Chapter 97

104 18 0
                                    

Biglang nagimbal ang binatang si Van Grego sa kaniyang nakita sapagkat sa hindi kalayuan ay nakita niyang ang isang nilalang na nakabukas ang dambuhalang pares ng mapupulang mata nito kung saan ay nakaw-tingin sa napakadilim na lugar sa loob ng mahabang tunnel hole na ito. Sa naglalakihang pares ng mata nito ay makikita na matiim nitong tiningnan ang binatang si Van Grego at mababakasan ng savagery ang pagkakatitig nito sa binatang si Van Grego.

Hindi mapagkakailang parang pamilyar sa binatang si Van Grego ang pares ng mata nito.

Gamit ang matalas na divine sense maging ng kaniyang matalas na pang-amoy at paningin ay agad niyang nakita ang kabuuang anyo ng nasabing halimaw na hindi pa rin nawawala ang galit na galit nitong tingin sa binatang si Van Grego.

Ngunit nagulat na lamang si Van Grego na parang nawala bigla ang kaniyang kakayahan sa divine sense niya sa paligid mismo ng halimaw. Mistulang mayroong enerhiyang nagpawalang-bisa o pumipigil na obserbahan pa lalo ang halimaw na ito.

"Hindi ko aakalaing malakas pala ang halimaw na ito. Kung hindi ako nagkakamali sa aking obserbasyon ay mayroong Cultivation Level na Martial Ancestor Realm ngunit bakit parang madali lamang napigilan ang aking divine sense?!" Nagtatakang sambit ng binatang si Van Grego habang hindi mapigilang magseryoso sa kasalukuyang sitwasyon. Hindi niya pa rin maiwasang magtaka at mangalumbaba sa kaniyang sariling obserbasyon. Tiyak kasi siyang isang Martial Ancestor Realm Expert lamang ang nilalang na iyon kaya paanong na-restrict ang kaniyang sariling enerhiya lalo na ang kaniyang divine sense. Napakaimposible talaga kahit saang anggulo man tingnan ng binatang si Van Grego ay talagang wala siyang mahanap na solusyon o konklusyon sa kaniyang naiisip sapagkat napuno pa rin ng hiwaga ang kaniyang sariling kaisipan patungkol rito.

Ngunit kung inaakala ng binata na ganon lamang kadali ang sitwasyon niya ay nagkakamali siya.

Maya-maya pa ay tuluyang nawala ang divine sense ni Van Grego sa paligid ng halimaw at mabilis niya itong na-withdraw sa tamang pagkakataon lamang.

Ang isang pares ng naglalakihan at nagpupulahang mata ay bigla na lamang nasundan pa ng pagbukas nang dalawang pares ng mata... Nang tatlong pares ng naglalakihan at nagpupulahang mata... Ng naglalakihan at nagpupulahang limang pares ng mata... Nang sampong pares ng mata... Nang dalawampong pares ng mata... Nang limampong pares ng mata  hanggang sa dumami ng dumami pa ito.

"Buwiset, bakit naririto ang isang daan at limampong  mga halimaw na ito?! At nakatingin silang lahat sa akin?!" Seryosong sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang. Halos mapatalon siya sa gimbal at pangambang nararamdaman niya. Tama kayo ng pagkakarinig. Tatlongdaang pares lang naman ng naglalakihan at nagpupulahang mga mata ng mga halimaw ang nakatingin ng matiim sa kinaroroonan ng binatang si Van Grego. Ang tingin ng mga ito ay hindi ordinaryong tingin lamang na nanonood ngunit makikita ang halos lumuwa ang mata ng mga ito at nagliliwanag ang pares ng mga mata nito habang tintitigang maigi ang binatang si Van Grego. Hindi isang tingin ng normal na nilalang kundi yung tipong tingin pa lang ay malalaman mo ng may galit, poot at mga negatibong emosyon ipinupukol sa binatang si Van Grego.

"Hmmmp! Tingin ng mga ito ay mapapasailalim nila ako sa kanilang sariling abilidad na gustong pasukuin at kontrolin ang aking kamalayan... Hindi niyo magagawa sa akin iyan... Break for me!" Sambit ng binatang si Van Grego at mabilis na pinalabas ang kaniyang Spiritual energies sa kaniyang dantian at pinadaloy papunta sa kaniyang ulo lalo na sa kaniyang utak.

Mabilis na pinalabas ni Van Grego ang kaniyang pinakamalakas na enerhiya sa kasalukuyan, ang kaniyang Spiritual energies.

"BANGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!"

Biglang nagliwanag ang buong katawan ng binatang si Van Grego. Dumaloy ang mga Spiritual Qi sa iba't ibang parte ng acupuncture points ng katawan ng binata. Ang kaniyang buong katawan nakung saan dumaloy ang Spiritual energies ay nagliwanag.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon