DAVID'S POV
Asa bar ako ngayon dahil stress na stress na ako sa mga projects, di naman masama siguro na kahit paminsan-minsan eh uminom ako. Nag-away pa kami ni Phoem dahil sa nagreklamo akong nandun yung bestfriend n'ya nung nagdate kami, may problema daw kasi yung kaibigan kaya di n'ya kayang iwanan muna.
Di ko napansin na napaparami na pala ako ng inom ko, hilong hilo na rin ako. May lumapit sakin na babae, nagsasalita sya pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi nya. Hilong hilo na ako at pakiramdam ko umiikot ang paligid ko hanggang sa ang nakikita ko sa harapan ko ngayon ang taong mahal ko, I kiss her passionately until it gets deeper and as I wide my eyes naitulak ko ang babaeng hinalikan ko kanina.
Damn it! She's not my girlfriend, lasing na ako kaya di ko na alam ang sunod na nangyari at ang alam ko lang ay after ko syang maitulak is everything went black.
Kinabukasan ay pagkagising ko ay nasa sarili kong condo ako, di ko alam kung pano ako nakauwi pero thank God nakauwi pa rin ako. Shit, may pasok pa nga pala ako. Gusto ko sanang mag absent pero naalala kong may presentation pa kaming gagawin kaya dali-dali akong naligo at pumasok na. Nag text na rin ako kay Phoemela na di ko s'ya maiihatid sa school kasi male-late ako pero nag text back na rin syang nasa school na rin naman s'ya.
Pinipilit kong alalahin ang nangyari kagabi at napasabunot ako sa sarili ko dahil sa naalala kong may nahalikan akong ibang babae sa bar. Oo, naalala ko rin na si Kristine yun. Kilala ko s'ya dahil classmates kami sa halos lahat ng subjects, I feel sorry for her pero hiyang hiya din akong magpakita ngayon sa kanya.
After a week di ko na binalak na sabihin kay Phoemela yung nangyari sa amin ni Kristine, ramdam ko na laging awkward sakin si Kristine at para bang may gusto sya laging sabihin sa akin. Ilang araw ko ring ramdam na lagi n'ya akong sinusundan at ngayon medyo naiinis na rin ako kasi feeling ko may stalker ako.
"David! Ano ba?! Kausapin mo naman ako, para kang babae dyan...ikaw na nga tong may kasalanan pero ikaw pa ang umaasta ng ganyan" aish. Ang kulit ng babaeng to, ano bang kailangan nya. Alam kong nasaktan ko sya kaya magso-sorry nalang ako
"Ano ba gusto mong marinig? Sorry na at aksidente lang ang lahat, di ko alam kasi parehas na tayong lasing that time kaya pwede ba?! Kung pwede lang, layuan mo na ako, ano pa ba kailangan mo?" I don't mean to be harsh but I really mean it. I felt sorry talaga sa kanya, di ko lang alam kung p'ano ko ie-express dahil ang awkward ng sitwasyon namin ngayon at ayokong mamisundertand nyang ginusto ko yung halik na yun.
Humarap ako sa kanya ""Alam mo kalimutan na natin yun, nakaraan na yun lasing lang ako that time. Kung may iba ka pang gustong sabihin, sorry may pupuntahan pa ako. May date pa kami ng girlfriend ko. Atsaka don't make it a big deal, it's only a kiss" ramdam ko yung galit nya sakin at ang huli ko lang narinig sa kanya ay gusto n'ya akong makipag hiwalay sa girlfriend ko na ikinagulat ko naman kasi di ko akalaing ganyan nga ang ugali nya kahit pa tinatawag syang BITCH dito sa school, di ko ramdam yun sa tuwing kasama ko s'ya kasi napakabait nya at mahinhin sa tuwing nagkakasama kasi sa group project.
Napalakas ako ng boses sa sinabi n'ya sakin "What?! Are you out of your mind?! Shit naman, I have a girlfriend and I love her so stop this nonsense" sagot ko at pinipilit syang umalis sa harapan ko, ano bang kalokohan ang naiisip nya, aish!
"Then break-up with her and be mine, pag di mo yun ginawa then ako ang gagawa ng paraan so mark my word because I know many things about you" pagbabanta nyang sabi sakin
"Do anything you want pero di mo ako mapipilit na makipag break-up sa taong mahal ko!" at sumakay na ako ng sasakyan ko, wala akong balak syang kausapin pa. Umalis na ako kasi tapos na ang klase ko at maghahanda na ako para sa date namin ni Phoem, this time magpo-propose na ako sakanya para after 2 years graduate na kami at magpapakasal na, kahit ganun ipagpapatuloy nya parin ang pag-aaral ng medicine ang importante natapos nya na ang medtech.
I already have the blessing of her parents kaya wala ng problema, we both came from a rich family kaya payag ang mga parents namin sa aming relationship. I really love that girl!
********
Andito ako ngayon sa resto kasi may date kami ngayon ni Phoem, medyo kinakabahan ako pero relieved din kasi may blessing na ako galling sa family nya at nasabi ko na din sa family ko. Woooh! Kaya to! Fighting!
Bumaba na ako ng sasakyan ko at biglang may babaeng sumulpot sa unahan ko, yung totoo? Kabute ba to kasi lagi nalang sya sumusulpot kung saan-saan eh, aish!
Oo, tama kayo ng hinala kasi si Kristine nga ang babae na nasa harap ko ngayon. Hindi ko nalang sya pinansin at umiwas na, importante tong gabi na ito kesa sa babaeng to pero laking gulat ko nang hawakan nya ako sa braso at biglang sinandal sa kotse ko. Unti-unti nyang inilapit sa akin ang kanyang muka na sa isang sandali lang ay di ko namalayang hinalikan na nya ako. Pinilit kong pumalag pero malakas pala 'tong babaeng ito kaya di ko na napiligilan. Pilit akong kumakalas pero she's kissing me passionately until our kiss getting deeper and I find myself responding in every bit of the kiss nang bigla akong natauhan sa nangyayari at sa di kalayuan ay nakita ko si Phoem na nakatayo. Nakikita kong nangingilid na ang luha nya habang lumalapit sya sa'min at sabay tulak ko sa babaeng humahalik sakin, aish! Pano na to?!
(O_O!) (O_O!)
Humarap sya sa aming dalwa at nakikita ko ang galit, selos, at mga patak ng luha sakanyang mga mata. Gusto kong isigaw na MALI ANG INAAKALA MO, AKSIDENTE LANG ANG LAHAT, pero hindi lumalabas ang mga salita iyon sa bibig ko dahil sa gulat at taranta na nararamdaman ko ngayon. Ano na ang mangyayari, sigurado akong magagalit sya sakin.
"Wow! What a surprise, ang gandang regalo naman nyan Babe ngayong anniversary natin...yan nga pala ang regalo ko sayo at sana magustuhan mo. Happy 4th Anniversary" sarkastiko niyang sambit habang pinipigil ang mga luha.
At bago ko pa masabi ang gusto kong sabihin ay biglang....
*Pak!!!*
(_ _)~ (O_O)?
Sabay nya kaming sinampal ng malakas. Napahawak ako sa pisngi ko, alam kong mas masakit pa ang nararamdaman nya ngayon kesa sa sampal na natamo ko, bakit kasi ang wrong timing! Anniversary pa naman namin at ready na akong mag propose pero nasira na ang lahat.
Tumalikod na sya at naglakad papunta sa sasakyan nya. Hinabol ko sya.... "Sandali lang! let me explain! Please!" pero huli na ang lahat kasi sumakay na sya at pinatakbo na ng mabilis ang sasakyan nya habang ako ay naiwan na nakatayo hanggang sa nawala na sa paningin ko ang taong mahal ko.
Napaluhod na lamang ako habang di ko na namalayang lumuluha na ako at sinabayan pa ng malalakas na patak ng ulan.
Tiningnan ko ang babaeng may dahilan ng lahat na ngayon ay sumakay na ng kanyang sasakyan at umalis na, kung hindi lang ito babae, gusto ko na sana syang bugbugin kasi ngayon di ko na alam ang gagawin ko at magulo na ang lahat.
Sumakay na ako sa kotse ko dahil balak ko sanang puntahan si Phoem sa kanilang bahay pero sa tingin ko ay mas magiging magulo pa kung ngayon ko sya kakausapin. Mas pinili ko munang bigyan sya ng space para makapag-isip at masabi ko rin sa kanya ang totoo.
****
*itutuloy~*
Hello po! I'm not really a good writer pero sana magustuhan nyo ito and paki-share na din po sa iba if ever na nagustuhan nyo yung story ko, thank you!
Vote nyo po kung nagustuhan nyo ang chapter na to, tandaan...kapag nagustuhan nyo lang po at di nyo oblige na mag vote at paki-comment na din po ang mga gusto nyo sakaling mangyari para makatulong na rin po sakin ang paggawa ng next chapter....Thank You So Much! ^_^
Kamsahamnida chingu! Saranghae!

BINABASA MO ANG
The Tables Have Turned
Fiksi RemajaLahat tayo siguro ay nakaranas na mabigo at masaktan, at marami sa mga kabiguan na nararanasan natin ay tungkol sa pag-ibig. Ano nga ba ang Love? Is it the moment na kapag nakita mo na si soulmate, parang nagi-slow motion ang lahat? Pero k...