026: Kanel Raddes' Unknown Tower

1.6K 89 9
                                    

I Died and was Transferred to Another World Only to Search for My Lost Memories... Maybe? -026

##026

Current Location: Kanel Raddes' Unknown Tower (Start Point)
World Time: ??? ??? ???

We entered the Dungeon. Kinailangan talaga na isama sa Party si Kapitan dahil kung hindi ay baka mahiwalay siya sa amin. Hindi gumagana ang Magic Map sa lugar na toh but it can record the zone kung nasaan kami ngayon. Nakalagay sa map ay Start Point, which means eto ang lugar kung saan nagsisimula ang lahat ng pumapasok dito.

Observing the place, isa itong square room, walang kapansin-pansing bagay dito except the number 0 na makikita mo kapag tumingala ka. Nasa gitna yun ng kisame.

May 4 na pinto dito, isa sa bawat direksyon ng kwarto. Hindi yun ang pintong pinasukan namin mula sa labas dahil misteryosong naglaho ang pinasukan namin, parang katulad ng nangyari noong lumabas ako ng Time-frozen room sa Milcot Inn. Heto siguro ang dahilan kung bakit walang nakalalabas sa mga pumasok dito, nawawala ang entrance eh.

Question marks lang ang nakalagay sa World time. Does this mean na isa rin tong Time-frozen zone o unstable lang ang galaw ng oras dito? Hindi ko pa makumpirma, I really need to explore this place. Isa tong tower mula sa labas, ibig sabihin ay may daan upang makaakyat sa upper floors, nasa tuktok ba ang goal nito?

"So this is a Dungeon." (Nie)

Nabanggit niya yan pagkatapos niya ring obserbahan ang paligid. Hindi ko pa rin alam kung bakit but she's standing near me grasping my robe again.

"Ama. Sana lang ay buhay pa kayo. I'll get you out of here." (Erthos)

Si Kapitan ay nagsasarili sa di kalayuan. Well, huwag lang siya lalayo at baka mahiwalay na talaga siya sa amin. I still don't know how this dungeon works pero nagsimula na ang countdown na lumitaw sa ilalim ng Current Location at World Time sa field of vision ko.

1:00

0:59

0:58

"Nakikita niyo rin ba ang countdown? (Me)

"Yeah. 1 minute tama ba?" (Nie)

"Magsisimula na ba?!" (Erthos)

Lumapit na rin si Kapitan sa amin. He's already holding his Spear, it looks good, kokopyahin ko rin ba? Malalaman naman niya ang Rulebreaker kung gagawin ko. But wala ng kasiguraduhan na makalalabas kaming lahat dito right? So... okay lang na malaman niya ang sikreto ko.

"Kapitan! Can I see your spear?" (Me)

"Huh? Why? Oh! Naiinggit ka ba sa spear ko Red Plate? Tsk tsk." (Erthos)

Nakangisi ito na para bang nang-aasar. Tsk why did I let him come with us?

"Heh. Meron din akong ganyan Kapitan. Gusto mo makita?" (Me)

Dahil mukhang madali siyang mauto. Pwede kong kopyahin yun without revealing my Rulebreaker. Sa tingin ko bata pa ang edad niya for an Elf, o mabagal lang din mag-mature ang isip nila? Well he seems manly naman when in combat. 3 times longer ang lifespan nila sa Human Race at mabagal ang pagtanda ng katawan nila, kahit na siguro 100 years old na ay mapagkakamalan mong 20 lang. If I were to be reborn as a girl, I would love it kung magiging Elf ako. WTH am I thinking?!

"I won't fall for your joke. Swordsman ka Red Plate, hindi ka pwedeng mag-wield ng ibang weapon." (Erthos)

"May sinabi ba akong Swordsman lang ang Job Class ko? Tsk tsk. Don't be surprised later Kapitan." (Me)

Otherworlder: The Man in Search for his Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon