Kabanata 1
"Hestia, gumising ka na!"
Pumalatak pa ako bago ibukas ang mga mata. Nag-inat ako saglit bago tumingin sa katabi kong si Kyline.
"Bababa na ako diyan sa Walter. Ikaw ba?"
"Bababa na rin."
Sumabay lang ako sa kaniya sa pag-co-commute papunta sa Nueva Ecija dahil ayokong magmaneho. Maganda gandang desisyon din dahil nakatulog ako sa biyahe kahit papaano. Kung magmamaneho ako, siyempre, hindi puwede.
Nang huminto ang bus sa tapat ng Walter Mart ay magkasabay kaming bumaba ni Kyline. Pupunta ako sa bahay at kung saan man ako dadalhin ng paa ko. Gusto ko lang makapag isip-isip dahil gulat pa rin ako sa nakita ko kanina.
"Oh, paano 'yan? Una na ako, 'te. May trabaho pa ako."
Tumango lang ako sa sinabi niya. I waved my hands goodbye. Naiwan naman ako mag-isa kaya naman hindi na rin ako nagsayang pa ng oras at nagsimula nang maglakad lakad. Nababaliw na siguro ako dahil imbes na nagpa-iwan sa bus, pinagod ko lang ang sarili ko.
Kaunti lang naman ang layo ng lalakarin ko para makahanap ng tricycle na makakapaghatid sa akin papunta sa amin. Para na rin magkaroon ako ng alone time, pinagtiyagaan ko na ring maglakad.
The sky was clear blue. Maya maya lamang ay lulubog na ang araw. Parang kanina lang, namasdan ko ang pagsikat niyan. Napakabilis talaga ng oras.
Nag-commute ako pauwi sa bahay namin. Hindi ko alam kung anong aabutan ko roon pero uuwi na rin ako bukas o sa isang araw. Wala akong dalang gamit. Nang makita ko si Kyline kanina na pasakay na sa bus at pauwi, sumabay ako kahit na hindi ko alam kung anong gagawin ko.
O baka... gusto ko lang bumalik kahit saglit. Gusto ko lang balikan ang mga alaala mula sa nakaraan at ito ang tanging paraan.
Pagkarating sa amin, nagbayad ako sa driver ng tricycle bago tumuloy sa bahay. I sighed as my eyes landed on the rusty gate. With the key I kept on my wallet, I opened the gate.
Luma na ang bahay namin. Matagal na akong nakatira sa Manila kaya naman madalang ko na ring madalaw ito. Saka lamang ako umuuwi kapag may espesyal na okasyon.
At saka... iba na rin talaga sa pakiramdam kapag walang kasama. Simula nang mawala si Tatay, wala na akong balak pang tumira rito. Pero nangako naman ako sa kaniyang aalagaan ko pa rin ang bahay. Kaya nga lang, mukhang hindi matutupad ang pangako ko sa kaniyang pupunuin ko muli ng saya ang bahay na 'to dahil gagawa ako ng masayang pamilya.
Sa harap ng bahay, may puno ng bayabas na madalas kong inaakyat noong bata pa ako. Madalas akong paluuin ni Lola kapag tumatakas ako sa pagtulog sa tanghali at umaakyat sa punong ito para hindi makita.
Nakakalungkot lang na ngayon, parang gusto ko na lamang matulog habang buhay. Kung pwede lang kuhanin ko ang mga oras na ginagamit ko dati para tumakas sa pagtulog, gagawin ko para makapagpahinga. Pero... oo nga pala. Ang lahat ng nararamdaman ko ngayon ay hindi na maidadaan sa simpleng pahinga o pagtulog lang.
Ibang uri na ang pagod na 'to. Hindi na kayang alisin ng tulog ang ganitong klase ng pagod.
I opened the door and entered the house with a heavy heart. Hindi na katulad ng dati, wala nang sumasalubong sa akin pagpasok ko. Wala nang yakap na naghihintay sa akin sa loob. Wala nang ngiting sasalubong sa akin dahil wala na sila. Dahil ngayon, ako nalang mag-isa
BINABASA MO ANG
Forget Me Not
RomanceIn need of a subject for her last art before heading off to Japan, Hestia Cornejo tries to discover the world until the fate leads her to her old hometown where she meets her ex-lover again, Isiah Fabregaz.