Lumalakas na yung hangin, kayanaman na papadilat ang mata ko, ang sarap sarap ng higa ko dito tapos dahil sa malakas ang hangin magigising ako, kung pwede lang utusan ang hangin na wag masyadong malakas ang paghangin nito uutusan ko talaga eh.
Hindi ko lang napapansin na uulan pala, kaya pala malakas ang paghangin, nang dumilat ako, medyo malabo na ang nakikita ko, siguro ito na yung sinasabi nang doctor kong si Dra. Remita.
Pero kaagad ko namang nakita nang malinaw ang paligid, nakahiga pa ang ulo ko sa lamesa nang bench nato. Nakikita ko sa harapan ko may nakatayong lalaki, limang hakbang papalayo sa akin.
Kilala ko yung lalaki, oo sya yung nabunggo ko kaninang maaga. Pero nag madali syang tumakbo papalayo sa akin, nakatayo lang sya sa harapan ko at nakatingin lang sa akin, parang may hawak sya sa likod nya, pero natago nya nayun nung tumakbo sya, naramdaman ko na lang na umaambon na pala. Na patayo ako at kinuha ko yung panyo ko sa tabi ko, at tumakbo na ako pabalik sa greenhouse, hapon na pala, ang haba ko naman na katulog.
Nang makarating ako sa greenhouse, sinalubong kaagad ako ni Paula, wala din yung mga bodyguards ko.
"Wala yung mga bodyguards mo, nang dumating kami na wala ka, nagsimula na kaagad silang maghanap sayo, ang cool talaga nang secrete place mo ha!" Sabay napangite sya at inakbayan ako.
Papasok na kami sa greenhouse, nang napatigil sya sa paglalakad kaya naman nabasa na ako nang malakas na ulan.
"Bakit?" Tanong ko at kaagad akong lumapit sa kanya.
" Mia.... punta tayong National Library.." pabulong na sabi nya sa akin.
Natuwa naman ako sa sinabi nya kaso bakit naman kami pupunta doon?
"Bakit?"
"May mga bagong libro ang natuklasan sa probisya nang Kulifa sa tagong kweba... sikreto langto pero dahil malakas ang wifi ko, nalaman ko, kakaiba daw ang libro na to, ordinaryo lang daw ang mga letrang ginamit pero.. kakaiba talaga.... gusto mong pumunta ngayon, ngayun nila dinisplay.. kayanaman maamoy mo pa ang amoy nang tagong kweba.." masaya nyang balita sa akin. Nakangite pa sya na abot tenga.
"Siryoso ka?" Gusto ko din kasi kaso paano ko naman mababasa ang loob kung nakadisplay lang...
"Oo naman, habang wala pa yung mga body guards mo.. lika na..."
"Sige" at napangite ako, tumakbo kami ni Paula paalis nang school, at mag cocomute lang kami.
First time in my life walang bodyguards at comute lang kami
Sumakay kami nang bus na padiretso nang school, sa labas nang school, walang nakakkilala sa akin, hindi nila ako kilala bilang anak nang pinaka mayamang tao. Kilala lang nila ako bilang ordinaryong bata.
Yess!!!! Walang sagabal.. makakagala narin ako....
Nakapunta kami sa National Library, sarado kasi may nilalagay sila na bagong room para sa bagong tuklas na libro.
"Paano yan sarado naman" tanong ko sa kanya.
"Its ok. Meron akong gate pass. Kahit nakasarado pato papapasukin nila tayo." Sabay ngiti nya sa akin, na masama ang binabalak.
Nang binuksan ni Paula yung pinto, may humarang sa aming babae na mukhang suplada.
"No visitors, while the National Library is closed" suplada nya, tama nga ako, suplada nga sya.
Kinuha ni Paula yung gate pass nya at pinakita doon sa babae.
"Maam Paula Froze...? Sorry po at bawal daw po kayong pumasok sabi nang mommy nyo." Sabi nung babae.
BINABASA MO ANG
My Book Shelves
Fantasyisang sobrang mayaman na batang babae ang nagsasawa na sabuhay nya, kaya naman magbabago ang kanyang istorya.