Taking care of her

17 0 0
                                    

𝐋𝐢𝐚𝐦 𝐏𝐎𝐕

Andito na ako sa sasakyan ko at agad na pinaharurot ng takbo. Pupuntahan ko si ellah sa bahay nila dahil si Julia na nagsabi na may sakit 'to at gusto kong ako ang mag-alaga sa kaniya. Dahil parang kasalanan ko kung bakit naging ganito yung pakiramdam niya. Siguro kasi pagod na siya kagabi pero niyaya ko parin siyang lumabas kaya siguro napagod yung katawan niya at sinumpong siya ng sakit.

Dahil sa sobrang pamamadali hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng bahay nila ellah. Nagmamadali akong lumabas at nag doorbell sa gate nila.

"Oh liam bakit andito ka, diba may pasok kayo?"tanong ni tita na siyang nagbukas ng gate.

"Kamusta po si ellah?"ang unang lumabas mula sa bibig ko.

Kita ko ang pagkunot ng noo niya pero agad din naman ngumiti. "Hindi maganda ang pakiramdam niya."

I sighed. It's my fault. "Pwede ko poba siyang puntahan?"tanong ko at agad naman tumango si tita.

Mas pinalawak niya ang pagbukas ng gate nila at agad niya akong sinenyasan na pumasok. Kulang nalang takbuhin kona ang patungo sa kwarto niya dahil sa pamamadaling ginagawa ng paa ko.

Andito na ako sa tapat ng kwarto niya. Naglabas muna ako ng malalim na buntong-hininga bago katukin ang pinto. Dalawang beses na pagkatok ang ginawa ko pero hindi niya ito nagawang buksan.

Stupid liam! Malamang may sakit yung tao, mahihirapan tumayo.

Dahan-dahan ko nalang na pinihit ang doorknob saka binuksan ng dahan-dahan ang pinto. Madilim ang bumungad sa 'akin tanging liwanag lang na nagmumula sa bintana niya ang nagsisilbing liwanag sa apat na sulok ng kwarto niya.

Nakatalukbong ang kalahati ng katawan niya ng makapal niyang kumot. Halata ang panginginig at palalamig niya kaya mas lumapit ako sa kaniya para maayos ang nakabalot sa kaniya.

Hindi man lang niya naramdaman ang ginawa ko kaya umupo ako sa gilid niya. Ang gandang pagmasdan ng maamo niyang mukha. Dahan-dahan kong sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang kaliwa kong kamay.

"Hmmm"mahina niyang daing.

Mas dumikit ako sa kaniya at bigla nalang akong natulala ng yakapin niya ang bewang ko. Naramdaman ko tuloy yung init ng katawan niya. Tskk. Ang taas ng lagnat niya.

Ilang oras ang ginugol ko sa pagtitig sa mukha niya bago ko naisipan na tignan ang oras sa wrist watch ko.

It's almost 11am. Hindi na ako nakapasok sa klase. Pero mas okay na 'to para maalagaan ko si ellah.
Sinapo ko ang noo niya gamit ang palad ko.

Bakit parang mas lalong tumaas yung lagnat niya? Mas lalo siyang uminit.
Dahan-dahan ang pag-alis ko sa mga braso niyang nakapulupot sa 'kin. Balak kong kumuha ng makakain niya at ng maiinom niyang gamot para naman kahit papaano bumaba na yung lagnat niya.

"Tita may makakain na po ba si ellah?"tanong ko kay tita ng makababa na ako dito sa may kusina nila.

Naabutan ko siyang may hinahalo na kung ano sa kasirola. Lumingon naman siya sa 'kin sabay ngiti.
I smiled back.

"Oo iho, patapos na itong niluto kong sopas."aniya.

Tumango naman ako at bumalik na muli ang tingin niya sa hinahalo niya.
Umupo ako sa stool na nandito sa kusina nila.

……………...

"Iho ito na ang makakain ni ellah, paki dala nalang sa kaniya."napatingin ako kay tita ng tawagin niya ako.
Hawak niya na ang isang mangkok na may laman ay ang sopas na niluto niya.

Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo ko sa stool at nilapitan siya. "Sige po tita, ako na pong bahala."tumango at ngumit nalang siya at muli ng inabala ang sarili sa ginagawa niya.

Tumalikod na ako at naglakad na patungo muli sa kwarto ni ellah dala ang pagkain niya.

Pagkabukas ko ng pinto natigilan ako. Para akong napako sa kinatatayuan ko.
Si ellah gising na at naka-upo na sa kama niya habang nakapatong ang ulo niya sa headboard ng kama.

"anong ginagawa mo dito?"she asked in a serious tone. Lumapit na ako sa kaniya at ibinaba ang mangkok sa bedside table niya.

Hindi ko siya sinagot. Ididikit kona sana ang palad ko sa noo niya para malaman kung mainit pa siya pero gulat naman ako dahil sa agarang pag-iwas niya.

Nakatingin siya sa'kin ng seryoso. "I'm asking you, anong ginagawa mo dito?"she asked again in a serious tone.

I gulped. "Gusto kong ako ang mag-aalaga sayo."I answered.

Nagsalubong ang kilay niya na agad kong ipinagtaka. "Kaya hindi ka din pumasok?"

Ito ba yung dahilan kung bakit siya ganyan? I can't help but to smile. She's cute.

She frowned. "Why are you smiling?"

I shook my head and sit beside her. "Nothing, I'm here because I want to take care of you."I explained.


Mas lalo akong napangiti ng makita ang pagpula ng kaniyang pisngi. Umiwas siya ng tingin sa'kin.


Naalala ko ang sopas na kailangan niyang kainin."Kainin mona pala 'to para magkalakas."kinuha ko ang sopas na nasa bedside table niya.

Pag tingin ko sa kaniya nakatingin narin pala siya kaya nagtama ang tingin naming dalawa. Tumikhim siya sabay ngiti.

I smiled back.

Kukuhain niya sana ang mangkok na nasa kamay ko pero agad ko itong iniwas mula sa kamay niyang balak 'tong kuhain.

I shook my head. "No! Just open your mouth."kumunot ang noo niya pero kalaunan ay agad din siyang ngumiti.

Sinumulan ko na siyang subuan ng sopas na hindi na masyadong mainit.
Pansin ko ang palalamig niya kaya ibinaba ko muna ang hawak ko at inayos ang kumot na dapat ay bumabalot sa katawan niya.

Nakatingin lang naman siya sa'kin ng may pagtataka pero hindi ko nalang iyon pinansin dahil mahalaga ang nararadaman niya.

Pagkatapos, kinuha ko ulit ang mangkok at sinimulan ulit siyang subuan hanggang sa maubos niya na 'to.

Nainom niya na yung tubig pero ang pinagtaka ko lang parang may kulang. "I forgot your medicine."I said to her and stood up.

"Where are you going?"pagpigil niya. Tinignan ko siya sabay ngiti. "I'll just take your medicine from the kitchen."hindi kona hinintay pa ang sasabihin niya at dali-dali ng lumabas dala ang mangkok at baso na ginamit niya kanina.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ellah 𝐏𝐎𝐕

Hindi kona nagawang pigilan Pa si liam bagkus sinundan ko nalang ng tingin ang dinaanan niya palabas. Bakit kaya mas pinili niya pang alagaan ako dito?

Mabaigat parin ang pakiramdam ko Kaya tinignan ko nalang ang oras sa bedside table ko. Mag 12nn na pero nandito si liam para alagaan ako. Hindi na tuloy siya nakapasoj ng dahil sa'kin.

Narinig ko ang pag bukas ng pinto kaya agad akong napatingin dito. Si liam dala na niya ang gamot na sinasabi niya.

"Here, drink your medicine now."aniya pagkalapit niya sa'kin. Agad ko naman kinuha mula sa kaniyang kamay ang gamot at isang basong tubig na dala niya.

Pagtapos, agad kong inabot sa kaniya ang ginamit ko. Doon ko lang nakita ang maliit na ngiti mula sa kaniyang labi. "Magpahinga kana ulit."he said and sat beside me.

Nanatili siyang nakatingin sa'kin kaya naman wala na akong ibang ginawa kundi sundin ang sinabi niya. Humiga muli ako sa kama at mas inangat pa sa katawan ang kumot na gamit ko kanina pa.

Nang maka-ayos na ako tinignan ko muna siya at binigyan ng ngiti bago ipikit ang mga mata.

He smiled back so I immediately closed my eyes.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

He's my ideal guyWhere stories live. Discover now