Chapter 32 (part 2 of 2)

22.2K 772 35
                                        

Naroon na ang mama niya at parang diyosa nang nakaupo sa may gitnang mesa. Umayon ang malamyos na kulay ng ilaw at ang eleganteng disenyo ng paligid sa kanyang ina. Napakaaristokrata ng dating nito sa suot nitong blushing pink Dior sheath dress at Champagne colored Jimmy Choo.

Two weeks ago, her mom looked like death. Ngayon ay business as usal na ulit ito. Beautiful, flawless, pretentious.

Lies, lies, lies.

Nakaramdam siya ng mainit na galit sa kanyang sikmura habang nakatitig sa napakaganda niyang ina, pero pilit niyang di pinansin iyon.

"Hi, Mom." Hinagkan niya ito sa pisngi at umupo siya sa high back chair sa tapat nito.

"Hi, Dear."

Dinampot niya ang menu at pinasadahan iyon. "You should stay away from alcohol. You have low alcohol tolerance."

"Oh, shush. Napadami lang ako ng inom nung nakaraan. It happens to everyone. Perfectly understandable."

Nagtagis ang kanyang mga ngipin.

"Is it?" Itinaas niya ang titig sa ina, at naramdaman niyang umaahon sa kanyang lalamunan ang mainit na galit mula sa kanyang tiyan. "You almost died, mother. Does your life mean so little to you?"

Tumiim ang perpekto nitong mga labi. Kahit na halos sesenta na, halos wala pa ring kulubot ang mukha ng kanyang mama. P'wede pa rin itong pagkamalang k'warenta. Kung gusto nitong magpakasal ulit o magkaroon ng relasyon, hindi ito mahihirapang gawin 'yon. But then again, gaya nga ng sinabi niya kay Carmi, beauty is not everything.

"Masisisi mo ba 'ko?" mapait nitong pakli. "Your father's flaunting his new piece of ass again. Alam mo ba ang sinasabi ng mga amiga ko?"

She resisted the urge to scream. "Enlighten me."

"They're all laughing behind my back! Nakita mo ba kung gaano kabata 'yung bagong haliparot ng papa mo? Mukhang teenager pa!" gigil nitong sambit sa mababang boses. "He's a disgrace."

Kumuyo palad siya, at pinigilan ang pagnanais na ihagis ang menu sa sahig. "It's been thirty f*cking years, Mom. Let it f*cking go."

"How can I do that when I hear my friends talk about it all the time? How can I do it when I see him flaunting his women in every party and event I attend?"

"Welcome to the real world, Mother. Life is hard. Live with it."

"I can't accept it. I will never accept it. He had to stop doing this, someone should talk to him. Talk to him, Lavinia, tell him what a scumbag he is and tell him to stop it."

Mariin siyang pumikit. Exhaustion weighed down her chest, and tightened her insides.

"Why, Mom?" May init sa boses niya, may galit. "Why are you so fixated with Dad? You're beautiful, smart, famous. You used to be so sweet, too. Matagal na 'yon, but I remember it, Mom. You used to smile so prettily when I was a kid. You could have taken any man you wanted. Or you could have just lived alone contented with yourself. You could have been happy. But you chose not to. Why? Ano ba'ng mayroon kay Papa? Bakit kailangang umikot ang mundo mo sa kanya? Why do you have to love someone so much you forget about yourself?"

Ramdam niya ang paninikip ng kanyang lalamunan at pag-iinit ng kanyang mga mata.

Naalala niya ang naramdaman niya nang makita niya si Evan at si Caroline. Iyong matinding selos, iyong pagnanais na hilahin si Evan palayo sa dalaga. Iyong pagnanais na siya lamang ang titigan ng binata. Ganoon ba ang naramdaman ng mama niya?

Matigas siyang umiling at ibinalik ang atensyon sa menu.

"Sorry," pakli niya. "This is not the right place to talk about that. Sorry, Mom."

Hindi ito umimik, at nanatiling nakatitig din lang sa menu nito. Pero nakita niyang nanginginig ang mga daliri at labi nito.

Dumating ang server para kunin ang kanilang order at ibinigay nila iyon dito.

Nang makaalis ito, nagtaas ng tingin ang kanyang mama. May kintab sa mga mata nito dahil sa mga luha. Namilipit ang kanyang sikmura.

"Mom–"

"You're right. I know you're right. I..." Umiling ito, at tumitig sa mga brilyantes sa mahuhubog nitong mga daliri.

Puno ng matinding lungkot ang mga mata ng kanyang mama, kaya iiwas niya ang mga mata.

"I don't know myself, Lavinia. Maybe I just love your father too much. Or maybe I'm just selfish. I don't know."

Dinampot niya ang baso ng tubig at malalim siyang uminom. Pero masikip pa rin ang kanyang lalamunan at dibdib sa mga emosyon.

"It's not yet too late, Mom, you can still be happy. You just have to choose to be happy."

"You're right. You're right. You're so much stronger than me, have I told you that?"

Ginagap nito ang kanyang kamay sa mesa, at nag-iinit ang mga matang ibinaling niya ang tingin sa kanyang mama.

Matubig ang mga mata nito, at nanginginig ang mahuhubog na mga labi nito. "I've always wished I can be like you. I may have regretted marrying your father, I may have been bitter about everything. But not about you. Never about you. I've always been so proud of you."

"Then how come you were barely there when I was growing up?"She hated how needy her voice sounded.

"I know...I know..." Kumurap ito, at maingat na pinunas ang ilang butil na kumawala sa magagandang mga mata nito. "Maybe because I thought you're better off without me. And you did grow up wonderfully, so...so different from me."

Muli siyang lumagok ng tubig at marahang ibinaba ang baso sa mesa. Humugot din siya ng hangin. She's okay. She's not sad or angry. Matagal na iyon at marahil ay tama rin ang mama niya. Hindi niya gustong magalit pa.

Pinisil niya ang kamay ng kanyang mama.

"It's okay, Mom. But this fixation with Dad, stop it. Listen, I'll start training this week for the Triathlon, want to join me?"

Napakurap ito, at napahawak sa dibdib. "I'm fifty nine, Lavinia."

"You're healthy, you're fit, you can do it."

Bahagya itong tumawa, at tumaas din ang sulok ng mga labi niya. Her mother's beautiful when she's laughing.

Nagpintas ka na unay no agka tawa ka.

Nanikip ulit ang kanyang tiyan sa alaalang iyon.

Ang ganda-ganda mo raw kapag tumatawa ka.

Umiling siya sa sarili at bumaling ulit sa ina.

"So what about it, Mom?"

May pag-aalangan pa rin sa mga mata nito, pero tumango ito at ngumiti ulit. "Okay. Okay."

Ngumiti rin siya at pinisil ulit ang kamay ng ina. Binawi niya iyon at sumandal sa backrest ng upuan.

In many ways, she was a lot like her mother, too.

"I'm so happy you've never been affected by how crazy I am," natatawang komento nito.

Hah. Gusto niyang tumawa. Kung alam lang nito. Ngayon lang niya nagpagtanto, but perhaps she and her mom were alike in more ways than she would like to admit.

"Don't be like me, Lavinia," patuloy ng kanyang ina at muling ginagap ang kamay niya. "Don't be like me and allow yourself to be happy."

Seducing Mr. Antisocial | R-18|-DIOR MADRIGALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon