Kat-kat was not good for her peace of mind. Para itong demonyita sa kanyang balikat, bumubulung-bulong ng mga masasamang ideya sa kanyang isipan.
"Ate Lavinia! Nagbe-bake ng tahong si Ate Caroline! Favorite 'yan ni Auntie! Gagawa rin siya ng tupig at alpajo, naku, favorite ni Kuya Evan 'yon! Mag-iigado din siya, gusto 'yan ni Nanay!"
Matalim niyang tinapunan ng tingin ang dalagita. Kanino ba talaga kampi ang babaitang 'to? Sakalin na kaya niya? "Shut up, Kat."
Pero ayaw paawat ng bata. "Ate, ano ka ba! Kailangan nating lumaban!"
"I already won, matagal nang tapos ang laban. She never stood a chance. I already came, saw and conquered. Isa pa, ang dami-dami nang pagkain. OA na siya. Konti lang naman ang bisita. "
"Tsk. 'Wag masyadong kampante, Ate! Di ba sabi nila, the way to a man's heart is through his stomach?"
"No, it's through his pants. And his brains."
Inayos niya ang karga kay Rosie, at pinunas ang laway sa bibig ng baby. Parang may unlimited amount ng laway ang sanggol. Rosie cooed and tried to eat her hair.
Grumbling, she leaned against the dining room wall. Mula sa kinatatayuan nila ni Kat-kat, tanaw nila si Caroline.
Nabitawan ng babae ang hawak nitong spatula, at nasanggi nito ang ilang upuan nang abutin nito iyon.
Di siya makapaniwalang napailing.
My God, the girl was a klutz! Dinibdib ata nito ang role ng sweet damsel in distress. Kailangan talaga lampa rin para laging iligtas at alalayan ng prince charming nito?
Naningkit ang mga mata niya habang nakatitig sa paa ng babae. Nakabalot sa bukung-bukong ni Caroline ang isang puting panyo. Panyo ni Evan.
Her boyfriend was just too nice. Hindi ba't ganoon din ito sa kanya? Napakasuyo, napakaingat. Ganoon din ito sa iba. Ganoon kasi talaga ang lalaki. She just happened to be the first one. It didn't mean she could be the only one.
Napatiim bagang siya roon.
Bumaling ang tingin niya kay Evan. Nakikipag-usap ito kay Uncle Felipe at sa ilang kaibigan ni Nanay Lusing. May tensyon pa rin sa mga balikat ng lalaki, pero nang may sinabi ang isang matandang lalaki, mahinang nakitawa si Evan sa mga kasama.
Two weeks ago, he wouldn't be able to do this.
Bukas, sisimulan na nito ang mural ni Caroline. Tapos ay ang kay Felipe, tapos ay ang sa kaibigan ni Felipe. More people. More experiences.
Bigger, bigger. His world was getting bigger.
Napahigpit ang yakap niya kay Rossie at umangal ang bata.
"Sorry." Absent minded niyang tinapik-tapik ang puwitan ng sanggol.
Lumapit si Caroline sa grupo nina Evan, at nakangiting itinaas ng babae ang isang platito ng ulam na niluto nito. Mukhang pinapatikim kay Nanay Lusing.
Ngumiti ang lola ng binata nang malasahan ang sarsa, at bumaling sa apo nito at inangat ang platito. Evan smiled and brought the spoon to his mouth.
Tumango si Evan kay Caroline, at halos mapunit ang ngiti ng babae sa pagngiti nito.
Oh, the girl was good.
Tiim labi siyang humarap kay Kat-kat. A way to a man's heart, huh?
"Samahan mo 'ko sa pantry," pakli niya sa dalagita.
Pumalakpak si Kat-kat at hinila siya papunta sa likod ng kitchen.
Nilingon niya ulit sina Evan, at saktong nagtaas din ng tingin ang kanyang nobyo.

BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Antisocial | R-18|-DIOR MADRIGAL
RomanceR-18 | COMPLETE CHAPTERS Party Girl meets Mr. Awkward. Femme Fatale versus Mr. Painfully Shy. Let the crazy begin. WARNING: For adults only XD. as in. no kiddies, please. so far, ito na ang pinaka-hot *cough* explicit na book na sinulat ko. Kung pa...