020: Rulebreaker

1.6K 96 5
                                    

I Died and was Transferred to Another World Only to Search for My Lost Memories... Maybe? -020

#020

We were invited inside Village Head's house. Noong una ay hindi pansin ni Village Head si Nie dahil sa hood nito ngunit ng tanggalin niya iyon pagpasok sa bahay ay biglang napaluhod ito on one knee his right arm whose hand turned to fist ay umaabot sa sahig. Kahit na independent ang Village of Beginnings sa Empire ay hindi maiiwasan na mapaluhod sa harap ng isang royal blood.

"Stand up Village Head, I'm not here as the princess but this guy's companion." (Nie)

Ang lumitaw sa mukha ni Village Head ay expression ng pagka-confuse, hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ni Nie. Tumingin siya sakin to inquire pero kahit ako ay hindi ko alam ang pakay ng prinsesang ito. Well sinabi niya naman na susundan niya ako until I accepted her offer pero wala siyang nabanggit na she'll not act as a princess of the empire.

"Boy, anung pinakain mo sa prinsesa at nagkaganyan siya? May nangyari ba kagabi pagkatapos kitang buhatin pabalik sa kwarto mo sa Milcot?" (Village Head)

Hinila ako ni Village Head at ibinulong yan habang sinisiko ang tagiliran ko.

"Ugh Village Head, hindi pa magaling ang sugat ko diyan. At no, walang nangyari... at least yan ang naaalala ko." (Me)

Itinigil niya ang pagsiko ng sabihin ko yun, he even made an apologetic face pero hindi pa dun natapos ang pag-usisa niya.

"Heh... Hindi kaya mayroon ka ring wild side kapag lasing? Hahaha. Saludo na ko sayo, to tame a princess. Tsk tsk. Siguro kaya ko rin yan noong kabataan ko." (Village Head)

Sasagot pa sana ako pero natigilan ng tamaan ulit ako ng sword staff ni Nie mula sa likod. Lumingon ako upang magtanong sana kung bakit niya ginawa yun pero napansin ko na namumula ang mukha niya dahil narinig niya ang pinag-uusapan namin. Tsk ang lakas kasi ng boses ni Village Head, but this reaction, hmm...may nangyari nga ba? Tsk. Wala akong maalala, wala naman siyang binanggit ng magising ako. Siguro napuno lang ang pasensya niya dahil pinagbubulungan namin siya.

Si Village Head naman ay nagkaroon ng bukol nang iangat ang parang sandok na inihampas sa ulo niya by his wife na narinig ang pinagsasabi niya. She has a shoulder length black hair na ang bangs ay natatakpan ang isa sa mga singkit niyang mata. She has this Asian-like face. May ganitong lahi rin pala dito, halos lahat kasi ay may Western face pero karamihan ay non-existent ang natural na kulay ng buhok nila from my previous world.

Yumiko Armistead
Lv. 7 Cook

"Os-car...!"

Isang salita lang from his wife ay parang nanginginig na si Village Head. Under ba siya? Pfft. Pagkatapos niyang bigyan ng silent sermon si Village Head ay nabaling naman ang paningin nito sa akin.
Tila lalong naningkit ang singkit nitong mata, analyzing me.

"And you boy, you should stop being oblivious to what a girl feels. Ha-aa, parehong-pareho kayo nitong asawa ko."

Eh? Anong ibig niyang sabihin? Tumango nalang ako kahit na hindi ko naintindihan. Am I that oblivious o talagang mahirap lang intindihin ang mga babae ng mundong toh? Hmm.

Pa-maya-maya pa ay pinatuloy na kaming dalawa sa living room ng bahay nila. Kung titignan mula sa labas ay parang maliit lang ang space pero pagpasok sa loob ay makikita mong malaki iyon. Ang living room ay sa kaliwa pagpasok mo ng pinto, may mga upuan para sa mga magiging bisita at may parang tea table sa gitna, meron siyang fire place dahil medyo malamig ang klima sa parte ng mundong toh, wala siya sa tropical zone na pamilyar sa akin. Ang kusina naman ay lalagpasan mo lang ang living room at makikita mo na iyon sa kanan, may tila isang bar doon na madalas atang tambayan ni Village Head. At kung lalagpasan ulit ang kusina ay makakarating ka na sa backdoor ng bahay at sa tabi nun ay may spiral staircase paakyat. Medyo modern ang pagkakaayos ng bahay na ito with one difference, hindi siya gawa sa bricks but gawa rin sa kahoy like the Milcot Inn.

Otherworlder: The Man in Search for his Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon