Capitulo 19

51 2 0
                                    

DWAYNE

Inalis ko ang seatbelt na nakakabit sa akin, isinandal ko ang ulo ko at pumikit. Ramdam ko na ang pagod, gustuhin ko man magpahinga, magbakasyon pero hindi pa pwede.

Iminulat ko ang mga mata ko ng may kumatok sa bintana, ibinaba ko iyon at yumuko ang nakangiting si Lance.

"How are you, cousin?" tanong niya. "Ang akala ko ay hindi ka na magpapakita."

Bumaba ako ng sasakyan at nakipag-fist bump sa kanya. Napatingin ako sa ginamit niyang motor.

"Kay Cyrus yan hindi ba? Nasaan na ang motor mo?" tanong ko.

"Nasa kanya, nakipagpalit muna siya saglit."

Tumingin ako sa pintuan ng mansion. "Nandito na ba sila lahat?" tanong ko.

"Siguro, mukang nandito naman na ang mga sasakyan nila. Pumasok na tayo, matutuwa ang mga iyon kapag makikita ka nila."

"Maiinis lang sila kapag nandito ako." sabi ko.

Tinapik nito ang likod ko. "Believe me cousin, na miss ka nila."

Na miss? Paniguradong mas gusto nilang wala ako.

Nauna ng pumasok si Lance. Napakatahimik, ano pa bang aasahan ko. Kailangan pa naging maingay ang mansion tuwing kakain?

"Dwayne is here." pukaw ni Lance sa atensyon ng lahat.

Sa akin dumako ang tingin nila. Hindi ko na nakita ang reaction ng lahat dahil kay mama lang napatingin dahil agad itong tumayo at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.

"Son." she whispered. "I miss you so much." aniya. She's crying.

Umangat ang kamay ko at ginantihan siya ng yakap. Kahit pa hindi ko siya tunay na ina ay hindi na mawawala ang pagmamahal ko sa kanya.

Nginitian ko si mama ng pagmasdan niya ako at haplusin ang mukha ko.

"Maupo ka na at ng makakain ka na." sabi ni Don Ignacio. Hindi ata at hindi pagalit ang pananalita niya Nakangiting tinanguan ako ng mga kapatid at pinsan ko.

Naisipan kong bumalik dito, magpakita sa kanila. Handa na akong makinig kung ano man ang gusto nilang sabihin o i-explain sa akin.

Pagkatapos kumain ay pinuntahan ko si Maxene sa garden, mag-isa lang niya at mukang may kausap siya sa phone. Hinila ko ang isang upuan para tabihan siya.

Nagulat siya sa pagsulpot ko, agad niyang ibinaba ang cellphone, kita ko ang paglunok niya. Ramdam kong kinakabahan siya.

May itinatago ito.

"K-kuya k-kanina ka pa?" nauutal pa niyang sinabi.

"Sinong kausap mo?" tanong ko.

"Y-yung uhmm...kaklase namin kuya, may tinanong lang kasi ako about sa activity namin."

"Bakit hindi mo kay Savory tanungin?"

"Ibang group kasi siya eh."

"May boyfriend ka na ba?" diretsong tanong ko sa kanya na mas lalong nagpagulat sa kanya.

Umiling ito. " W- wala po. Kuya wala akong boyfriend." ngumiti ito at niyakap ako. "I miss you kuya, alam mo bang sobra akong nag-aalala sayo, akala ko di ka na talaga magpapakita sa amin."

"Hindi ka na galit?"

"Hindi naman ako galit eh." sabi nito.

"Dwayne." tawag ni papa sa akin. "Sa office." aniya. Alam kong gusto na nila akong makausap.

"Mamaya na tayo mag-usap." ani ko kay Maxene at iniwan na siya. Pumasok ako sa opisina ni Don Ignacio, he is waiting already. So kaming tatlo lang ang maghaharap?

Don't Fall In Love With Dwayne MaverickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon