038: End of War?

1.8K 86 24
                                    

##038

Sabi nga nila... Madali lang ang magsimula ng isang giyera.
Any reason you might think can be valid enough to start it kung isa ka sa pinakamakapangyarihang tao sa bansa mo.
Subalit kung anong ikinadaling simulan yun, ang pagtatapos ng isang giyera ay napakakomplikado.

Well, sa dati kong mundo ay may giyera kung saan ilang minuto lang ang itinagal at ang pinakamahaba naman ay inabot ng mahigit isang daang taon.

Karamihan sa mga dahilan ng mga nangyaring giyera ay katulad lang din ng nangyayari sa mundong 'to. Confilicting Ideas at Religion.
I wonder, World Unification nalang ba talaga ang paraan upang mapigilan sila?

---------------------------------
Flanche's POV

Hmm.. It seems they went to the forest safely.
Ang tanging kailangan kong gawin ay hintayin ang signal sa pamamagitan ng Flare na gagawin ni Nie. I know his idea is somewhat ridiculous but Nie fully trusted him without even questioning what will be his plan.
That Rem. Sana naman ipinaliwanag niya ang kabuuan ng plano sakin. Dahil ba sa isa akong Prinsesa kaya nakasisiguro siyang tatanggapin ni Syl ang aking sasabihin? Though, I missed the chance to ask him too, wala ng oras kasi, kapag nagpatumpik-tumpik pa kami ay mas marami pa sa aking mga kalahi ang mamamatay. As their Princess, I have to do something.

Nananatili akong nakatanaw sa lugar kung saan naglaho ang figure nila Rem at Nie sa loob ng Forest of Spirits nang may boses na nagsalita sa aking tabi.
"Princess F'lanche, delikado po sa lugar na 'to dahil sa hindi maubos na pagdating ng mga Scales. Kung maaari ay nais kong madala kayo sa ligtas na lugar."

Oh. This guy is a Guard Captain sa parte ng wall na ito. I can tell dahil sa aking unique ability na nakakakita ng Title ng iba. Ang ability na yun rin ang nagbigay-daan sa akin upang makita ang [Man from Another World] at [Hero] title ni Rem. If not for that ay baka inakala ko na normal na Adventurer lang siya. But still, I think he'll caught my interest kahit na hindi ko nalaman yun. He's an interesting man afterall.

Humarap muna ako sa kanya bago sumagot, napaatras ng isang hakbang ang Guard Captain sa aking ginawa, may halong pagkatakot ang ekspresyon ng mukha niya. Hmm, is it because of me?
"No. I'll help." matipid na sagot ko. Hindi ko alam kung bakit but there were times like this na sobrang tipid ang mga sagot ko kahit na sa isip ko ay marami akong gustong sabihin. Hmm... I wonder why, wala naman kasing pumupuna kaya siguro ay normal lang ang nangyayari. Tss. Anyway, for the meantime, since wala naman akong ibang gagawin maliban sa paghihintay ng Flare ni Nie, I'll reduce the Scales at this side.

"Ngunit... kababalik lamang ninyo mahal na Prinsesa, kailangan naming masigurado ang kaligtasan niyo. At bilang residente ng Renne, tungkulin namin na protektahan ito."

"You said it yourself I'm a Princess--"

"Pero--"

"Captain!"

Medyo tumaas ata ang boses ko dahilan upang mapaatras pa lalo ang Guard Captain. I don't mean it kaya lang, I hate it na sa tuwing may panganib na darating ay ang kaligtasan ko agad ang iniisip nila. They should think about themselves first, moreover, as their Princess, ako dapat ang pumrotekta sa kanila in times like this. Isa ito sa dahilan kung bakit ako naging Dungeon Conqueror. Ang protektahan ang mga mamamayan ng F'lenora. Though, ang totoo, ang aking Adventurous Spirit talaga ang nagdala sa akin sa iba't-ibang dungeon, siguro 3rd reason 'to.

Naaalala ko noong bata pa ako, I was reading books about captured Princesses, bawat isa sa kanila ay mga walang ginawa kundi maghintay ng magliligtas sa kanila. I know, it was an inspiring story for kids my age back then but... as a Princess myself, naiinis ako sa kanila at ayaw ko na magaya sa kanila. Leaving their fate to someone na hindi mo alam kung darating nga o hindi? Tss.. that was ridiculous.

Otherworlder: The Man in Search for his Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon