Chapter 22 Part 2

31.8K 825 144
                                        

"P'wede ka sigurong maging hairstylist."

Hinila nito ang dulo ng buhok niya.

Tumawa siya at siniko ang binata, pero inakbayan siya nito at hinila sa katawan nito.

"I can't see myself not painting," sambit ni Evan. Dinikit nito ang labi sa kanyang sentido at pinaglaro ang mga daliri sa strap ng kanyang bestida. "It has always been a part of my life. In many ways, it has been my savior, too."

She pictured him as a kid, a tall, awkward child who looked so different from the rest of his classmates. She could only imagine his frustration, anger, and stress over his poor academic performance.

And yet his paintings looked pure and dreamlike. Walang bahid ng galit, walang bahid ng muhi.

Dahil kung tutuusin, iyon pa rin ito. Sa kabila ng prustrasyon at galit, iyon ang binata, puro at malinis.

Naglakad-lakad ulit sila sa kahabaan ng Calle Crisologo. May nadaanan silang tindahan ng mga bags, at hinila niya papasok si Evan.

Dinampot niya ang tatlong makukulay na banig bag. "Lola and Manang Precie would love these," aniya.

"P'wede ko kayong bigyan ng discount."

Sabay silang lumingon ni Evan sa lalaking nagsalita. Matangkad ito at malawak ang ngiti sa kanya.

"We usually sell this for five hundred each, but I'll give it to you three for one thousand."

Hindi guwapong-guwapo ang lalaki pero charming ang ngiti nito.

"Oh really?" Ngumiti rin siya. Duda siya kung totoong discounted na iyon. But she liked the bags, at hindi na masama ang isang libo para sa tatlong bags dahil maganda ang quality ng mga ito. "Thanks."

Pumalupot ang isang braso ni Evan sa kanyang baywang at hinila siya sa katawan nito. Inilapat ng binata ang palad sa kanyang tiyan para idikit ang likod niya sa harapan nito.

Maikli siyang tumawa at sumandal sa matipuno nitong katawan.

"We'll take six," aniya. "And the scarves, too." Dinukot niya ang wallet sa bag pero pinigilan siya ni Evan.

"Ako na."

Walang imik nitong ibinigay ang bayad sa lalaki.

Nang tumalikod ang lalaki at nagtungo sa cash register, hinarap niya si Evan. Ipinasok niya ang mga kamay sa ilalim ng puti nitong kamiseta. Marahang niya dinama ang matitigas na mga kalamnan sa ibabang likod ng binata.

Smiling, he cupped her nape and pressed their lips together.

"Here's your purchase."

She smiled against chest and pulled away to accept the paper bag. Si Evan ang kumuha ng paper bag sa lalaki.

"We have antique furniture at the back, too," habol ng nagtitinda. "Gusto niyong tingnan?"

Iba rin ang fighting spirit ng isang ito. She actually admired it. But she didn't want to tease Evan too much.

"No, thanks," tanggi niya.

"No?" The guy's smile never faltered. "We have a lot of antiques. We have this lovely coffee tables and cabinets with mother of pearls inlays. I think they'll suit someone as pretty as you."

"No, but thank you."

Naglakad na sila ni Evan palabas ng tindahan.

"You're sure? We have this gorgeous escritoire. I think you'll–"

"She's not interested," pakli rito ni Evan at nilakihan ang hakbang palabas sa store.

Bumungisngis siya nang nasa labas na sila.

Seducing Mr. Antisocial | R-18|-DIOR MADRIGALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon