VIA KAYE"Hi." nakangiting bati sa akin ni Inigo pagkalabas ko ng school.
"What are you doing here?" I asked.
"Sinusundo ka." aniya. Tumayo siya ng maayos. "Let's get to know each other more."
"What?"
"I decided na kilalanin ka ng husto. Para hindi tayo manibago sa isa't-isa kapag kasal na tayo."
"Wait, wait... don't tell me-."
"Yes willing na akong magpakasal sayo."
What the.....
"So let's have a date."
Napakurap ako ng ilang beses. Hindi makapaniwala! Bakit willing na siyang magpakas samantalang ako ay ayoko talaga. May Dwayne na kaya ako, pero syempre ako lang amg nakakaalam doon. Hindi ko pwedeng sabihin kina mommy baka may gawin sila para mapalayo si Dwayne sa akin.
Napakislot ako ng hawakan ni Inigo ang beywang ko. Inalalayan ako nitong pumasok sa kotse niya. Sige pagbibigyan ko siya pero ang pagkasal ay hindi ako papayag na matuloy iyon.
Sa isang fancy restaurant ako dinala nito. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Gusto ko ng umuwi para matawagan ko si Dwayne. Gusto ko siyang makausap eh.
Madaming sinasabi si Inigo, naririnig ko ang mga iyon pero hindi ko iniintindi. Ang atensyon ko kasi ay nasa labas ng resto.
"Via, Via."
Napatalon ako sa gulat dahil may tumapik sa balikat ko. Si Inigo lang pala. "B-bakit?"
"Kanina pa ako nagtatanong pero hindi mo sinasagot, mukang may malalim kang iniisip."
"W-wala, sorry....ano yung tanong mo?"
"Willing ka bang magpakasal sa akin?"
Hindi ako nakapagsalita agad sa katanungan niyang iyon. Pero alam kong alam niya ang sagot ko dahil sa reaction niya na nakikita ko ngayon.
"Siguro hindi pa sa ngayon pero darating ang araw na gusto mo na, hindi naman tayo nagmamadali eh. Matagal pa naman ang kasal at nasa getting to know stage pa lang tayo."
Tipid na ngumiti ako. "Kumain na tayo." nasabi ko nalang, sakto kasing dumating ang pagkain.
Hindi ko pa nakakalahati ang kinakain ko ng may tumawag. Si Leon...oo nga pala naibigay ko ang number ko sa kanya.
Nag-excuse muna ako kay Inigo. Tumayo ako at nagpunta sa likod. "Hello Leon, napatawag ka?"
"Busy ka ba?" tanong niya.
"Hindi naman bakit?"
"Pwede bang pumunta ka dito sa condo ni Dwayne? Pasuyo lang sana ako. Lasing na lasing kasi siya, eh ayaw pang tumigil sa pag-iinom. Kailangan ko pa namang umalis."
"Lasing? Teka may problema ba siya?"
"I think so. Ngayon lang naman siya nagkaganito. Pwede ka bang pumunta dito?"
Nilingon ko si Inigo. Nakakahiya naman kung iiwan ko siya pero si Dwayne iyon eh, baka may problema yung tao.
"I'm sorry Inigl, kailangan ko ng umalis. May emergency kasi ang kaibigan ko. Next time nalang ha, sorry talaga." sabi ko at nagmamadaling umalis, hindi ko man lamg hinintay ang sasabihin niya.
"Sorry sa istorbo." sabi ni Leon ng salubungin niya ako sa entrance.
"Hindi okay lang."
"Puntahan mo nalang siya sa kwarto, ito ang susi. Pasensya na talaga may kailangan kasi akong puntahan."
BINABASA MO ANG
Don't Fall In Love With Dwayne Maverick
RomanceVia Kaye is curious about her bestfriend's mysterious brother Dwayne Maverick La Torre. She got a chance to enter his room without a permission, to see if there's a photo of him and she's lucky because it's not lock. But she's unlucky because the ma...