016: Memory Crystal Fragments

1.8K 99 3
                                    

I Died and was Transferred to Another World Only to Search for My Lost Memories... Maybe? -016

## 016

"Unlocking 'Magic Theory' has finished."

Yan ang bumungad sa akin ng magising ako. Ibig sabihin, almost 1 day have passed. I minimized the window about Magic Theory, mamaya ko na babasahin yan.
Tumingin ako sa paligid at nakitang nakatigil pa rin ang oras. I wonder how much MP is being used to maintain this magic. Kung ikukumpara sa mga normal na magic ay parang napakalayo ng agwat nun dito sa Accelerated Time Magic, but since si Mii ang caster nito, wala sigurong imposible sa kanya.

Tumayo ako para hanapin ang papel na yun ngunit hindi ko siya makita. Naaalala ko pa ang mga sinabi niya bago mawalan ng malay. Tsk. WTH is this Grand Quest?! Daig ko pa mga Crusader at si Oda Nobunaga kung mapag-unite ko silang lahat.

Imposible man ay naeexcite pa rin ako. Siguro dahil sa A Gamer's Mind o kung anu mang dahilan. Malamang may koneksyon din yun sa past self ko.

...!

Oo nga pala, nalimutan ko na ang babasahin ko, dahil sa trivia ni Mii na humaba ng humaba hanggang sa umabot na sa paglitaw ng Grand Quest na yun!

Sa oras din na iyon ay may lumutang mula sa sahig. Hmm no wonder kung bakit hindi ko siya nakita, parang kalat lang siyang itinapon dun eh.

"Gising ka na Otherworlder? *sweats* Buti naman . Nakakapagod i-maintain tong Accelerated Time Magic, aabutan na ako ng MP exhaustion. *ragged breathing*" (Mii)

Medyo slow na nga ang paglitaw ng text mula sa papel, apparently ginagamitan din ng MP yun, her real body isn't here. Is this an act o talagang mauubusan na siya ng MP?

"Eh? Kaya ka ba nakabagsak diyan? Is that some kind of meditation?" (Me)

"Nihaha~ *coughs* Dineactivate ko lang ang magic ko sa papel para makabawas ng MP consumption. Kung alam mo lang~ kahit na 8 digits ang MP ko ay mabilis itong nauubos dahil sa pag-maintain ng magic na toh." (Mii)

"Then why didn't you stop ng makatulog ako? Pwede naman nating ituloy mamaya toh diba?" (Me)

"Eeehh I got engrossed watching your sleeping face *blush*" (Mii)

Ugh. Naramdaman kong parang may bumakat na ugat sa sentido ko. Hindi na ko nagsalita at baka ano pa ang masabi ko.

"Tsk. Anyway okay na ba? Babasahin ko na ito, halos isang araw na nakalipas, though wala pang isang segundo sa mga tao dito sa paligid. At nagugutom na rin ako. Very Hungry na ang status ng Satiety ko oh." (Me)

Kumalam nga ang sikmura ko pagkatapos kong sabihin yun. Damn, vegetable soup at tinapay nga lang pala ang nakain ko, meron din kaya silang karne dito? Even a chicken meat will do basta karne, pakiramdam ko para bang isang century akong hindi kumain ng karne.

"*pouts* Okay last na to. Promise...

.. Hindi mo pa natatanggap ang quest reward sa Main Quest:Rescue the Village right?" (Mii)

"Oh. Now that you mention it, nakalagay lang dun ay unknown, why is that?" (Me)

Okay kakalimutan ko muna ang gutom ko. Ano nga bang ibig sabihin ng unknown? Yung unang quest na natapos ko ay alam ko ang purpose ng reward, yung 500 exp na reward ay para sana maglevel-up ako in preparation sa susunod na quest. Ngunit dahil inabutan ako ni Gobuchi doon at nakapag-level sa tulong ni Nie, wala ng point ang naging reward on that quest. Then ano naman kaya ang ibig sabihin ng unknown?

Otherworlder: The Man in Search for his Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon