Chapter 30 (part 2 of 2)

21.9K 808 97
                                        

"You want some, Lavinia?"

Nagtaas siya ng tingin kay Caroline. Nasa tapat niya ito, maliit na nakangiti habang inaalok siya ng tupig.

The wicked stepmother offering Snow White the red apple? Hah. Feeling Snow White siya? Ilusyonada.

"Ako, Ate, pahingi." Dumampot si Kat-kat ng tatlong tupig mula sa porselanang lalagyan.

Matalim niyang tinapunan ng tingin ang dalagita, pero nakangisi lang itong nag-peace sign sa kanya.

The traitor.

Nakangiti pa rin sa kanya si Caroline, at napilitan din siyang kumuha ng tupig. Mahahalata masyado ang pagiging bitter niya kapag tumanggi siya. Plastic mode muna.

"Thanks," aniya sa babae.

"Who wants some cheesecake?" nakangiting bungad ni Evan pagkapasok sa dining.

He grinned like a boy holding his precious treasure box. Proud nitong inilapag ang bilog niyang blueberry cheesecake sa gitna ng mahabang mesa na para bang mamahaling art work iyon.

Nag-init tuloy ang mga pisngi niya.

He sliced a big piece of the cake, his gaze filled with ridiculous solemnity as if he was handling something precious and sacred.

Pasimple niyang tinapakan ang paa nito sa ilalim ng mesa, at matalim itong tinitigan. He was embarrassing her!

He shot her a confused look, then shrugged and slid the cake on his plate.

Umupo ito sa tabi niya at pinagsaklop ang mga kamay nila sa ilalim ng mesa.

"Ano pa'ng kukunin namin Evan, eh mukhang kinuha mo na 'yung kalahati?" natatawang hirit ni Manang Huling.

Evan smiled sheepishly and dug into his slice.

God, it's not fair how adorable he was.

Naghiwa din si Kat-kat ng cheesecake at naglagay sa plato nito. Kumuha rin sina Manang Huling at Uncle Felipe.

"Tinulungan ko si Ate gumawa nito," bida ng dalagita at malaking sumubo ng cake. "Ako 'yung dumurog sa graham saka naglagay ng–" Nanlaki ang mga mata ng bata at napahawak sa bibig nito.

What? What?

Napaubo ang bata at hinagilap ang paper napkin sa tabi nito. Then to her horror, the kid spat the cake on the paper napkin. What the hell!

"Kat-kat!" suway dito ni Nanay Lusing.

Umuubong uminom ng tubig ang bata.

Someone else coughed, and her head whipped toward Felipe and Manang Huling. Sabay na humagilap ng baso ng tubig ang dalawa, at halos di magkaugaga sa paglagok ng laman noon.

Her cheeks burned with mortification. What the hell?

"What? Why? What's wrong?" angil niya.

It's just a goddamn cheesecake! It's no-bake, for Christ's sake! Imposibleng pumalpak siya nang gano'n kasama!

Marahas siyang bumaling kay Evan at nakitang nakangiwi ang binata habang nginunguya ang cheesecake.

Nanlalaki ang mga mata, inagaw niya ang tinidor ni Evan at tumusok siya ng piraso ng cake at sinubo.

Imbes na matamis na naghahalong maasim ang malasahan niya, matalas na alat ang kumalat sa kanyang dila. Napaubo rin siya.

"Here."Evan pushed a glass of water in her hand and rubbed her back.

Inubos niya ang tubig at marahas iyong ibinaba sa mesa. "Ba't gano'n ang lasa n'yan?" bulalas niya nang makapagsalita na siya.

Tumawa si Manang Huling at umiiling na uminom ulit ng tubig. "Ay naku, baka asin ang nailagay niyo at hindi asukal. Ano'ng ginamit niyo? 'Yung nakalagay sa bote sa may pantry?"

Seducing Mr. Antisocial | R-18|-DIOR MADRIGALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon