Chapter 1: The day before they we're caught kissing

83 4 2
                                    

*Kriiingggg!!!!*

I was awakened by that damn alarm clock, gosh! Anong oras na ba?

Sinilip ko ang aking phone at tinignan ang oras at date ngayon and waaaaah! Anniversary lang naman naming ngayon at 5:30am na.

Bumangon na ako at naghanda dahil may pasok pa ako, habang nagbibihis ako ay biglang tumunog ang phone ko, tinignan ko kung sino ang tumatawag "Babe is calling..." at dali-dali kong sinagot sa masigla kong boses....

"Hello Babe! Good morning, Happy 4th Anniversary!"

"Good morning din Babe, Happy Anniversary...date tayo mamaya ha, meet me at the resto, ibibigay ko sayo ang address di kita masusundo babe kasi kailangan kong tapusin yung project tapos paghahandaan ko ang date natin, alam mo na hehe" ang mahabang sabi ng aking pinakamamahal, di ko ikakakila na hanggang ngayon kinikilig pa rin ako kahit apat na taon na kami, siguro nga may forever sa amin.

(A/N: mga bitter dyan magsilabasan haha)

"Wala yun babe, sige pupunta ako, I Love You Babe!" sweet na pagkakasabi ko sakanya.

"I Love You Too Babe!, sige mag-ayos ka na baka malate ka na sa school...hatid na kita ngayong umaga malapit na naman ako sa bahay nyo. Bye! See You!" ang sweet talaga nitong boyfriend ko kaya nga nagtagal kami eh

"Sige Babe, patapos na akong mag-ayos Bye!" sabi ko sabay end call sa kanya. Hay! Buhay...ang sarap ng may lovelife.

****

Nandito ako ngayon sa kotse ng boyfriend ko at malapit na kami sa school namin.

Pagkapasok namin ng school ay nag park na sya ng kotse nya, bumaba sya at pinagbuksan ako ng pinto.

Nakita ko na may kinuha sya sa likuran ng kotse nya at inilabas ang isang malaking bouquet of flowers, ang gaganda ng bulaklak. Alam na alam na nya ang mga favorite kong flowers, meron itong 4 na malalaking tulips at sunflowers.

"Thank You!" sabi ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon, mahal na mahal ko talaga to eh! Pagkasabi nun ay niyakap ko sya.

"You're welcome! I Love You" kumalas sya sa pagkakayakap ko at hinalikan ako sa forehead ko.

"I Love You Too!" pagkasabi ko nun ay umalis na ako at naglakad na papunta sa building ng room ko.

Habang naglalakad ako ay may biglang sumigaw ng pangalan ko...

"Phoemela Rose Gonzales! Beeessssttt Frrriiieend!"Alam nyo na po ang full name ko ha at inilingon ko ang ulo ko para hanapin kung saan nang gagaling ang boses at tama nga ako, sa bestfriend ko lang naman. Bakit kaya ang ingay nito, ang aga-aga eh parang nakalunok ng megaphone.

"oh? Bakit? Kailangan talaga buong pangalan ko Ms. Kristlyn Allysa Bernal"

Sya nga pala si Ally, ang matagal ko ng bestfriend simula nung highschool pa kami hanggang ngayon na second year college na.

Buti na nga lang at di kami inabutan ng Kto12 na yan,well, at dahil bestfriend kami...parehas din kami ng kinuhang kurso, magdo-doctor kami kaya medtech ang kinuha muna namin tapos sabi nila pede na daw kaming mag OJT at may sarili na rin kaming hospital, oh di ba! Ang yaman ng lola nyo, magka-share lang naman ang family namin dun sa pinatayong hospital namin.

Oh sya! So much for that, baka malate narin kami...

"Haha, alam ko naman na special sa inyo ng bf mong si David ang araw na ito kasi 4th Anniversary nyo na, di ka ba nagsasawa sakanya haha de joke lang Bestie pero wala talagang forever haha at Happy Anniversary nalang sa inyo...tara na? late na tayo sa first subject natin, alam mo naman si ma'am akala mo lagi nagme-menopause na" sabi nya sabay kapit sa braso ko.

"Haha, oo nga! Tara na! kahit kalian talaga napaka-bitter mo, try mo rin kasi maghanap ng lovelife mo para di ka na ganyan" sabi ko sakanya at nakita kong tumaas yung isang nyang kilay at tumingin sakin na parang bang sinasabi na tumigil na ako, haha pikon din naman pala to eh

At nakarating na kami sa room namin....

Mabuti nalang at di kami late, at yun nga tulad ng normal na araw...puro gamut at kung ano ano pa an gaming pinag-aralan

****

DAVID'S POV

"David! Ano ba?! Kausapin mo naman ako, para kang babae dyan...ikaw na nga tong may kasalanan pero ikaw pa ang umaasta ng ganyan" aish. Ang kulit ng babaeng to, ano pa bang kailangan nya.

"Ano ba gusto mo pang marinig? Sinabi ko na sorry at aksidente lang ang lahat, di ko alam kasi parehas na tayong lasing that time kaya pwede ba?! Kung pwede lang, layuan mo na ako, ano pa ba kailangan mo?" galit kong sabi sakanya, nakakainis na kasi.

Humarap ako sa kanya "Alam mo kalimutan na natin yun, nakaraan na yun lasing lang ako that time. Kung may iba ka pang gustong sabihin, sorry may pupuntahan pa ako. May date pa kami ng girlfriend ko. Atsaka don't make it a big deal, it's only a kiss"

Di ko naman kasalanan na we kissed each other at the bar, I was so depressed that time kasi lahat ng problema naghalo-halo na. First is that damn projects tapos medyo nag-away kami ng girlfriend ko kasi nagtatampo sya na wala na daw akong time para sakanya. Wala akong magawa so, I was drank at sa di ko inaasahan lumapit sya sakin...sya si Kristine Rosales, kilala sya bilang sikat at bitch daw sa school and kaklase ko sya kaya kilala ko na rin sya. Di ko inaasahan na lumapit sya sakin, nagsalita sya pero di ko maintindihan ang mga sinasabi nya kasi sobra na akong lasing at nang biglang nag-hallucinate ako, nakita ko na biglang naging si Phoem (A/N: read it as Pem) at di ko namalayan ang sarili kong biglang syang hinalikan, I kissed her passionately and she response to my kiss until I wide my eyes at nakita kong hindi sya ang girlfriend ko. Naitulak ko sya sa gulat ko at yun after a week di pa rin nya ako tinitigilan pero di ko alam kung ano pa ang gusto nya, sinabi ko na naman sakanya na it was just an accident.

"Ang gusto ko lang naman ay ikaw, I admit that I like the kiss at gusto ko maging akin ka" sabi nya habang nakatayo sa harap ng pintuan ng kotse ko.

"What?! Are you out of your mind?! Shit naman, I have a girlfriend and I love her so stop this nonsense" sagot ko at pinipilit syang umalis sa harapan ko, ano bang kalokohan ang naiisip nya, aish!

"Then break-up with her and be mine, pag di mo yun ginawa then ako ang gagawa ng paraan so mark my word because I know many things about you" pagbabanta nyang sabi sakin

"Do anything you want pero di mo ako mapipilit na makipag break-up sa taong mahal ko!" at sumakay na ako ng sasakyan ko, wala akong balak syang kausapin pa. Umalis na ako kasi tapos na ang klase ko at maghahanda na ako para sa date namin ni Phoem, this time magpo-propose na ako sakanya para after 2 years graduate na kami at magpapakasal na, kahit ganun ipagpapatuloy nya parin ang pag-aaral ng medicine ang importante natapos nya na ang medtech.

I already have the blessing of her parents kaya wala ng problema, we both came from a rich family kaya payag ang mga parents namin sa aming relationship. I really love that girl!

*itutuloy~*

Hello po! I'm not really a good writer pero sana magustuhan nyo ito and paki-share na din po sa iba if ever na nagustuhan nyo yung story ko, thank you!

Vote nyo po kung nagustuhan nyo ang chapter na to, tandaan...kapag nagustuhan nyo lang po at di nyo oblige na mag vote at paki-comment na din po ang mga gusto nyo sakaling mangyari para makatulong na rin po sakin ang paggawa ng next chapter....Thank You So Much! ^_^

Kamsahamnida chingu! Saranghae! <3 <3 <3

The Tables Have TurnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon