(Reminder before reading this: I change some details from Chapter 1 and 2 so make sure to read it first before reading this. Thank you for reading!)
KRISTINE'S POV
I am not a bitch. Oo alam ko nakasira ako ng relasyon pero anong gagawin ko? Mahal ko sya at kahit kalian di nagbago yun. Pero di naman ako nang-agaw, kinuha ko lang yung dapat ay para sa akin at siguro dahil na rin sa mapusok ako kasi hanggang ngayon akala ko di ko na sya gusto. Oo akin sya dahil nauna ko syang minahal bago pa dumating sa buhay nya yung Phoemela nay un. Ginawa ko ang lahat para mapasa'kin si David at halos pagkuha ng kursong medtech ay labag sa kalooban ko kasi dahilan lang sa gusto kong laging nakikita at kasama sya na sa puntong lahat ng class schedule nya ginagawan ko ng paraan para magtugma yung amin.
Desperado na siguro ako kasi dahil sa kanya binago ko ang sarili ko. At dahil sa pagbabago ko, marami sa mga schoolmate ko ay tinatawag na akong "bitch" which is I am not really guilty about it.
Freshmen high school kami nung una kong nakilala si david, di sya tulad ng ibang lalaki na pa-pogi lang dahil isa syang tunay na role model kasi napakatalino nya tapos ang gwapo pa, matangkad at galante dahil napakayaman din ng pamilya nya. Dahil transferee lang ako nung high school, wala ako masyadong mga kaibigan. Hindi pala masyado, wala talaga akong kaibigan nung first day of school.
First day ng school at magkaklase kami ni David, yes we were classmates and I don't even know why he's acting like he doesn't know me before. Probably dahil sa malaki ang ipinagbago ko, halos lahat. Nag decide ang adviser namin noon na magkaroon ng sitting arrangement para maging mas magkakakilala kami. Dahil sa may katabaan ako, di ako magandang ipwesto sa pinakaunahan dahil nakakasagabal ako sa mga mas maliliit sakin kaya inilipat ako sa likuran but I am against it kasi may malabo ang paningin ng mga mata ko. Pero thank God a friend speak for me, kakakilala ko palang sa kanya but because I can't hold it back, I told her na malabo ang mata ko. Tinaas nya yung kamay nya at kinausap yung teacher namin "Ma'am, di daw po makita ni Phoemela yung board!"
"Aah, sige. Is there anyone who want to exchange sits with Phoemela?"
May isang nagtaas ng kamay sa gitna, okay na rin siguro sa pagitna kesa sa pinakaunahan na puwesto.
"Is it okay for you Phoemela kahit sa may pagitna?"
Tumango nalang ako sa sinabi ni ma'am at lumipat doon. Ayos rin naman, much better kesa dun sa kanina kong inuupuan.
Napatingin ako sa likod para kilalanin ang mga muka ng mga katabi ko at nakapalibot sakin. Nang paglingon ko ay nakita ko ang isang lalaking napakalaki ng ngiti at akmang nagsalita "nakikita mo na ako?" pabiro nitong sambit sakin at napangiti nalamang ako sa sinabi nya kahit na di ko naintindihan yung point nya.
Di naman ganon makahulugan an gaming unang paguusap pero siguro masyado akong nagwapuhan sa kanya. Ngunit mas na-fall ako nung pabiro ko syang inutusan, dahil sa tatlong buwan kaming magkakalapit sa sitting arrangement ay di namin namamalayan na madalas na rin kaming mag kwentuhan at dahil magaan na ang loob ko sa kanya ay biniro ko syang ipagdala ako ng libro dahil halos limang libro ang dala dala ko sa kamay ko at dalwa sa loob ng bag ko. Ikinagulat ko naman ang sunod nyang ginawa "sige, akin na 'yang mga libro mo" nakatitig lang ako sa kanya habang kinukuha nya ang aking mga bitbit na libro, dala na rin ng hiya ay binawasan ko ng dalwang libro yung mga kinuha nya sakin. Vasity player kasi sya ng school naming kaya meron syang sarili nyang locker kaya konti lang lagi ang dala nyang gamit.
Di ako nage-expect na magugustuhan nya ako kahit pa medyo close na kami pero never pa kaming nagkasabay sa canteen or gumala kasi sino ba naman nga ako, ako lang naman yung matabang Kristine noon na nerd looking at maraming tagyawat pero kahit nerd akong tingnan, nakikihang-out pa rin ako sa iba at maingay din ako.
BINABASA MO ANG
The Tables Have Turned
Teen FictionLahat tayo siguro ay nakaranas na mabigo at masaktan, at marami sa mga kabiguan na nararanasan natin ay tungkol sa pag-ibig. Ano nga ba ang Love? Is it the moment na kapag nakita mo na si soulmate, parang nagi-slow motion ang lahat? Pero k...