"Can I get your number?" tanong ni Cathy. "Usap din naman tayo minsan." nakangiting sinabi niya.

Hindi naman na ako nagdalawang-isip na ibigay ang number ko. Sigurado ako na tatawag ito at tatanungin tungkol sa nangyayari sa amin ngayon ni Dwayne.

____

"Birthday ni Kuya Cyrus."

"Kailan?" tanong ko sa sinabi ni Maxene.

"Bukas, and nagplan si Ate Aria ng surprise birthday party, sa hotel mismo. Pumunta ka okay, pinapapunta ka ni ate Aria."

"Hindi mahilig si kuya Cyrus sa mga parties hindi ba?"

"Yeah, and wala na siyang magagawa kasi si ate Aria ang nagplano."

Oww.

"Promise na pupunta ka?"

"I can't promise ka-."

"Hindi pupunta si kuya Dwayne."

"Huh?"

"Alam kong si kuya ang iniisip mo kaya nagdadalawang-isip ka sa pagpunta. Pero kuya Dwayne is not coming. Sinabi niya sa akin na hindi siya makakapunta. Kailan pa ba umattend ng mga okasyon iyon?" sabi niya.

Don't Fall In Love With Dwayne MaverickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon