CHAPTER 1

63 2 0
                                    

"Anakkkk bumangon kana riyan male-late kana!!"Sigaw ni mama mula sa labas ng pintuan ng aking kwarto kasabay ng kaniyang pagkatok nito.

Dahil sa kaniyang sigaw ay napabalikwas ako ng tayo dahil sa gulat. "Aishhhh... nako naman si mama lang pala." sabi ko at muling bumalik sa pagkakahiga.

"Mama, mamaya na po inaantok pa po talaga ako" I shouted while still yawning.

"Anak kailangan mo nang bumangon riyan, ilang oras nalang ang natitira para makapag-asikaso kapa." sabi muli ni mama mula sa labas ng pinto.

"Ma naman! 10 minutes. 10 minutes pa po" pag-uulit ko at ipinikit muli ang aking mga mata.

Mukhang naintindihan naman ni Mama na kailangan ko pang matulog, dahil narinig kona ang kaniyang yapak pa-alis sa tapat ng pintuan.

Noong magsimula kasi ang pasukan ginugol ko ang lahat ng oras ko sa aking pag-aaral dumating sa punto na napapabayaan kona ang sarili ko at sumabay pa yung mga taong nangbully sa akin sa dati kong school. D-A-T-I ayan inispell kopa hahahahahahaha sa dati kong school binubully kasi ako doon kasi hindi ako marunong lumaban pero kapag sobra na. Tama na sila!!

Simula ng mabigyan ako ng scholarship kinailangan ko na din lumipat ng bagong paaralan which is yung nag-offer sa akin ng scholarship ay may-ari ng bago kong papasukang paaralan. Naghanap narin kasi ako ng ma-applayan na scholarship kasi ayoko ng dumami pa yung gastusin na babayaran ni Mama dito sa bahay.

Ngayon ang unang araw na papasok ako sa bago kong school. Pero ito ako nakahiga parin at kung ano ano ang iniisip.

Mga ilang oras, naisipan ko na din bumangon mula sa aking pagkakahiga, nakakahiya naman kasi kung mas male-late ako sa unang araw ko sa klase. Pero bago ako mag-asikaso hindi ko kinakalimutan ang parati kong ginagawa tuwing umaga.

Dear God,

Goodmorning po! Marami pong salamat sa magandang araw na 'to. Gabayan niyo po sana ako sa unang araw ko ngayon sa klase. Wala po sanang mambully sa akin sa bago Kong papasukan dahil hindi ko po kakayanin na mayroon nanaman ang tangkain na bully-hin ako. Gabayan niyo po sana ako sa araw na ito, AMEN.

Pagkatapos kong manalangin ako'y tumuloy na sa banyo at naligo. Ilang oras din bago ako matapos sa cr, pagkatapos ko maligo nagsuklay at pinatuyo ko na muna ang mahaba kong buhok at pagkatapos bumaba narin ako para mag-almusal.

"Goodmorning Ma" bati ko kay Mama.

"Goodmorning din anak! Oh magbreakfast kana, male-late kapa niyan sa una mong klase kapag hindi mo binilisan." sabi niya.

I nodded. "Oo na po ma" umupo na ako sa upuan para simulan kumain ng agahan.

"Ano nanaman ba kasing ginawa mo kagabi at parang napuyat ka nanaman?" tanong niya.

"Uhmm... Don't tell me nagpuyat ka nanaman sa kaka-aral mo?"sunod niyang sabi.

"Luh, hindi po Mama! Excited lang po kasi talaga ako sa bago kong school na papasukan." sabi ko sabay ngiti.

"Oh siya oo na at bilisan mona riyan at andoon na sa labas ang kapatid mo, kanina kapa no'n inaantay, saglit lang at kukuhanin kona yung susi ng sasakyan." aniya.

"Sige po ma" sabi ko habang kinakain ang hinanda niyang agahan para sa amin.

Si Julia Sophia siya ang nakakabata kong kapatid. Tatlo kaming magkakapatid pero nakakalungkot isipin na wala na sa tabi namin si kuya at papa, namatay sila dahil sa car accident noong guro pa si mama. Nabangga kasi yung kotse na minamaneho ni papa dahil noong mga oras na iyon nagtatalo silang dalawa ni kuya kaya hindi namalayan ni papa na may sasakyan na sasalubong sa kanila.

Iyon lang ang natatandaan ko sa ikwinento ni mama sa akin, kasama kasi siya sa loob ng sasakyan pero siya lamang ang nakaligtas sa kanilang tatlo. Noong mga panahon na iyon unti-unting nadudurog yung puso ko kasi akala ko pati si mama mawawala na din sa amin ni Julia but thanks god nakaligtas pa siya at hanggang ngayon ay kasama padin namin siya at isa iyon sa ipinagpasalamat ko ng sobra kay God.

"Ate!! Tara na male-late na tayo." Sigaw ni julia mula sa labas.

Bumalik ako sa realidad ng marinig kong tinawag na ako ng kapatid. Ay nako! Mukhang napalalim nanaman ang pag-iisip ko sa mga nangyari noong nawala sila papa. Nakaka-miss sila, sobra.

"Oo na ito na, andiyan na." Balik na sigaw ko

Andoon narin pala si Mama sa labas at nakasakay na sa kotse. Mukhang kanina pa nga nila ako inaantay. Hehe sorry napalalim yung pag-iisip ko eh.

Sumunod na ako kay Julia sa kotse at sumakay na sa passenger seat, si Julia naman sa back seat.

Hindi kami mayaman pero may kaya kami, gets niyo?? Intindihin niyo nalang hahahahah masipag kasi magtrabaho si Mama at Papa noon kaya napundar nila itong pinapangarap naming bahay at nabili din nila itong pinapangarap naming kotse. Hindi na ipinagpatuloy ni Mama ang pagtuturo niya simula ng mawala si Kuya at Papa, wala na daw kasing mag-aasikaso sa aming dalawa ni Julia kaya tumigil nalang siya. Wala narin naman akong nagawa at hinayaan nalang siya kasi 'yon naman ang gusto niya.

He's my ideal guyWhere stories live. Discover now