♛ Chapter 4

261 18 2
                                    


o| CHAPTER 4

Mga bandang 2:45 ng umaga natapos ang shift ko sa Lindy's Cafe.

On the way na ako sa bahay nang napansin kong maraming taong nakapalibot sa bahay nina Mang Erwin. Agad akong nakaramdam ng takot ng mapansin ko ang mga nakaparadang patrol sa gilid ng bahay nila.

Mabait si Mang Erwin sa akin yun nga lang maldita yung napangasawa niya, palagi niya akong binibigyan ng pagkain sa tuwing di ako nakapagluto sa bahay, parang ama na rin ang turing ko sakanya, di lang siya mabait kundi napakamasayahin niya rin.

Kaya nga lang ay may sakit siya ngayon, minsan lang ako makadalaw dahil sa asawa niyang dragon o di kaya sa trabaho ko. May anak rin nga pala sila ngayon mga 1 year old na siguro. She's Dolly, sobrang cute nun at minsan lamang umiiyak.

"Naku, kawawa naman sina Aling Trinidad at Mang Erwin!" wika nung isang babae sa kasama niya, bigla akong kinabahan dun. Bakit, may nangyari ba?

"Haay, mas nakakaawa yung anak nila no! Sino na ang mag-aalaga dun? Balita ko wala ng kamaganak ang batang yun!" Bulyaw ng isa sa kasama niya

"Hindi pa alam ng pulisya kung sino talaga ang may gawa nun, pero tiyak ako na ang killer na iyon ang may pakana nito. aba? Sino pa ba ang gagawa nito diba? Isang karumal-dumal ang ginawa nun! at talagang nilagay pa niya talaga sa crib ang ulo ng mag-asawa" Hiyaw nung isa, at dun tumindig ang balahibo ko, Hindi ko namalayan ay dahan dahang pumatak ang mga luha sa mata ko. Napaka walangya talaga ng killer na yun!

Agad na lumapit ako sa mga police,

"Uhm. Sir, nasaan na po yung bata?" Tanong ko sakanila sabay punas ng mga luha ko sa mukha ko, kahit na hindi kami mag kadugo ni mang erwin ay sobrang napamahal ako sakanila.

"Miss, kaano-ano mo ba sila?" Balik tanong sa akin ng mama.

"Uhmm. Kamag-anak po ako nila" Pag sisinungaling ko, ayaw kong mapunta ang bata sa bahay ampunan, ayaw kong mangyari din sa kanya ang nangyari noon sa akin.

"Miss, wag kang mag-aalala. Nasa hospital na siya ngayon, chinicheck-up if meron siyang bali o anumang sugat na nanatamo." wika niya, kaya napatango ako doon. Mabuti naman at walang masama ang nangyari sakanya.

"Kukunin mo ba siya miss?" Natigilan ako dun, kukunin ko ba siya? pero... mahirap lang ako. kasya lang sa dalawang tao yung allowance ko. Saka yung perang naiwan ni tita Dacy sa akin ay para yun kay Kidd, maliit lang yun pero magastos din yun, pang highschool at pang college niya na rin yun.

Nanlumong tinignan ko si kuya. "o..po" saad ko. ayaw ko talagang mapunta si Dolly sa bahay ampunan. Tsaka malaki din yung naitulong ni mang Erwin sa akin noong nag-sisimula pa lang ako, kaya bayad ko na rin ito sa mag-asawa.

"O sige, pwede mo nang kunin yung bata pag natapos na siyang observahan, nasa MRR hospital siya ngayon iha." wika niya, kaya umalis na ako doon ayaw kong makita ang kalagayan ni Mang Erwin. Di ko kaya na makita siya sa ganoong sitwasyon, natatakot ako. Pupuntahan ko na lang si Dolly para kunin sa hospital.


Mahirap man pero kakayanin ko ito, Hindi ako susuko.

--

After na nakuha ko si Dolly sa hospital ay dumiretso na agad kami ng bahay, mabuti na lang talaga at walang natamong sugat o bali tong bata.

"Kidd? open the door." Saad ko ng malakas para marinig iyon ng bata.

"Are you deaf or what, I know you're in there!" Bulyaw ko, alam kong nasa likod lang iyon ng pintuan at gising pa dahil palagi niya iyong ginagawa sa akin.

Don't go to sleep (Jeff the Killer fan-fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon