Chapter 6- Untitled

160 18 2
                                    

:Chapter 6:

Khate's POV

"Oh." Sabi ko kay Sam at inabot ang sandwich na tinabi ko para sakanila. Alam ko namang hindi pa sila kumakain kanina kaya nag tabi na lang ako ng dalawang sandwich.

"Wow. Savior ka talaga Khate! Thank you hah!"Sabi ni Sam sabay kagat sa sandwich

"Kanina pa kasi umuungol yang tiyan mo ehh. Nagtabi lang ako kanina dahil nagring kaagad yung bell. Hindi pa kayo nakakain ehh."Sabi ko kay Sam na halos kalahati na ang sandwich na kinakain. Takaw! -__-!

"Aira oh"Sabay abot sakanya ng isang sandwich
"Thanks"Sabi nya at nginitian ako. Haaayyy!!! Pano nga bang gagawin ko sakanilang dalawa ni Nhate?! Hmmm...

Bigla naman umubo si Sam. Nabulunan ata. Takaw kasi ehh.

"Ito tubig oh"Sabi ni Alexa sabay abot kay Sam. Agad namang ininom ni Sam yung tubig. Inabutan din ni Alexa si Aira ng isa.

"Nakita kong nagtabi na si Khate para sa inyo ng sandwich kaya tubig na lang ang kinuha ko."Sabat ni Alexa habang nagbabasa ng libro na 'Joke Book' tsk tsk tsk. Akala ko pa naman nagaaral na siya ng mabuti. -__-#

"Ang takaw takaw mo kasi Sam ehh. Yan tuloy nabulunan ka na"Sabi ni Aira na natatawa pa.

"Ehh kanina pa kasi kumakanta yung tiyan ko. Si sir kasi ehh,late na tayo pinalabas."Reklamo naman ni Sam.

"Ehh kung hindi ka pa nakipag dakdakan kay Kevin kanina edi sana nakakain tayo!" May point nga naman 'tong si Aira.

"Kung hindi ako nakipagdakdakan kay Kevin edi hindi ko din makikita yung magandang eksena kanina sa hallway!"Sabat naman ni Sam

"Kung sabagay. Tama ka naman." pagsang-ayon ni Aira.

"Itigil nyo na yan. Nabusog naman kayo sa kakatawa nyo ehh."Sabi naman ni Alexa at sinara na ang librong bibabasa niya.

"Uy Khate! Kwento mo sakin yung mangyayari mamaya ahh."Sabi ni Sam. Talaga 'tong babae na 'to ehh. Gustong tinotorture ko si Kev.

"Tsk. Bruha ka talaga. Oo,mamaya pa naman yun. Wag kang excited!"Sabi ko sabay tayo' sa bench. Nasa garden kami sa likod ng school. Konti lang kasi tao dito kaya dito lagi kami tumatambay.

"Tara na nga! Uwi na tayo! Naiinip na ko dito ehh."Ungol ni Sam na tumayo din sa pagkakahiga sa damuhan.

At nagsitayuan na nga sila. Nagpunta na kami ng parking lot at sumakay na sa car ko. Car ko kasi gamit namin ngayon at bukas kay Alexa naman.

Hinatid ko na sila sa kanya kanya nilang bahay.

"Mama! I'm home!"Hiyaw ko sa mom ko habang papaakyat sa hagdan.

"Katty naunahan mo si Kev ahh. Nakita mo ba yung kapatid mo?"Sigaw ni Mama galing kusina. Nagluluto ata. Hmmm... ^___^

"Hindi Mama ehh. Baka papauwi na din yun. Nabad trip siguro kanina kasi nadulas daw sa hallway ng school sabi ni Sam." Sagot ko kay mama.

"Kaya naman pala eh. Sigurado alam niya na sasabihin sayo ni Sam yun at aasarin mo na naman kaya nagpapahuli umuwi."Sabi ni mama na lumabas na sa kusina. Nakasandal na siya ngayon sa baba ng hagdanan.

"Akala niya hindi ko pa rin siya aasarin pag nahuli siya umuwi? Ha! Hindi ata pwedeng palampasin ang nakakatawang pangyayari sakanya kanina" sabi ko naman na ngumingisi at umiiling pa. >__<

Humanda siya sakin. Hahahahah!!! *^O^*

"Tsk. Kayo talaga. Parang mga bata pa. Hmm..."sabi ni mama at Pumasok na ulit sa kusina. At pumasok na nga din ako sa kwarto ko.

Pagkatapos ko magbihis, dumiretso na ko sa living room at binuksan yung TV.

Dumating naman si Kev. *^▁▁^*

"Mama! Dito na ko!"Sigaw ni Kev na nagmamadali. Mukang hindi niya ko nakita ahh. Papaakyat na sana siya ng nagsalita ako.

"Hey Kev!"Bati ko ng hindi tumitingin sakanya.

"K-katty?!" Nagulat pa 'to ahh. Hihihihi!!!!≧﹏≦

"Oh. Bakit parang gulat na gulat ka jan? Hoy! Bat ngayon ka lang dumating?!"tanong ko sakanya na naka tutok pa din sa TV.

"A-ano kasi..."

"Ano?"

"Uhmm. May pinuntahan lang kami nila Nhate. Sige punta muna ko sa kwarto ko ahh."Sabay takbo papuntang room nya. Duwag talaga kahit kelan... ^O^

"Let the game begin! "I whispered... ﹋o﹋

~~¥~~¥~~¥~~¥~~¥~~¥~~¥

READ & VOTE
Thank You!!! >3<

When Players Got InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon