Kabanata 6

1 1 0
                                    

Kabanata 6

"Oy, Hestia! Hindi ka pa talaga nakakausap ni Patricio, 'no? Ang torpe no'n! Sabi liligawan ka raw tapos hindi naman pala nagfifirst move."

Nilingon ko si Pat. Nag-a-arrange ako ng mga lapis ko sa loob ng music room nang bigla niyang sabihin iyon. Kumunot naman ang noo ko, napatagil din sa ginagawa. Samantala, ang katabi ko na si Isiah na naglelecture ay napatigil din sa pagsusulat.

"Wala naman akong balita roon..." tugon ko.

"Sabagay... magkalayo din kasi ang classroom niyo. Pero lagi kang sinisilayan no'n!"

"Totoo? Liligawan si Hestia?" aliw na aliw na tanong ni Reuben.

"Siguro. Ang gulo, e! Natotorpe rin siguro 'yon."

Narinig ko ang ilang pang-aasar ni Reu. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Classmate ko 'yon," saad ni Kenneth. "Lagi ngang nagpupunta ng ibang direksyon kahit na mas malapit lang ang doon sa hallway ng mga 3rd year. Siyempre, para lang masilayan si Hestia..."

Natawa si Pat. "Sabi ko naman sa'yo Hestia, e! Pero ayos na muna 'yang ganiyan. Aba, kahit kapatid ko siya, kailangan maghirap muna siya sa'yo. 'Yung mga ganiyang klaseng ganda, hindi agad agad nakukuha!"

"Pero kapag niligawan ka, papayagan mo?" tanong ni Reu.

Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay. "Depende..." Bumuntong hininga ako, hindi alam ang isasagot. "Oo, depende."

Depende pa rin iyon kasi puwede pang mabago ang tingin ko sa kaniya. Baka naman puwede kong bigyan ng chance? May pinagsamahan naman kami noon. At saka, hindi rin puwedeng si Isiah nalang lagi ang kasama ko. Baka magkagirlfriend na rin siya... tapos maiwan ako.

I mean... basta hindi ko maipaliwanag. May pakiramdam ako na kailangan ko rin siyang layuan. Kailangan kong lumayo bago pa may kumalat...

Palapit na ang pagtatapos ng ikalawang baitang namin. Dahil next year pa ang Battle of the Bands, naging abala sila o kaming lahat sa paggawa nito. Hindi ko rin classmate si Isiah kaya madalang ko nalang siyang kinikita. Kapag lunch break, ako nalang muna kakong mag-isa dahil may kailangan akong gawin. Pero hindi siya nagpapatalo dahil dinadalhan niya pa ako ng lunch papunta sa classroom namin kahit na kaya ko namang bumiling mag-isa.

Kaso, napapansin kong tahimik siya. Dalawang araw na ang nakalipas. Hindi nga ako mapalagay kaya nang magkasalubong kami papunta sa canteen dahil bibili ako ng tubig, sinabi ko sa kaniya na sasabay ako sa kaniyang umuwi. Pumayag naman siya at... wala nang sinabi.

Nagsubmit muna ako sa faculty ng mga paper works ko bago kuhanin ang bag sa classroom. May ilang bumabati sa akin na kaclose ko noon pero pangiti ngiti nalang ako sa kanila ngayon.

Kaunting araw nalang ang igugugol at last day na ng eskwela. Talagang kailangan lang naming magpass nang magpass ng mga activities para okay na ang grades namin. Samantala, nagawa ko naman na kahapon ang mga kailangan kong gawin sa linggong 'to kaya wala na akong dapat problemahin kundi ang magpahinga dahil kulang na kulang ako sa tulog.

Umayos ako ng upo habang naghihintay sa waiting shed sa labas. Nang makita ko siya na naghahanap din ang mga kung saan, mabilis ko siyang tinawag. Lumabas ako at lumapit sa kaniya, may ngiti sa labi.

Nagsimula kaming maglakad, nagkukuwento naman ako sa kaniya ng tungkol sa mga performance tasks namin na natapos ko na. Tahimik siyang nakikinig at paminsan minsan ay ngumingiti sa sinasabi ko.

Habang binabagtas ang daan pauwi, nagkaroon din ako ng pagkakataon na tanungin siya kung bakit ang tahimik niya nitong nakaraang mga araw. Nagpunta muna ako sa left side niya para matanong siya nang maayos.

Forget Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon