Chapter 4

59.9K 1.3K 122
                                        

Tama si Manang Huling. May lahing Kastila si Lucila Servantes. Maputi ito, matangos ang ilong at manipis ang malililok na mga labi. Kung tutuusin, p'wede itong gumanap na long lost twin ni Gloria Romero. Kailangan nito nang kaunting facelift at Botox, but all in all, the old lady was still beautiful.

Nakahiga ito sa isang four poster bed, parang isang medieval queen sa isang makalumang pelikula.

"Salamat at nagpunta ka dito, Apo." Marupok ang boses nito at mahina, pero matatag ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya.

Apo ang tawag sa kanya nito kanina pa. She supposed that was okay. "Kinakamusta po kayo ni Lola."

"Gusto ko nga ring makita si Rosario, kaya lang umatake naman 'tong rayuma ko."

"Pupunta po dapat dito si Lola, kaya lang naaksidente siya. Dadalaw po siya kapag kaya na niya."

"Mabuti...mabuti...nakita mo na si Evan?"

You mean the big, bad, silvery blonde hunk who had an attitude problem? Uh-huh.

"Yes."

"Pasensya na kung medyo masungit 'yung apo ko..."

No shit? isip niya. Try rude and inhumane. She didn't like holding grudges. But seriously? Hindi na ba uso ang good manners and right conduct ngayon?

"Nasubukan niyo na po bang ipatingin sa psychologist ang apo niyo?" untag niya. "He seems to have anger management issues. I have a friend, I can recommend him to you. Maybe Evan needs to attend some therapy."

"Ano? Tera...ano?" Maikling tumawa ang matanda. "Pasensya na, Apo, grade three lang ang inabot ko... hindi ako marunong mag-Ingles."

Napatikom siya. Hindi iyon nabanggit ng lola niya. "Pasensya na rin po. Nakainsulto po ba ako? Hindi ko po sinasadya."

"Wala iyon...wala iyon." Nakangiti itong umiling at tinapik-tapik ang kanyang kamay. "Wala akong alam sa mga ganyan, kaya hindi ko rin matulungan si Evan. Namatay ang anak ko at 'yung asawa niya nung anim na taon lang si Evan. Tapos ayun, naiwan 'yung apo ko sa 'kin. Ako ang nagpalaki kay Evan, pero hindi ko ata nagawa ng tama, hindi kasi ako matalino."

She snorted and leaned back in her chair. High intelligence quotient was never a guarantee for raising well mannered children. "That's bullshit, Nanay. Maraming klase ng talino. Walang kinalaman sa natapos na pag-aaral para mapalaki nang tama ang bata. Tingnan niyo na lang ang mga corrupt politicians natin. Matatalino ang mga 'yan, may medal sa school, galing sa Buena familia, pero ano'ng ginagawa? Hindi lang po talino ang sagot sa kasamaan ng ugali ng tao."

Maikling tumawa ang matanda at pumikit. Isang lampshade lang ang nakabukas sa gilid ng kama, at malamlam ang sinag noon sa mukha ng matanda. Pinatingkad noon ang mga kulubot sa maganda nitong mukha.

"Tama ka d'yan. Mahirap lang kami, napadpad kami dito sa Norte ng mga magulang ko pagkatapos ng giyera. Dito ko nakilala 'yung asawa ko, at dito na kami pumirmi. 'Yung nanay ni Evan, si Clara, nakapag-asawa ng mayaman...taga..."

"Iceland po."

Tumango ang matanda. "Ulila na si Jon, galing sa ampunan, pero yumaman siya. May mga...stocks ba 'yon? Iyon, ganoon. Nagkakilala sila ni Clara nung nagbakasyon siya rito sa Burgos."

Nanatili siyang tahimik at hinayaan itong magpatuloy. Mahigit dalawang dekada nang namayapa ang anak at manugang ni Nanay Lusing, pero sigurado siyang may kirot pa rin iyon sa tuwing naalala nito ang anak nito. Her mother was not the best maternal example, but she had seen enough maternal love to know that being a mother was a life-long job. For some, once a mother, always a mother. It didn't stop when the children grew old.

Seducing Mr. Antisocial | R-18|-DIOR MADRIGALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon