V. Munting Tahanan

60 5 0
                                    

Nagmamadaling pumasok sa kanilang gate si Klay. Nakahiram s'ya kay Sofia ng damit at pamasahe pauwi. Kinakailangan n'ya na rin umuwi dahil labis labis na ang pagkasabik n'yang muling makita ang kanyang ina at kapatid. Ibinilin n'ya muna kay Sofia sina Fidel at Maria Clara gayun din ay nagbilin s'ya ng paalala sa dalawang kaibigan na huwag na huwag silang lalabas ng bahay hanggat hindi s'ya nakakabalik.

"Ma? Elias?" tawag n'ya sa ina at kapatid kahit nasa may pinto pa lang s'ya. Alam n'yang Sabado ngayon at wala ring pasok ang kapatid n'yang si Elias.

"Hoy! Maria Clara Infantes! Saan ka nanggaling at ngayon ka lang umuwi? " pilît na pagtataray ng kanyang ina mula sa kusina.

"Ma..ikaw nga" sinalubong ni Klay ng yakap ang ina habang umiiyak, "sorry po kung hindi ako nakapagpaalam."

"Ate, parang ang tagal tagal mo pong di nakita si Mama.." sabat naman ni Elias na kalalabas lang ng kwarto.

"Elias..Kapatid ko.." umiiyak pa rin, sunod na niyakap ni Klay nang mahigpit ang nagtataka n'yang kapatid.

"Teka ngang bata ka, saan ka galing, ha? Ba't di ka nagpapaalam? Saka kaninong damit 'yang suot mo?" nakapamewang na tanong ng kanyang ina.

"Ano po kase.. Uhm.. Sumali ako sa theatre tapos may practice kami ngayon, actually maghapon yung practice namin pag weekend. Umuwi lang ako para kumuha ng damit saka maligo." pagsisinungaling ni Klay sa kanila habang pinupunasan ang mga luha.

Labag man sa kalooban n'yang gawin ay kailangan n'yang pagtakpan ang totoong dahilan ng kanyang pag alis mula kagabi hanggang s mga susunod na araw habang nasa mundo pa n'ya ang dalawa.

"Bakit hindi ka man lang nagpaalam? Kaya ba hindi ka nagsabi dahil nagtatampo ka dahil nagtalo tayo?" naupo sa tabi n'ya ang ina, "galit ka pa rin ba sa akin, anak?"

"Nagtalo po tayo?" agad n'yang inalala ang huling nangyari bago s'ya mapasok sa Noli, "a.. Hindi po. Wala po akong sama ng loob sa inyo. Ano lang po kase.. Maaga ang call time namin kanina kaya hindi na ako nakapagpaalam kase late na po ako sa practice. Mga 4am pa lang umalis na po ako kanina. Naiwan ko pa nga cellphone ko.." paliwanag n'ya sa ina na tila'y nakukumbinsi n'ya na.

" paliwanag n'ya sa ina na tila'y nakukumbinsi n'ya na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---

Laking gulat ni Klay nang makitang nadagdagan ang laman ng kanyang bank account

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Laking gulat ni Klay nang makitang nadagdagan ang laman ng kanyang bank account. Bagama't alam n'ya kung saan ito nanggaling, tiningnan n'ya pa rin ang nagpadala sa kanya.

"Papa.." hindi n'ya napansin ang text ng kanyang ama. Klay, nagsend ako ng 10k advance allowance mo. May business trip kase kami for 2 weeks. Maiksing paliwanag ng kanyang ama sa text.

Napangiti naman si Klay dahil kahit papaano ay naalala o naisip ng kanyang ama ang mga pansariling pangangailangan n'ya bukod sa pandagdag sa school miscellaneous. Saktong sakto 'to pang pasyal ko kanila Maria Clara at Fidel.. Kahit sa savings ko na lang muna ibawas. Naisip ng dalaga.

---

Yumakap sa likod ng ina si Klay. "Ma, magpahinga ka na muna." Wika n'ya habang inaakay sa mesa ng kanilang roof top ang ina, "Massage? Gusto mong massage?" pag aalok n'ya. Malambing na tango naman ang isinagot ng ina.

"Kumusta ang pag aaral mo? Baka nahihirapan ka na, anak.." Tanong nito kay Klay habang napapapikit sa ginagawang pagmasahe ng dalaga sa kanyang likod.

Napangiti si Klay sa narinig. "Ngayon pa ba ako mahihirapan,Ma? Ilang kembot na lang magmamartsa na ako."

"Wala, naisip ko lang. Baka kase nahihirapan ka na kaya ka nagbubulakbol tapos excuse mo lang yang theatre na sinasabi mo." natatawang sabi ng ina.

Normal na at kabisado na ni Klay ang paraan ng pangangamusta ng ina sa kanya. Laging may halong biro para hindi mabigat sa kanilang pag uusap. Dahilan din kung bakit madali s'yang nakakapagkwento sa ina.

Pero hindi sa pagkakataon na ito. Hindi n'ya pwedeng sabihin ang mga nangyari sa kanya sa Noli o ang pagsama nina Fidel at Maria Clara.

"Grabeng trust issue?" natatawang sagot n'ya. Hindi man totoo na nagbubulakbol s'ya pero may kirot sa kanya ang ideyang paglilihim sa ina. "Kailangan kong magampanan nang tama ang role ko sa Noli, Ma. Dahil sa teatro na 'to, ang dami kong nasaksihan. Namulat ako sa mga pangyayari. Napakarami kong realizations."

"Realizations? Tulad ng?" pang uusisa ng kanyang ina.

Narealize ko na ang lala na. Ang lala na pala ng mga nangyari sa bayang ito kahit noon pa lang. Na halos wala paring pinagbago ang bansa natin noon sa ngayon. Na mayroon pa ring inaapi dahil may mga nagpapaapi. Kaya kahit sa simple at pinakamaliit na naiisip kong paraan ngayon, gusto kong makatulong na mabago ang kwento. Ang kasaysayan.." mahabang litanya ng dalaga.

Napaisip naman ang kanyang ina sa mga narinig. "Ang lalim. Naisip mong lahat yan dahil lang sa teatro na 'yon?" sagot nito.

Muling nabalik sa kamalayan si Klay sa sinabi ng ina. Marahil ay magtaka ito sa mga malalalim na sinasabi n'ya. "Oo nga pala, Ma maya maya po aalis na ako pabalik sa studio para sa practice baka ma-late na po ako ng uwi." Pag iiba n'ya ng usapan.

"O s'ya, at least ganyan, nagpapaalam ka hindi yung bigla ka na lang mawawala't sumusulpot."

---

Matapos naman nilang mag usap na mag ina ay agad na naligo at gumayak si Klay. Inilagay sa kanyang bag ang ilang libro at laptop. Nagbaon din s'ya ng dalawang pares ng pamalit na damit. Ibinulsa n'ya na ang kanyang cellphone at akmang lalabas na ng silid nang maalala ang balak n'yang pamamasyal ngayong gabi kasama sina Fidel at Maria Clara.

Madala kaya ang make up kit ko? Nasabik naman s'ya sa naisip na ideyang lagyan ng make up si Maria Clara mamaya. Para rin magandang Klay ako pag nakita ni Fidel. "Teka? Fidel..na naman? Ano ka ba, Klay. Ikalma mo, Dzai! Ano ba!" naibulong n'ya sa sarili. Mag isa lang s'ya sa kwarto subalit namula ang kanyang pisngi nang maalala ang matamis na ngiti ng gwapong Fidel na nakapang modern clothes kanina. Hay...Fidel..

Fidel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Maria Clara at Fidel sa 21st CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon