Lacsamana Twin #13

11 2 0
                                    

Kumakain sila ng tahimik ng mapansin ni Zei na pumasok si Kenzo kaya agad tong tumayo dahilan para magulat si Yesha at Reizhen na kasama nyang kumakain.

" Anong meron? " tanong ni Yesha kay Zei habang nakatingin sa nakatayong kaibigan.

" Reizhen, ikaw na muna ang bahalang maghatid kay Aj sa room! May kailangan lang akong gawin " sabi nya rito ng di manlang tumitingin sakanila.

" Kahit hindi mo sabihin ihaha---- Zei! " tawag nya kay Zei na agad tumakbo palabas ng Cafeteria.

" What's with her? " natatawang tanong ni Reizhen kay Yesha na nakaupo sa harap nya.

" It's her love life " nakangiting sagot ni Yesha tsaka balik sa pag kain.

" She also have a boyfriend? " gulat na tanong ni Reizhen kay Yesha.

Umiling ito tsaka lumapit ng onti kay Reizhen kahit na may lamesang nakapagitan ay lumapit din ito ng onti sakanya.

" She's creating hers " pabulong nitong sabi tsaka na sya bumalik sa pagkakaupo at tumawa.

Napailing naman sa pagtataka si reizhen sa sinabi ni Yesha.

--------

Nakita ni Zei na lumabas agad ng Cafeteria si Kenzo kaya nagmamadali rin syang lumabas at sinundan lang ito hanggang sa makapunta sila sa Library.

Agad syang umupo sa katabing bakanteng upuan  tsaka paharap na nag pangalumbaba kay Kenzo.
Di naman sya pinapansin nito at patuloy parin sa pagbabasa ng libro.

Tumayo ito at lumapit sa bookshelf at nag hanap ng iba pang libro na pwedeng basahin habang sinusundan lang sya ni Zei na parang Tuta na sumusunod sa amo nya.

Huminto si Kenzo sa isang shelf sa dulo tsaka ito humarap kay Zei.

" what? " walang expression nyang tanong kay zei habang si Zei naman any nakatingin lang sakanya habang nasa likod ang dalawang kamay.
Ibinaling nya ng kaliwa't kanan at likod ang ulo para icheck kung may ibang tao ngunit sila lang ang nandito sa dulo.

Wala talagang ganong tao sa Library nila pero para maka make sure na walang makakarinig ay chineck nya parin.

Lumakad sya papalapit kay Kenzo habang di naman natinag sa pwesto nya si Kenzo na nakapamulsa ang dalawang kamay.

Sobrang lapit nya rito at konti nalang ay magdidikit na ang mga labi nila dali nagtingkayad din sya upang matignan ng mas malapit ang mata ni kenzo.

Humakbang palikod ng isa si Kenzo dahilan para mawala sa balanse si Zei at mapaabante ito, buti nalang ay na ittukod nya ang kanang kamay sa Pader na nasa likuran ni Kenzo.

Nanlaki ang mata nya ng marealize ang posisyon nila ngayon dali nakahawak ang kanang kamay ni kenzo sa beywang nya habang napapagitnaan ito ni Zei at ng pader.
Habang nakatukod ang kanang kamay ni Zei sa pader ay nakahawak naman sa dibdib ni Kenzo ang kaliwa nito.

" Are you done? " nabalik sa ulirat si Zei ng magsalita si Kenzo at agad sanang aalis sa ganung pwesto ngunit pahampas nyang itinukod ulit ang kanan nyang kamay tsaka sya tumitig kay Kenzo.

" Do you have a girlfriend? " matapang nyang tanong.

Naramdaman nyang inalis ni Kenzo ang kamay nito na nakahawak sa beywang nya tsaka nito binalik sa bulsa ang magkabilang kamay at bumawi ng titig sakanya.

" I'm asking you if you have a gi---- " napapikit sya ng biglang inilapit ni Kenzo ang mukha nito sa mukha nya. Itinabingi nya kasi ang ulo nya habang mabilis nyang inilapit ang mukha nya kaya akala ni Zei ay hahalikan sya nito.

" Don't provoke me " napadilat ito ng mata ng marinig at maramdaman na umalis sa pwesto nya si Kenzo, at sya naman ay nabato lang sa kinatatayuan nya habang ganun parin ang pwesto.

Rinig na rinig nya ang mabilis na kabog ng puso nya na kanina pa gustong kumawala dahil sa nangyare.

Ang bango nya.....

Paulit-ulit na sinasabi ng utak nya.

Inihawak nya ang kaliwang kamay sa dibdib tsaka sya huminga ng malalim habang ang kanan nya namang kamay na nakatukod parin sa pader ay ini-ikom nya.

" I don't " nagulat sya ng may bumulong sakanya mula sa likod dahilan para mapaharap sya rito.

Nakita nya sa harap nya si Kenzo na nakatitig sakanya habang sya naman ay nakasandal sa pader na kanina ay tinutukuran nya.

" huh? " tanong nya kay Kenzo na nakatitig parin sakanya.

" I said i don't have one " sabi nya kay Zei tsaka ito umiwas ng tingin dito at tumalikod.

" don't do that again " sabi nito tsaka sya umalis at iniwan si Zei sa ganung pwesto.
Napa slide ng upo si Zei dahil nanlambot ang mga tuhod nya sa nangyari.

Ilang beses syang huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili bago sya tumayo.

Wala sya sa sariling lumakad papalabas ng Library habang sinundan lang sya ni Kenzo ng tingin hanggang sa makalabas sya rito.

Nang magsara ang pinto ay huminto sya saglit sabay takip ng mukha at takbo papunta sa room nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lacsamana Twins [onhold]Where stories live. Discover now