035: Night Raid

1.6K 69 2
                                    

##035

We managed to prevent their plan ngunit hindi pa tapos yun.

Sinabi ni Syllen, the City Prophet, na hindi lang ang mga ito ang nakapuslit sa loob ng Renne. Marami-rami na sila dito kaya hindi sila pwedeng padalos-dalos sa paggalaw.

Ginamit ko ang map at in-improvise ko ang mga lalabas lang na dots to members of Scale Race. At tama nga siya, sa mahigit 2000 na populasyon ng siyudad na 'to, mahigit 200 ang mula sa Scale Race.

Tsk. Hindi na bilang yun ng mga normal na Spy, they already made up 10% of this city's population.

Sa laki ng Renne, hindi nila kayang i-pinpoint ang lokasyon ng bawat Scale Race na nasa loob dahil na rin sa kakayahan nilang mag-disguise, ngunit matagal na silang nagsimula sa paghuli sa mga ito kahit pa-isa-isa lang. Kahit na mahigpit sa bawat Gate, hindi talaga maiiwasan na may ibang makakatakas mula sa mga gwardiya.

"Bago ang lahat, I am Syllen, City of Renne's Prophet. Pasensya na sa gulong napasukan niyo gayong kadarating niyo lamang dito." pagpapakilala ng City Prophet, humarap siya sa aming tatlo ni Nie at Erthos, si Lan ay nanatili sa tabi niya.
"Ipagpaumanhin niyo rin, Prinsesa ng Imperyong Dzejia, Nie. Hindi ako naabisuhan na kasama kayong darating." sa naging palitan kanina ng mga Scale Race ay nalaman niya na si Nie ang tinutukoy nilang isa pang prinsesa bukod kay Lan. Hindi man nagbago ang nakangiti niyang mata kanina, medyo kumunot ang noo nito sa pagtataka.

Umiling si Nie bago sumagot dito. "Right now, hindi ako ang Prinsesa ng Dzejia, isa lamang akong ordinaryong Adventurer. So I'll ask you to refrain from addressing me like that."

Hindi agad nakasagot si Syllen, pinoproseso pa ata ang sinabi ni Nie, ilang segundo ang lumipas bago siya muling nakasagot. Mukhang naintindihan naman niya kung bakit kahit na walang paliwanagan na nangyari.
"I understand. Then" nabaling ang tingin niya sa akin at kay Erthos.

"Dyrem, tulad ni Nie, an ordinary Adventurer."

Medyo nadilat ang halos nakapikit na niyang mata at napataas ang isang kilay nito sa sagot ko, siguradong maraming ideya ang pumasok sa isipan niya as to who am I. Well, hindi naman siya ganoong kausisera kaya lumipat na ang tingin niya kay Erthos.

"Erthos, son Erthras. Nagmula ako sa Mapleburg at dating Guard Captain." pagpapakilala niya.

"Mapleburg? May report mula sa mga scout ko patungkol sa nangyari sa bayang iyon. It was attacked by these guys' kin. Tch. I can't move this city's soldiers yet dahil wala pang abiso sa High Prophet." she clicked her tongue as a show of her dissatisfaction.

By 'these guys', ang tinutukoy niya ay ang mga Scale Race na napatay namin at ang isa pang natirang pinatulog ko muna. Maingay e. We'll transfer her to a secluded room outside for interrogation.

"Yeah. Galing kami doon bago nagtungo rito. They retreated noong bumagsak ang ulan."

Si Lan ang nagsalita na nasa tabi niya. Napayuko lang si Erthos, malamang ay iniisip ang lagay ng Village.

Tumango-tango si City Prophet bago magsalita ulit.
"Hmm. By the way, I guess sa Treihall ang destinasyon niyo? Seems like may nakakaalam sa bawat galaw niyo at kayo talaga ang pakay ng mga ito. Kung gusto mo Lan, I'll arrange some of my soldiers to accompany you. Hindi sa minamaliit ko ang kakayahan niyo, hindi ba mas mabuti if there are more hands to protect you?" her voice carries the hint of worry. Mukhang nag-aalala siya para kay Lan, they're friends afterall.

Ibinaling muna ni F'lanche ang tingin niya sakin, tila nagtatanong kung anong dapat niyang isagot. Tsk. I ignored her dahil choice niya naman yun, we're just her escorts. Hindi naman na namin kailangang pumunta ng Treihall kung naibigay lang agad ang reward ng Main Quest.

Otherworlder: The Man in Search for his Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon