Kabanata 11
"Hanggang kailan mo 'yan titiisin?"
Bahagya akong nagulat nang biglang sumulpot si Francis sa gilid ko. Tiningnan ko siya nang masama at humalukipkip.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hanggang kailan mo kako matitiis si Isiah. Ang tagal niyo nang di nag-uusap, ah?"
"Hangga't kaya ko..."
Magbuhat nang mangyari iyon, hindi na kami nag-usap ni Isiah. Mula noong tumakbo ako papasok sa loob ng bahay namin dahil hindi ko alam ang isasagot sa kaniya, hindi ko na alam kung paano pa ang gagawin ko kapag kaharap siya.
Ginagawa ko naman ang lahat para maiwasan siya. Sa school, kapag magkakasalubong ay lumiliko ako para umiba ng dadaanan. Hindi rin ako umaattend ng mga celebrations sa mansion nila kahit na anong pilit sa akin ni Tatay. Kung ano anong pagdadahilan nalang ang ginagawa ko dahil ayokong makaharap siya.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang umiwas. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito. Hindi ko naman sinasabing ayaw ko kay Isiah at ayokong gusto niya ako pero... Hindi ko maipaliwanag! Kinakabahan lang ako. At natatakot din.
Pero may kung ano sa loob ko na kahit di kami nagpapansinan, masaya akong nalaman kong gusto niya ako. Gusto ako ni Isiah? Sinabi niya nang diretso sa akin. Kaso, ano na mangyayari pagkatapos nito? Ganito nalang talaga? Mag-iiwasan nalang talaga kami habang buhay? Sumasakit ang damdamin ko kapag iniisip iyon.
"Parang ang tigas naman ng loob mo niyan, Hestia. Don't leave the person hanging and questioning himself. Sabihin mo sa kaniya kung may pag-asa ba siya o hanggang kaibigan lang talaga."
Hindi ko naman talaga alam kung ako ang tatanungin niyan. Hindi ako sigurado kung gusto ko ba siya o ano. Hindi naman kasi ako sanay rito. Pero ano nga ba 'tong kabang nararamdaman ko kapag nariyan siya? Iyong pakiramdam na gusto ko nalang palagi siyang makita. Iyong kapag kasama ko siya, parang palaging kami lang dalawa. Tapos kapag naiisip ko siya, hindi ko maiwasang mapangiti.
Gusto ko lang din mag-isip isip. Hinihintay ko pa ang tamang pagkakataon para kausapin siya nang masinsinan tungkol doon. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. At gusto ko ring makita kung talaga bang gusto niya ako o nasanay lang siyang lagi akong nandito.
"Baka naman masiyado lang siyang depende sa presensiya ko? Baka sanay lang siyang nandito ako. Baka hindi niya naman talaga ako gusto," sambit ko at muling tiningnan si Isiah na nasa ibaba. Nasa harapan kami ng room, sa third floor kaya naman malaya ko siyang natitingnan kahit sa malayo nang hindi niya namamalayan.
"Pwede mo naman siyang tanungin. At saka, sasabihin niya ba 'yon, kung ganoon? Aakto ba siyang ganoon kung hindi ka niya gusto? Ang tagal niyo na ring nagkakasama, Hestia. Manhid ka lang yata. Ikaw nalang yata ang hindi nakakapansin."
"Ng?"
"Halata naman talagang gusto ka niya. Hindi nga halatang magkaibigan kayo, sa totoo lang. Hindi na rin tuloy ako nagulat noong sinabi mong umamin siya."
Nagbuntong hininga ako at napasapo na lamang sa noo. "Hindi ko na talaga alam kung paano ang gagawin ko, Francis. Nagiguilty akong hindi ko siya pinapansin."
"Huwag mong madaliing intindihin ang sarili mo pero huwag din sanang umabot na huli na ang lahat kapag nakausap mo siya."
Nagtaka ako sa sinabi ni Francis. "Anong ibig mong sabihin?"
Ngumiti siya at tiningan muli si Isiah na nasa ibaba. Nasa harap siya ng flag pole, nakatayo at kausap si Kenneth nang makita kong lumapit sa kaniya si Sophie.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not
RomanceIn need of a subject for her last art before heading off to Japan, Hestia Cornejo tries to discover the world until the fate leads her to her old hometown where she meets her ex-lover again, Isiah Fabregaz.