VII. Picnic

30 3 0
                                    

7:27 pa lang ng gabi nang tingnan ni Klay ang oras. Maaga pa pala.. Marami pa siguro kaming magagawa. Naisip n'ya.

Pagkatapos nilang sumakay sa swan boat ay nag ikot ikot muna sila sa mall. Mula sa Venice Piazza kung saan may ilang upuan at kiddie rides gaya ng Merry-go-round at Kiddie train rides na kinaaliwan panoorin ni Maria Clara, dinaanan din nila ang mga hagnan na may makukulay na mural arts para makarating sa
mga kasunod pang palapag kung saan naroon ang Venice Cineplex, at ang katatapos lamang na misa ng St. Raphael Archangel chapel.

Habang tumatagal ay bahagya na ring nasasanay si Maria Clara sa ingay ng paligid. Ganun din si Fidel na kanina'y halos ayaw tumingin sa mga tao sa paligid lalo na kapag may mga nadaraanan silang naka crop top, backless o tube tops na kababaihan.

"Gutom na ba kayo?" tanong ni Klay sa kanila nang makabalik sila sa ground floor.

"Ate Klay.." bahagyang hinila ni Sofia si Klay at binulungan, "Ate, mahal po karamihan sa mga restaurant dito.."

Nangiti naman si Klay sa narinig. Tama nga si Sofia dahil aabutin kaagad sila sa mahigit kumulang limang libo kapag sa mamahaling restaurant sila kumain sa loob ng mall.

"Alam ko na kung saan tayo kakain!" nangingiting sinabi ni Klay sa kanila.

-----

Makalipas ang ilang minuto ng paghihintay ay tinawag na sa counter ang pangalan ni Klay. Agad namang kinuha ng dalaga ang inorder n'yang pagkain nila. Matapos makuha ang order ay lumabas na sila sa fast food chain.

"Bakit hindi po tayo nag dine in, Ate Klay?" pagtataka ni Sofia.

"Uhmm.. Sa labas tayo kakain, Sofie. Literal na kakain tayo sa labas.." nangingiti sagot n'ya, "gusto ko kase na memorable yung mga gabi na kasama ko sila. Yung hindi lang bumili tayo ng food tapos dun kinain tapos tapos na. Yung parang sa ordinaryong araw lang, di ba..Basta.. May alam akong park na malapit dito, pwede tayo dun kumain. Magpicnic."

Nasabik naman si Sofia sa narinig na plano ni Klay para sa hapunan nila. Hindi pa rin nararanasan ni Sofia ang mag picnic sa gitna ng syudad.

-----

Ber months na kung kaya't maraming lights display sa mga park na pwedeng pasyalan. Nakahanap naman si Klay ng maaliwalas na pwesto ng pwede nilang upuan.

Sa isang bahagi ng park kung saan katamtaman lamang ang haba ng bermuda grass at may malapit na poste ng ilaw ang napili ni Klay na kanilang pupwestuhan, may concrete bench din ilang dipa lamang ang layo mula rito.

"Game! Kain na tayo!" Masiglang pag aaya ni Klay sa kanila.

Inilatag ni Klay sa damuhan ang nahingi n'yang extra plastic at paper bag sa Jollibee sapat para maipatong rito nang maayos ang mga nabiling pagkain. Sumalampak naman sila sa damo at magsisimula na sanang kumain.

"Opssss.. Wait lang. Mag sanitize muna tayo ng kamay bago kumain para walang germs." Paalala n'ya sa mga kaibigan, "sorry pero may nursing student kayong kasama."
Iniabot n'ya naman sa kanila ang dalang hand sanitizer at wet wipes na nasa hygiene kit n'ya.

Isang 8-pc Chickenjoy bucket family meals ang inorder ni Klay na naglalaman ng chicken meal na may kasamang drinks at spaghetti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang 8-pc Chickenjoy bucket family meals ang inorder ni Klay na naglalaman ng chicken meal na may kasamang drinks at spaghetti. Sinamahan din n'ya ng dalawang bucket ng jolly crispy fries at 1 box ng 6-pc peach mango pies.

"Está delicioso, mi katukayo!" nanlalaking mata ni Maria Clara nang unang matikman ang peach mango pie matapos nilang kumain ng hapunan, "ano nga uli ang tawag sa pagkaing ito, tukayo?" nauutal na tanong n'ya habang nginunguya ang mainit init na pagkain.

"Peach mango pie ang tawag d'yan, tukayo. Para s'yang pang himagas din pagkatapos kumain. Actually dapat may coke float o sundae icecream din sa order ko kaso gabi na, baka mag alburoto ang tiyan n'yo."

"Peach mango pie este alimento se llama.. May kahawig ang kanyang lasa sa isa sa mamahaling pagkain sa Europa.. Hindi ko lamang maalala.." sabat naman ni Fidel na sarap na sarap din sa peach mango pie.

Nangingiti naman si Klay dahil sa simpleng pagkain ay tuwang tuwa na ang mga kaibigan. O diba mas nakatipid pa kami kaysa kung sa mamahaling restaurant kami kumain.. Pero in fairness, mas nakakabusog sila sa puso panoorin.. Ang sarap sa pakiramdam na makita silang masaya.

-----

Matapos nilang magpahinga pagkakain ay nag aya na si Klay maglakad papunta sa dulong bahagi ng park. Doon sila susunduin ng napabook n'yang taxi at ilang minuto lamang panigurado ay darating na ito.

Nangingiting pinagmasdan ni Klay si Maria Clara na kausap si Sofia habang naglalakad. Ang bait sigurong ate ni Maria Clara kung naging normal yung kwento ni Rizal sa Noli.. tapos may kapatid din s'ya.. Naisip ng dalaga.

"Binibini.." tawag sa kanya ni Fidel.

"Fidel.." bahagyang gulat na sagot n'ya sa binata nang tabihan s'ya nito sa paglalakad.

"Binibini.. Gusto ko lang sanang magpasalamat.."

"Magpasalamat saan?" takang sagot ni Klay.

"Sa iyong kabaitan, Binibining Klay. Sa pamamasyal at sa masasarap na pagkain" bahagyang tumigil sa paghakbang ang binata dahilan para tumigil din si Klay upang marinig ang kanya pang sasabihin, "tunay nga na ikaw ay isang anghel na hulog sa amin ng langit... Napakagandang anghel." wika ni Fidel habang nakatitig ang mapupungay n'yang mga mata sa dalaga.

Nangiti naman ang dalaga sa narinig. "Ano ka ba.. Wala 'yon, Fidel. Napakaespesyal n'yong panauhin kaya gusto ko maiparanas ko sa inyo yung saya at ginhawa sa maliit na paraan.. Saka.." hinto ng pagsasalita ng dalaga bago muling humakbang nang marahan, "pwede ba, wag mo na akong tinatawag na Binibini kapag ganitong tayong dalawa lang naman ang magkausap.."

Hindi mabura sa labi ang ngiti ng binata habang sinusundan si Klay. "Paumanhin subalit parte lamang iyon ng pagiging maginoong hombre rico na kagaya ko."

"Ayan na naman po tayo sa pag eespanyol mo sa'kin. Mas maiintindihan ko pa yan kung sa english mo na lang sasabihin.. Pero 'yun na nga, wag ka na masyadong pormal kung tayo lang naman ang nag uusap.." sagot ni Klay.

"Kung ganun, Binibining Klay.. Sasangayon ka ba kung ang itatawag ko sa'yo sa tuwing magkasama tayo ay.. 'Aking Tinatangi'? O pwede rin nama kayang 'Aking Sinisinta'.." Wika nito na bahagyang nakataas ang kilay na tila naghihintay ng pagsang ayon sa kanya ng dalaga.

Natigilan sa paglalakad si Klay. Hindi man n'ya makita ang sarili ay alam at ramdam n'ya ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa sinabi ng binata. Batid n'ya na inaasar lamang s'ya nito subalit ramdam na ramdam n'ya ang pagbilis ng kabog ng kanyang dibdib. Kaya't bago pa tuluyang mahuli ni Fidel ang pinipigilan n'yang ngiti ay hinarap n'ya na ito.

"Sinisinta sintang sinasabi mo? Baka ang sabihin mo sinisinto mo na naman ako, Fidel! Assumerong 'to! D'yan ka na nga!" kunwaring pagsusungit ni Klay sa binata kasabay nito ang paghakbang n'ya nang mabilis palayo.

"Hay Caramba! Pambihira.. Sandali, Binibining Klay! Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako-- sa aking nararamdaman" tanging nasambit ng naiiling na binata dahil nakalayo na si Klay sa kanya bago pa n'ya matapos ang sinasabi.

"Como un perro y un gato" bulong naman ng kanina pang naghihintay at nakamasid sa kanilang si Maria Clara.

-----
-----

¤ Spanish - Filipino/Tagalog ¤

Está delicioso, mi katukayo - Ang sarap nito, katukayo.
•Peach mango pie este alimento se llama - Peach mango pie pala ang tawag sa pagkaing ito.
hombre rico - Mayamang lalake
Caramba.. - Damn (dismay expression)
Como un perro y un gato - Parang mga aso't pusa.

-----
-----

Maria Clara at Fidel sa 21st CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon