Kabanata 9
"Hestia, wait lang! Huwag ka munang aalis! Hintayin mo ako!"
Nilingon ko si Isiah na tumatakbo papunta sa akin. Natatawa ako dahil madaling madali siya, natatakot na mauna ako papunta sa dagat dahil baka raw mapahamak ako.
Nasa beach kami. Kasama ko ang mga pinsan ni Isiah na si Gideon at Reuben at ang kaniyang kapatid na si Olivia. Bakasyon kasi. Mainit kaya napag-isipan naming mag-outing.
May kasama naman kaming matatanda na titingin sa amin habang nandito kami. Mga trabahador sila sa mansion. Ang isa ay ang driver namin at ang isa ay katulong na naghanda ng mga pagkain namin. Hindi kasi kami pwedeng magpunta na kami lang dito. Buti nga ay pinayagan kami ng mga magulang namin na makaalis. Ang layo rin ng La Union mula sa Nueva Ecija.
Isinasayaw ng hangin ang nakalugay na mahaba kong buhok. Natakpan nito ang paningin ko habang hinihintay ko si Isiah na makalapit sa akin. Maingat kong sinikop iyon.
Nang makalapit na si Isiah, sabay kaming nagpunta sa dalampasigan. Talagang sabik na sabik na kaming maligo dahil sa sobrang init ng panahon. Tag-init na naman kasi at mabuti nga ay bakasyon kaya marami kaming oras para magbonding.
At dahil nga bakasyon, umuwi si Olivia na sa Maynila nag-aaral. Tapos na ang 3rd year namin kaya sa darating na pasukan sa June, 4th year na kami at graduating.
Excited na ako pero at the same time, natatakot din. Gagraduate na ako? Paano na sa college? Ano na ang mangyayari sa akin? Anong program ang kukuhanin ko? Kakayanin ko kaya?
Maraming tanong ngunit isinawalang bahala ko muna iyon sa ngayon. Sa ibang araw ko nalang siguro iyon pag-iisipan. Marami pa namang oras... At alam kong wala akong dapat ikatakot. Kayang kaya ko 'to.
Nilubog namin ang aming mga katawan sa dagat. Tuwang tuwa naman si Isiah habang sinasabuyan ako ng tubig kaya gumanti rin ako!
"'Di nag-aaya! Sali kami!" Mula sa malayo, rinig ko ang sigaw ni Olivia. Mabilis siyang kumaripas ng takbo papunta sa amin kasunod ang dalawang pinsan.
Hindi na tuloy ako makatakbo at makaganti dahil inatake na rin kami ng tatlo. Sinusubukan kong depensahan ang sarili pero patuloy sila sa pagsaboy ng tubig sa akin!
Natawa ako nang bigla akong harangan ni Isiah, dahilan upang siya lamang ang mabasa ng tubig ng tatlo. Tawa naman nang tawa si Olivia habang inaatake ang kapatid niya.
"Madaya! Bawal ganyan!" Sigaw ni Gideon dahil sa ginawa ni Isiah.
"Mga anak! Halina kayo rito at kakain na!"
Natigil kami sa aming paglalaro nang tawagin kami ni Manang Teresa upang mananghalian. Mabilis kaming sumunod sa kaniya at nagpunta sa cottage namin.
Ang daming pagkain! Kung ano ano ang nakahain sa mesa! May seafoods, fried chicken, crispy pata, adobo, fish fillet, at kung ano ano pang mga prutas at iba't ibang panghimagas. Napapalakpak pa si Olivia nang makitang nakahain ang favorite niyang fruit salad.
"Thank you, Manang! You're the best!"
"Siya't sige na, magsimula na kayong kumain."
"E kayo po?" Tanong ni Isiah sa kaniya.
"May nakatabi na para sa amin, huwag kayong mag-alala. Mamaya ay kakain na rin kami ni Gabo."
Talagang maalalahanin si Isiah. Oo at mayaman siya at kung tutuusin ay pwedeng sarili nalang niya ang isipin niya pero hindi. Mabait siya sa kahit kanino. Maayos talaga siyang pinalaki ni Tito Isagani.
Nagsimula na kaming kumain. Ang tatlo, si Reuben, Gideon, at Olivia, kahit na kumakain ay patuloy pa rin sa pagsasalita. Marami silang plano para ngayong araw. Hanggang bukas pa kasi kami rito ng hapon.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not
RomanceIn need of a subject for her last art before heading off to Japan, Hestia Cornejo tries to discover the world until the fate leads her to her old hometown where she meets her ex-lover again, Isiah Fabregaz.