Chapter Eight - The Promise

3.2K 117 0
                                    

I

MAY mabining hangin ang humahampas sa mukha at buong katawan ni Ella. Mas naging kalmado din ang tunog ng lagaslag ng tubig. Nakakahinga na rin siya ng maayos. Na para bang nakaahon na siya mula sa pagkalunod. May nararamdaman din si Ella na init na humahaplos sa mukha at buong katawan niya. May huni rin ng mga ibon at mga kulisap.

It felt like it was morning.


Dahan-dahang iminulat ni Ella ang mga mata. Nasa kakahuyan siya, ilang metro mula sa ilog. Sa mismong kakahuyan kung saan siya naglakad-lakad bago siya napunta sa nakaraan.

Biglang nagpanic si Ella. Nakabalik na ba siya sa sarili niyang panahon?


Sa naisip agad na niyuko ni Ella ang sarili. At nakahinga ng maluwag nang makitang bata pa rin ang katawan niya. Nasa nakaraan pa rin siya.


Subalit hindi na naman alam ni Ella kung anong araw siya napunta. Ang alam lang ni Ella pamilyar sa kaniya ang araw na iyon. Sigurado siya na nangyari talaga iyon sa nakaraan. Katulad noong gabing iyon sa sementeryo kung saan hinawakan ni Ken ang kaniyang kamay.

 Natigilan si Ella nang bigla niyang naalala na palagi siyang nagtutungo sa lugar na iyon. Partikular sa ilog. And she knew she's meeting someone there.


Sa naisip ay sumikdo ang puso ni Ella. Nagsimulang maglakad si Ella palapit sa direksyon ng ilog. Nakapagtataka na kanina lamang – o ilang araw o linggo ang nakararaan? Hindi na niya alam dahil tumalon siya sa panahon – habang nasa ilog sila ni Ken takot na takot pa si Ella. After all, may dahilan ang takot ni Ella. Dahilan na pilit niyang pinapalis sa kaniyang isip.


Subalit ngayon, habang papalapit si Ella doon pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya sa magkahalong antisipasyon at tuwa. Katunayan tila kusang bumibilis ang mga hakbang ni Ella. Na naging takbo. Ang pagkasabik na nararamdaman niya ay mas nakahihigit sa takot na nadarama niya.


Nang marating ni Ella ang ilog nahigit niya ang paghinga. Hindi lamang siya sinalubong ng malakas na tunog niyon kung hindi maging ng kagandahan ng ilog. Katulad noong nagtungo sila roong magkakaklase para sa kaarawan  ni Warren. Malinaw ang tubig na umaagos at may ilang isda pa ngang nahagip ng tingin si Ella na tumatalon sa batuhan. Sinundan niya ng tingin iyon hanggang sa kabundukan kung saan nangagaling ang tubig na iyon. Pagkatapos pabalik ulit, hanggang malipat ang tingin ni Ella mula sa ilog patungo sa malaking puno sa di kalayuan at sa binatilyong nakaupo sa ilalim niyon at tila abala sa kung anong ginagawa nito sa sketchpad na nasa mga hita nito.

Si Ken!


            Tila narinig ni Ken ang pagtawag ni Ella kahit hindi naman niya ibinuka ang mga labi. Huminto si Ken sa ginagawa at nag-angat ng tingin. Nagtama ang mga mata nila. Nahigit ni Ella ang paghinga nang magliwanag ang mga mata ni Ken at matamis na ngumiti.


            "Kanina pa kita hinihintay, Ella."


            Humangin ng malakas. At rumagasa sa buong katawan ni Ella ang pamilyar na pagdaloy ng mga alaala, pinupuno siya ng memorya ng mga araw sa pagitan ng gabing iyon sa sementeryo at sa sandaling iyon. Parang jigsaw puzzle na unti-unting nabubuo. Para bang nangyayari ang lahat ng eksena sa mismong harapan ni Ella. It was overwhelming. It was intoxicating.

Back In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon