Bonding with him

8 1 0
                                    

I'm here at my own room, today is Sunday walang pasok kaya andito lang ako sa bahay nakatambay.

Walang na akong ibang ginawa kundi magbasa simula pag gising ko.

Sa aking pagbabasa bigla na lamang akong inistorbo ni....

"Ateeee may bisita ka"sigaw sa akin ni Julia mula sa labas ng aking pinto.

"Sino daw?"

"Basta, bumaba ka nalang daw sabi ni mama."saad niya

"Oo na! Lalabas na."sigaw ko

Agad naman akong lumabas ng aking kwarto at tumuloy na sa baba. Dumiretso na ako sa labas dahil mukhang kanina pa nag-aantay sa akin yung bisita na tinutukoy ni julia.

Baka bwisita emzz hahahhahahahaha

Pag labas ko agad kong natanaw ang lalaking wagas kung maka ngiti. Tsk gandang bungad. Pogi!!

"Hi"bati niya

"Hello, anong ginagawa mo dito Marcus?"tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

Nagkamot muna siya ng kaniyang batok bago magsalita "Uhm a-ano, a-no kasi yayayain sana kitang lumabas."saad niya habang nahihiyang nakatingi sa akin.

"Saan naman tayo pupunta?"I asked

"Park"

Bigla nalang akong ginanahan dahil sa sinabi niya wahhhhh this is it my favorite place.

"Sige, magpapalit lang muna ako ng damit."I said

"Pasok ka muna andoon si mama sa loob"pahabol na sabi ko bago pumasok sa loob.

Agad naman siyang sumunod, dumiretso naman agad ako sa kwarto ko para magpalit ng damit mukha kasi akong tanga sa suot ko. Malaking T-shirt na white at short na maong yung suot ko, ewan ko ba bakit ito sinuot ko kanina ito nalang kasi dinampot ko pagkaligo ko hahahaha.

Nagsuot lang ako ng fitted na dress yung sakto lang at hindi kaiklian sa aking katawan.

Nag-ayos na din ako, naglagay ng ka-onting lip balm at tinali ko narin ang buhok ko. Aishhh bakit ba parang nag-aayos ako ng matindi ngayon?? Anong ganap? Ewan.

Pagkatapos agad narin akong bumaba dahil baka naiinip na si Marcus, hindi ko pa naman alam kung kausap niya na si mama.

"Wow anak ang ganda mo naman ata ngayon ah."saad ni mama ng makababa na ako. May malaking ngiti rin sa kaniyang mga labi.

"Nako mama nambola kapa."

Agad naman akong tumingin kay Marcus tumahimik kasi siya bigla nung dumating ako.

"Marcus?"tawag ko sa kaniya pero mukhang wala siyang naririnig.

"Marcus?"tawag kopa

"U-uhm ha? A-ano?"nauutal niyang tanong ng mabalik siya sa wisyo.

"Wala sabi ko tara na."saad ko sabay hila sa kaniya.

"Mama alis na po kami."paalam ko kay mama habang kumakaway pa-alis.

"Mag-iingat kayo."naka-ngiting saad niya

Pagkalabas namin ng gate, nauna na sa akin si marcus at pinagbuksan ako ng Pinto ng kaniyang sasakyan.

Tsk para namang may sakit ako, kailangan pang alalayan sa pag bukas hahahaha.

"Thankyou"sabi ko sa kaniya ng mabuksan niya na ng tuluyan ang pinto sa passenger seat.

He's my ideal guyWhere stories live. Discover now