Umaga nanaman at ito nanaman ang araw kung saan kailangan ko ng pumasok sa paaralan.
Tumayo na ako sa kama at dumiretso na sa c.r. Kailangan ko ng mag-asikaso dahil kanina pa ako gising at walang nangyayari sa'kin. Hindi naging maganda ang tulog ko dahil sa patuloy parin na pag-gulo sa utak ko ng mga sinabi ni Julia kagabi.
Arghhhh.....Curiosity killing me.
Bwisit! Badtrip! Nakakainis!
Naghilod, nagkuskos, nagsabon, nagshampoo, kumanta. Yan ang ginagawa ko dito sa banyo ngayong umaga. Sinasabayan parin ito ng kuryosidad na hindi padin maalis-alis sa isipan ko.
Pagkatapos sa banyo agad ko ng sinuot ang uniporme ko na parang ilang araw ko din hindi naisuot. Kahapon lang naman ako hindi pumasok pero parang ang dami ko ng namiss.
Pagkatapos sa lahat ng kailangan gawin para maging komportableng tignan lumabas na ako ng kwarto dala ang bag na nakasakbit na sa balikat ko.
"Goodmorning ma."agad na bati ko kay mama ng makita ko siyang naghahain na ng almusal sa dining.
"abay, ang aga mo naman atang gumising ngayon anak. Hindi ba ulit sumama ang pakiramdam mo?"tanong niya kaya agad akong umiling at nilapitan siya.
"Alam mo ma, maaga naman po talaga akong nagigising. Pero depende nalang po sa mood."I said and chuckled. Kinuha ko ang nasa kamay ni mama at ako na mismo ang nag-ayos nito sa hapag.
"Sige na gisingin mona yung kapatid mo doon para makakain narin at makapasok na kayo."aniya.
Tumango nalang ako sabay lakad na paalis.
"Julia? Gising kana ba?"andito na ako sa labas ng pinto ni julia. Kanina pa ako katok ng katok pero mukhang tulog pa, dahil hindi man lang ako pagbuksan ng pinto. Nakalock kasi:)
Napasinghap ako ng biglang bumukas ang pinto at iluwa non si julia na nagpupunas ng basa niyang buhok. "Bakit ate?"tanong niya kaya agad ko siyang tinaasan ng kilay.
"anong bakit ka diyan! Kanina pa ako kumakatok dito pero hindi mo man lang ako agad pinagbuksan ng pinto!"inis na sabi ko.
Umirap naman siya kaya mas lalong tumaas ang kilay ko habang nanantili ang tingin sa kaniya. "Hindi moba nakikita ate kakatapos ko lang maligo?"pamimilosopo niya.
I rolled my eyes. "Bakit kasi kailangan mo pang maglock ng pinto?!"
She chuckled. "Ate meron kaba ngayon? Bakit ganyan yung mood mo?"natatawa niyang tanong.
"Wala, bilisan mo nalang diyan."sabi ko sabay talikod sa kaniya at lumakad na papunta sa hagdan.
"Wala daw, baka magkakaroon ka palang!"sigaw niya.
Bumuntong-hininga nalang ako dahil sa kakulitan niya. Dumiretso na ako sa dining. Pagkarating ko nakita ko kaagad si mama na busy sa cellphone niya. Mukhang hindi niya naramdaman ang pagdating ko kasi tutok na tutok padin siya sa hawak niya.
"Ma, susunod nalang daw si julia."pang-aagaw ko sa atensyon niya.
Naging matagumpay naman ako dahil agad niya akong nilingon at ibinaba ang phone niya sa lamesa."sige mauna na tayong kumain para matapos ka kaagad Dahil may magsusundo sayo dito."aniya na ikinataka ko.
"Sino naman ma?"kunot-noo kong tanong.
She smiled."si marcus. Nagtext siya sa'kin na sa kaniya ka nalang daw sumabay."
YOU ARE READING
He's my ideal guy
Fiksi RemajaSiya si Ellah Marie Dizon "NO BOYFRIEND SINCE BIRTH" pero simula ng makilala niya ang kanyang ideal guy pumasok siya sa relasyong hindi niya pa gamay. Masasabi niya pa rin bang ideal guy niya ito kapag mas nakilala niya ang guy na ito? Sino ba ang...