Chapter 29

119 17 0
                                    

"Ano pa nga ba, hindi naman nagbibiro si boss sa atin liban na lamang kung walang problema pero sa lagay ng binatang iyon ay siguradong malaking kaparusahan ang ipapataw sa suwail na si Jinron." Sambit naman ni Carl na isang Skill Type na siyang enhancer o tagabigay ng suporta ng mga Defense at Weapon Type na mga Martial Artists na siyang kapwa-kawal niya. Hindi lingid sa kaniya na malaking parusa ang kakaharapin ni Jinron.

"Hoy ang pagsasalita mo, ayusin mo... Wala tayong karapatan upang makialam rito. Mabuting hindi nalang natin pakialamanan ito at hayaan na lamang na ang kinauukulan ang paparusa rito." Saway naman ni Leah kay Carl dahil hindi ito mahilig na makialam sa mga bagay na hindi nila saklaw lalo na kung pag uusapan ang matataas na awtoridad.

Habang nangyayari ang bawat sagupaan at pagtatalo sa pagitan ni Kai at ang mapang-asar na si Jinron ay nagising ang sampong mga alalay ni Kai upang hanapin ang suwail na anak ng isang butihing opisyales.

Isa silang mga karaniwang kawal ng White Raven Tribe ngunit sila ang pinakamagaling sa pinakamagaling sa mga ito. Wala kasing nakakalamang sa kanila dahil ang ibang matataas na mga kawal na talentado ay naglakbay na sa ibang lugar na wala ng gampanin sa tribong kanilang kinabibilangan. Nagpapalakas man ito o nagkaroon ng pamilya ay wala ng pakialam pa ang kanilang tribo. Isa itong batas na siyang nagbibigay kalayaan sa sinuman. Marami rin namang nanatili sa kanilang tribo at nagiging ordinaryong mamamayan na lamang at ang bagong mga henerasyon ng magiging kawal ang siyang magiging susunod na hahalili sa kanilang pwesto. Sa madaling salita, ang White Raven Tribe ay isa sa mga masasabing Military Tribe kung saan ay dito nagkakaroon ng pagsasanay at pagtitipon upang turuan ang mga batang henerasyon sa maayos at organisadong pamamaraan. Mayroong tatlong uri ng iba't-ibang kasanayan rito at specialization.

Ang pinakauna o nangunguna sa listahan ay ang Weapon Type na mga kawal na siyang masusing tagapag-atake o bihisa sa anumang klaseng atake na epektibo sa isang sitwasyon kung saan masasabing close- combat sila lalo na ang mga gumagamit ng mga espada, palakol, gauntlet, claw, hammer at iba pa. mayroon ding long-ranged na klase ng mga martial artists na weapon type lalo na ang gumagamit ng mga mga pana, sibat, flying weapons at iba pa na siyang tinatawag na mga assasins at iba pa.

Pangalawa naman sa listahan ay ang mga Defensive Type kung saan sa salita palang na defense ay masasabing eksperto ang mga ito sa pagsangga, panangga at pagprotekta ng kanilang grupo. Dito nahahanay ang mga eksperto sa mga Defensive Combat, Defense Formation at Defense Array System. Hindi pwedeng baliwalain ito sapagkat kapag nagsama ang Weapon Type at Defense Type ay mahihirapan ang magiging kalaban ng mga ito.

Ang pangatlo sa listahan ang masasabing nakakamanghangha ngunit pinakakonti sa lahat at ito ay ang Skill Type na mga kawal. Ang kanilang mga Martial Spirits at Martial Soul ay sobrang compatible kung kaya't ang skills nila ay lubhang nakakamangha at napakabenepisyo. Dito nahahanay ang mga martial Artists na may malalakas na skills dahil sa pambihira nilang technique ngunit napakakonti lamang nila. Kaya nga kahit malalakas ang mga skills nila ay hindi nila mapapantayan sa bilang ang Defense Type na kawal at mas lalo na ang mga Weapon Type na mga kawal na kapwa nila martial artists dahil sila ang pinakamaraming bilang ayon na rin sa ranking na nasa listahan.

Kumpara sa mga departamento ng Alchemy Powerhouse Association na nasa maliit na kontinente ng Hyno ay walang-wala ang mga ito sa anumang aspeto ngunit sa paggawa ng Pills ay siguradong hindi magpapahuli ang nasabing Asosasyon. Ngunit sa pangkalahatan ay hindi mapapantayan ang White Raven Tribe ng isang Asosasyon na binuo lamang noong labindalawang taon na batang Van Grego.

Samantala...

Nag-umpisa mag-isip at magkuwentuhan gamit ang kanilang divine sense sampong kawal upang ipahayag ang kanilang saloobin.

"Grabe pala magalit si Boss noh... Katakot!" Sambit ng medyo payat na lalaking kasa-kasama ng iba pa na kapwa nito alalay sa ngayon. Siya ay si Julio na nabibilang sa hanay ng mga Skill Type na kawal. Kahit ganito ang katawan nito ay hindi naman nangangahulugan na napakahina nito.

"Sinabi mo pa, kung sino pa yung napakabait ay ito pa ang pinakagrabe magalit." Sambit naman ni Felipe na isang Weapon Type na kawal ng White Raven Tribe. Napakalaking bulas na tao nito halata rin na mahilig itong makipaglaban at magsanay ng pisikal na pag-eensayo.

"May katuturan ang sinabi niyo. Kung hindi ba naman tatanga-tanga ang Jinron na yan eh hindi sana siya nagkaganito." Sambit naman ni Ria na siyang isang babaeng kawal na nahahanay sa defense type. Hindi mo aakalain na isa itong Defense type na kawap at napagkakamalang lalaki dahil sa gupit nitong panglalaki. Siya ay sikat na kawal sa White Raven Tribe dahil hindi siya basta-batang mapapatumba ng iba. Hindi dahil sa kaya nitong pisikal na magdepensa kundi kung paano ito kagaling sa Defense Array System. Mahihiya ang sinumang sumubok sa galing nito sa pagdepensa. Pangarap din nitong makakilala ng malalakas na martial artists na bihasa sa Defense Array System. Paano pa kaya kung malaman niyang ang binatang si Van Grego ay kayang-kayang tapatan ang galing nito sa depensa?!

"Pinalaki kasing sunod sa luho at nakukuha ang lahat ng gusto nito kaya nga nagkakaganyan na yan!" Sambit ni Jason na isang Weapon Type na kawal ng White Raven Tribe. Likas na gusto nito ng ibayong katarungan at mabilis uminit ang ulo nito sa mga masasama ang pag-uugali kaya galit siya sa klase ng mga taong ito.

"Ewan ko ba pero naaawa ako sa kalagayan niya. Patong-patong na problema ang dinala at pinapasan ng ama nito dahil sa kalokohan niya." Pahayag naman ng saloobin ni Ronald na isang Defense Type na kawal. Ito ang may pinakamalaking katawan sa kanilang sampo. Binansagan ngang the Giant ito dahil malahigante nga ang taas nito maging ang katawan nito. Isang totoong Defense Type ito at animo'y isang malabakal na tanke sa mga labanan at kaguluhan ito. Halos magkasing lakas sila ni Ria pagdating sa depensa ngunit nangangarap na lamangan niya ang mga  babaeng eksperto sa Defense Array Formation gamit ang kanilang pisikal na depensa.

"Ang sabihin mo nakakaawa nga pero nakakagigil din kasi yung mga kalokohan niya." Sambit naman ni Jon na isang Weapon Type na kawal ng White Raven Tribe. Kung sino ba naman ang maaawa sa isang suwail na anak na katulad ni Jinron na puro perwisyo ang dala nito sa butihin nitong ama. Kung anak niya ito sy malamang ay bibitin nitong patiwarik at ihagis sa mga grupo ng mga Martial Beast na uhaw sa dugo at laman.

"Kung hindi talaga sinabi sa atin ng boss na nasa bingit ng kamatayan ang buhay nating lahat dahil sa kondisyon ng binatang nagngangalang Van Grego ay hindi ako maniniwala ngunit ng makita ko ang kalagayan nito ay parang dito nabuhos yung awa ko." Sambit naman ni Leah na isang Skill Type na kawal. Nagsisilbi siyang tagagamot at nagpapataw ng paunang gamot sa mga sugatang mga kawal ng White Raven Tribe.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon