Sick

11 1 0
                                    

𝑲𝒊𝒏𝒂𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏........

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Hala! Nakalimutan ko bang isara yung bintana kagabi? Gosh!! Bakit parang ang bigat ata ng pakiramdam ko ngayon? Parang tamad na tamad akong tumayo. Hirap din akong imulat ng maayos yung mga mata ko at tila nilalamig ako.

What happened to me?

"Ateeeee! Wake up!!! Male-late na tayo."sigaw ni Julia mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.

Hindi ko kaagad nagawang tumayo dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Parang gusto ko nalang muna matulog.
Tatayo na sana ako para pumunta sa pinto pero agad na bumukas iyon at nakita ko si Julia na nakabihis na ng uniform.

"Ate ang tagal mo naman kumilos! Male-late nanaman tayo niyan."she said irritated.

Nang lalapit na sana ako kay Julia, agad akong napaupo sa sahig dahil sa pagkahilo.

"Ow god, ate tanong nangyayari sayo?"tarantang saad ni Julia at agad na lumapit sa akin.

Inalalayan naman agad ako ni Julia para makatayo pero agad kong naramdaman ang palad niyang nakadikit sa noo ko.

"Ate may lagnat ka!"she said worriedly.

"J-julia pakihinaan mo naman yung aircon please."nahihirapang sabi ko.

Inalalayan muna ako ni Julia na maupo sa kama ko bago niya sundin yung utos ko. Pagkatapos niya naman ako maiupo dali dali niyang hininaan ang aircon at bumalik sa tabi ko.

"Ate magpahinga ka nalang muna, huwag ka nalang muna pumasok siguro napagod ka lang kahapon kaya nagka-lagnat ka."Julia said.

I nod and smile at her.

"Saglit lang ate ha? Tawagin ko lang si mama."saad ni Julia at agad na lumabas.

'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

𝐉𝐮𝐥𝐢𝐚 𝐏𝐎𝐕

"Mama si ate may lagnat."sabi ko kay mama ng makarating ako sa kusina.

"Huh? Nasaan ang ate mo?"tanong ni mama.

"Nasa kwarto po, nanghihina po siya natumba din po siya kanina nung sinubukan niyang tumayo."

"Sige anak, ako ng bahala sa ate mo. Kaya mo nabang mamasahe? Hindi kasi kita maihahatid sa school niyo."tanong ni mama.

"Oo naman po, sige po ma kayo na pong bahala kay ate. Una na po ako pasabi narin po pala kay ate na umalis na po ako."I said

Nag nod naman si mama sabay halik sa pisngi ko.

Agad naman akong lumabas ng bahay at naglakad palabas ng subdivision. Wala kasing masasakyan dito sa loob ng subdivision kaya kailangan ko pang maglakad para makasakay.

Kanina pa ako dito nag-aantay ng masasakyan pero kahit isa wala manlang dumadaan na pwede kong masakyan. Arghhhh late na ako!!

*𝐁𝐞𝐩𝐩𝐩𝐩𝐩𝐩𝐩𝐩𝐩𝐩*

Agad naman akong tumingin doon sa bumusina, hindi ko kilala kung kanino tong pang mayaman na sasakyan na to.
Kaya hindi ko nalang pinansin at tumingin sa ibang direksyon para muling mag-antay ng masasakyan.

*𝐁𝐞𝐩𝐩𝐩𝐩𝐩𝐩𝐩𝐩𝐩*

Ano ba to!! Kainis naman to oh. Wala na nga akong masakyan busina pa ng busina. Nilapitan ko naman yung sasakyan na kanina pa busina ng busina.

"Hoy ano ba?!Kanina kapa busina ng busina na ah! Nakakarindi na!"sigaw ko ng nasa harapan na ako ng sasakyan. Pero siyempre hindi naman ako maririnig ng nasa loob ako lang tong mukhang baliw na sumisigaw-sigaw dito sa labas ng sasakyan.

Natigilan naman ako ng maibaba na yung bintana. Hala! Si kuya......Marcus.

"Hey Julia, bakit nandito ka sa kalsada? Tara na sumakay kana dito."saad niya kaya agad naman akong sumakay sa passengers seat. "Nasaan ang ate mo?"tanong niya ng tuluyan na akong makasakay sa loob.

Pinaandar niya naman agad yung makina ng sasakyan bago muling tumingin sa akin. "Ay hehe kuya kasi ano."sabi ko sabay kamot sa ulo. May kuto lang ang peg? Hahahahahaha.

"Ano?"he aasked confused.

"Hindi makakapasok si ate."I said

"Huh? Why? anong nangyari?"he asked again.

"M-may sakit."

"What?!"sigaw niya kaya agad naman akong nagulat at diretsong napatingin sa kaniya.

"Sabi ko may sakit siya."pag-uulit ko sa sinabi ko kanina.

"Is she okay now?"he asked

"Hindi ko alam kuya eh, pagka-alis ko kasi kanina mataas yung lagnat niya tapos sobrang nanghihina din siya."

Tumango tango nalang siya at tumingin na sa daan.

Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa labas ng bintana. Si kuya Marcus ng makilala ko siya boto na agad ako para sa kanilang dalawa ni ate. Pero boto din naman ako kila ate and kuya liam.

Andito na kami sa parking lot ng school at bago ako bumaba nagpasalamat muna ako kay kuya Marcus ngumiti at tinanguan niya naman ako.

Pagkapasok sa gate ng school si kuya liam naman ang nakasalubong ko.

"Hi Julia asan ang ate mo?"tanong niya habang nakangiti.

Napangiwi naman ako. Infairness ang pogi ng kaibigan ni ate. Ay kaibigan lang ba? Hahahahaha. "Ano po, nasa bahay."

Agad kong nakita ang pagkunot ng kaniyang noo. "Bakit? Hindi ba siya papasok?"tanong niya kaya agad akong umiling.

"May nangyari ba?"

I nodded slowly. "May sakit si ate."saad ko at agad akong nagulat ng mataranta siyang nagpunta sa labas ng gate.

Tatawagin kona sana siya pero huli na dahil tuluyan na siyang nakalabas ng gate. Weird.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

(AUTHOR) -it's just a short story, I hope y'all understand me. :)

He's my ideal guyWhere stories live. Discover now