Chapter 7

160 23 0
                                    

Sa isang malawak na silid kung saan naroroon ang lalaking maihahalintulad sa nakalaban ni Nimbus ay maiging nagcu-cultivate at kasalukuyan itong nasa seclusion kung saan ay nagpapalakas pa ito ng lubusan. Hindi maipagkakailang nasa kalagitnaan ito ng pagcucultivate nang bigla na lamang itong napasuka ng sariwang dugo na siyang ikinagulat rin nito.

"Ano'ng nangyayari sa akin?! Hindi kaya... Hindi maaari?! Kahit na hindi pa ganon kalakas ang Cultivation Copy Talisman ko ay hindi maaaring matalo lamang iyon o mapaslang ng sinuman. Sino kang pangahas na nilalang ka upang kalabanin ako ng harap-harapan?! Malilintakan ka talaga sa akin kapag nalaman ko kung sino kang talaga at ipapalasap ko sa'yo ang aking paghihigante!" Sambit ng lalaking walang iba kundi si Human Demon General Criouse  na nagpupuyos sa galit ang kaniyang damdamin habang tumutulo sa gilid ng labi nito ang napakasaganang dugo.

Agad niya itong pinahid at nag-concentrate sa pagcucultivate. Hindi niya aakalaing mas mapapahaba pa ang kaniyang pagtira rito sa malawak na silid na ito at ang inaasahan niyang pagtapak sa 3rd-Step Martial Stardust Realm ay lubhang napakalabo pa mula ngayon idagdag pang napinsala ang kaniyang sariling Cultivation dahil sa napaslang ang kaniyang Cultivation Copy.

"Humanda ka sakin pipitsuging insektong Frant ka, pagbabayaran mo ng malaki ang aking naging pinsala sa katawan. Kung bakit ba naman gusto siyang protektahan ni Boss hmmmp! Masyado ng malaki ang naipundar king pasensya at sisiguraduhin kong mayroon akong magiging benepisyo na makukuha at hindi lamang puro pasakit hmmp!" Sambit ni Human Demon General Criouse habang ikinakalma ang sarili maging ang kaniyang isipan. Ang awrang inilalabas niya sa katawan ay higit na malakas kumpara sa Cultivation Copy Talisman nito at kung lalabanan ito ni Nimbus ay siguradong hindi niya ito makakayanan. Ang lakas nito ay hindi hamak na malakas o maikukumpara ito sa lebel ng napatay noon ni Van Grego na Black Terra Spider sa kakaibang pamamaraan.

Agad niyang pinatawag ang kaniyang alagad gamit ang kaniyang isipan at doon ay mabilis na tumambad sa kaniya ang isang nakakapangilabot na nilalang.

"Hanapin mo si Human Demon Chief Frant na peteng nilalang na iyon. Paslangin mo ito ng hindi nag-iiwan ng bakas. Kung sakaling pumalpak ka ay alam mo na ang kahihinatnan mo hahahahaha!!!!" Sambit ni Human Demon General Criouse habang matalim nitong tiningnan ang nakakakilabot na anyo ng nilalang na ito o mas mabuting sabihing isa itong halimaw. Imbes na kamay ang makikita mo rito ay isang napakatulis na bagay ang nasa kamay  nito maging katawan nito ay nakakatakot rin dahil mistula itong halimaw ngunit mala-tao lamang ang nilalang na ito. Hindi man lang mababakasan ng pagkabahala o pagkatakot si Human Demon General Criouse dito kundi natutuwa pang utusan ito.

"Shisshuuuurriinn  krunikunnookk fiissssjurriinoo kiirrippiinooo ssaaaannnn..." Sambit nito na magalang na yumuko at mabilis na nawala sa lugar na ito.

"Tingnan natin kaya ngayon pipitsuging Frant kung hanggang saan ang swerte mo. Hindi ko aakalaing mas papaboran ka pa ng boss natin kaysa sa akin na isang Heneral ng ating lahi. Ngayon ay kailangan mo ng mamaalam sa mundong ito para makahinga ako ng maluwag dahil sa kamalasang hatid mo sa akin o sa lahi nating Human Demon!" Nanggagalaiting sambit ni Human Demon General Criouse habang mabilis nitong ipinikit ang dalawang mata nito habang may kakaibang ngisi na nakapaskil sa mukha nito.

...

"Anong gagawin ko?! Hindi ako maaaring manatili pa rito dahil baka balikan ako ng misteryosong nilalang na nagngangalang Nimbus. Ayoko pang mamatay sa lugar na ito!" Sambit ni Human Demon Chief Frant habang nababahala at natatakot sa kaniyang kaligtasan ng kaniyang buhay. Hindi niya gustong mamatay rito dahil marami pa siyang malaking planong gustong tuparin sa buhay na ito.

Agad niyang ipinawalang-bisa ang kaniyang skill dahil maging ang kaniyang enerhiya sa katawan ay halos masaid na rin maging ang kaniyang endurance ay lubhang humina dulot ng pagod at exhaustion sa walang katapusang labanang ito.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon