CHAPTER NINE

10.8K 252 78
                                    

PIERCE VONN'S POV

"Dito, dito na lang ako. Ihinto mo na ang bulok mong sasakyan," Nagmamadaling sabi ko habang tinatapik ang bintana ng sasakyan. Maga-alas sais na at madilim na ang paligid.

Narinig ko si Vladik na bumuntong hininga bago iliko ang ang sasakyan niya para itabi at hindi mahiging sabagal sa ibang dadaan.

Nasa harapan kami ng isang club, ELLIS ang pangalan. Aside from my friends club, isa 'to sa pinakagusto naming puntahan ni Juztuien. Kahit na may kamahalan ang mga alak at membership fee hindi matatanggi ang magandang pamamalakad ng club. Safe rin 'to dahil kung tama ang mga kwento ay isang mataas na official ang may ari.

Nang makababa ako ay lumingon ako sa kaniya, nagdadalawang isip kung deserve niya ba ang "thank you" ko o hindi. Pero bago pa man bumuka ang bibig ko ay nauna na siyang nagsalita.

"I need you at 7 am sharp tommorow so don't drink to much," he said.

"7 am? I'm not free tomorrow. Uuwi ako sa bahay bukas." Hinawakan ko ang pinto ng kotse niya kung sakaling ipipilit niya ay ibabalibag ko 'to pasarado.

Pinapauwi ako ni Mommy bukas dahil may kailangan pagusapan sa umaga at sa hapon naman ay sasama ako sa paghatid kay Juztuien sa hapon.


"Fine. The day after tomorrow then."

Maliit akong ngumuti at tumango sa kaniya bago sinarado ang pinto. Hindi na ako nagpasalamat sa paghatid niya. Hindi naman niya deserve dahil naalala ko kung paano niya pinabuhat sa akin 'yong malaking box kanina sa mall tapos in the end hindi naman niya pala bibilhin.

Don't ask me about the push cart, hindi daw kasya sabi ng gago kaya buhatin ko na lang daw habang nagiikot siya. So, dahil kailangan ko magpakabait para hindi na madagdagan ang kasunduan namin ay ginawa ko ang sinabi niya.

Kahit na seryuso ang mukha niya kanina ay alam ko sa loob niya ay humahagalpak na siya ng tawa dahil sa mukha ko kanina.

I stretched my arm before pulling out my phone from my jacket. Nararamdaman ko pa rin ang ngalay sa braso ko.

Bago ako pumasok ay tiningnan ko muna kong aling table ang ni-reserve ni Juztuien para hindi na ako magtanong pa sa mga waiter.

Dumeretso na ako sa second floor. Hindi na ako hiningan ng card ng guard dahil kilala niya na ako. Pagkarating ko sa table 45 ay nakita ko si Juztuien at ang boyfriend niya na nakatingin sa baba na punong-puno ng mga taong nagsasayaw. Nakahawak si Lawrence sa bewang niya at ang isang kamay nito ay may hawak na baso.

"Hay, kailangan pa ba talaga ako dito?" Katamtamang lakas na sabi ko para mapalingon sila.

"Pierce!!!" Kumuwala si Juztuien sa hawak ng nobyo at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan 'yong yinugyog. "I thought hindi ka na pupunta. Usually kasi nauuna ka palagi ng 15 minutes."

"Hindi ko dala ang sasakyan ko kaya natagalan ako." Ngumiti ako ay nagangat ng tingin kay Lawrence nang maramdaman ko ang madilim niyang tingin.

He rolled his eyes on me and shift his eyes on his boyfriend. Napatanga naman ako sa inasal niya.

"Isa pang pagtataray mo sa akin, Lawrence. Masisiguro ko na hindi mo makakasama si Juztuien bukas." Pabirong pagbabanta ko na tila seneryuso naman ni Lawrence at binigyan ako ng masamang tingin.

"Piss off, Rogan."

"Why? Not so confident na ikaw pipilian ng bestfriend ko?" I keep mocking him.

"Habuh-buh. Enough you two. Babe, Pierce is just joking. Of course I'll come with you." Paga-assure nito sa boyfriend niya.

CHAIN YOU UP IN MY ARMS | BxBWhere stories live. Discover now