OKTUBRE, 2022

15 3 0
                                    

     Sa tagal ng ating pag-uusap mas lalong lumalalim pa ang nararamdaman ko sa'yo. Pero hindi lang pag-ibig ang aking nararamdaman, kundi takot. Natatakot akong malaman mo ang aking nararamdaman at ako'y iyong lisanin ng walang pasabi. Takot na kung saan dahil sa lintek na pag-ibig ay mawala ang ating pagkakaibigan ng parang isang bula.

Darating nga talaga ang gabi ng kinakatakutan ko. Kung saan pwede magbago ang dating nakasanayan, dating sigla, o ang dating pagsasama.. Nung gabing tinanong mo ako kung sino nga ba ang natitipuhan ko, sinusubukan kong lumihis sa iyong katanungan ngunit sadyang pinanganak ka nga talagang makulit, ako'y iyong napaamin ng wala sa oras. Sinabihan na kitang baka layuan ako ng lalaking natitipuhan ko at alam kong may iba siyang gusto, ngunit sinabihan mo pa akong ipipilit natin iyon. Nais ko mang umasa sa iyong mga sinasabi kaso alam kong sinasabi mo lamang ito dahil hindi mo alam na ikaw talaga ang gusto ko at wala ng iba.

Kaba na ang nararamdaman ko nung gabing 'yon. Pero nadismaya ako nung wala ka man lang sinabi na parehas tayo ng ating nararamdaman, hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi manlang nagbago ang trato mo sa akin o masasaktan dahil wala manlang ako natanggap na sagot saiyo kung ano rin ba nararamdaman mo sa akin. Natatawa pa rin ako sa tuwing binabalikan ko ang pagpipilit mo sa akin, sinabihan mo pang bobo ang natitipuhan ko dahil lang sa pagkamanhid niya, kahit ikaw naman talaga natitipuhan ko. Nasaktan ako nung sinabi mong wala sa room ang iyong natitipuhan, tila ba nawalan ako ng pag-asa sa'yo. Kasi sino ba naman ako para piliin mo, hindi ba? Isang babaeng hindi pinalad ng kagandahan o korte ng katawan na tipo ng mga kalalakihan.

Sinubukan kitang iwasan kinabukasan dahil sa hiyang aking nararamdaman. Ang kapal ng aking mukha ay bigla na lamang nawala simula ng maganap ang pangyayaring 'yon. Akala ko hindi na muna kita makikita sa araw ng praktis ng sayaw, kaso parang sinasadya mong magpakita sa akin. Sinusulyapan lang kita ng patago, habang nakikipagtawanan ka sa mga kaibigan mo. Nung natapos ang praktis ng pagsayaw, akala ko hanggang dun na lang matatapos ang ating pagkikita ngunit hindi pa pala. Sapagkat nagkaroon ng ayaan ng inuman sa bahay ng nobyo ng aking kaibigan, at nakasama ka. Nais ko na sanang umuwi na dahil ako ay naiilang pag kasama ka, kaso wala na ako magagawa dahil hindi pa ako sanay umuwi mag-isa.

Nalaman ng mga kaibigan mo ang tungkol sa atin at sinusubukan tayong ipaglapit, umiiwas ako dahil hindi ko alam ang pwedeng sabihin o gawin. Nakainom ka pa nung pinaglalapit tayo, kaso sa lakas mo ay walang nakahila sa'yo palapit sa akin.

Nung umalis na ako, pagkadating ko sa aking kwarto ay roon ko na nilabas ang kilig na tagal kong pinipigilan. Kaso napalitan na ito ng lungkot dahil nung ilang oras na nakalipas, wala man lang ako natanggap na kahit isang mensahe na nagmumula sa'yo. Dun ko napag-isip-isip na tama nga ako, magbabago na ang pakikitungo mo sa akin. Matutulog na sana ako kaso isang tunog ang nagpawala ng antok ko, at hindi ko aakalaing nakatanggap ako ng isang mensahe sa'yo.

Nakipagkwentuhan ako sa'yo nung gabing 'yon hanggang sa napuyat tayong dalawa. Kinuwento ko sa'yo mga nararamdaman ko, sinubukan kong ibalik ulit sa dati ang kulit ko sa'yo. Pangangasar at tawa lang palagi ang natatanggap ko sa'yo sa tuwing kinukwento ko nararamdaman ko, pero ayos lang sa akin basta hinding-hindi mo 'ko iiwasan dahil lang sa gabing 'yon.

Pero sa hindi inaasahan, nung gabing sinabi mong tutulog ka na ay nanlumo ako dahil pakiramdam ko ay ayaw mo na ako kausap. Napakasaglit lang ng ating kwentuhan, siguro nga ay hindi tayo parehas ng ating nararamdaman. Masakit pero kailangan tanggapin, dahil ito ang reality.

Matutulog na sana ako kaso bigla kang nagchat, tungkol sa kaibigan mo at sa nagugustuhan nito. Nahulaan ko ang nagugustuhan ng kaibigan mo, kaya medjo napatagal ang ating pag-uusap. Ngunit bigla ko naalala ang ating kasunduan noon, tinanong kita kung sino ba talaga ang nagugustuhan mo. Dahil sa curiosity ay magdamag kitang kinukulit. Sinabihan pa kitang ayos lang kung iba ang nagugustuhan mo, titigilan na kita at babalik na ulit sa dati. Kung saan ay hanggang magkakilala na lang tayo. Pero dahil bigla kang natakot, napaamin kita bigla.

Sinabi mong ako ang nagugustuhan mo at hindi mo alam kung pano.. Unti-unting nagproseso sa utak ko ang sinabi mo hanggang sa natuwa ako sa sinabi mo.

Kasi sino ba mag aakala? Ang isang taong kagaya ko na chubby, nerd looks, and dumb ay magkakaroon ng gusto sa akin?  Tumingina ko sa kalendaryo, at oktubre 10 ito naganap. Nakaramdam ako ng paru-paro sa tyan ko.

Kinabukasan ay practice namin ng grupo ko sa school, kaso hindi nila ako sinipot kaya ikaw ang nakasama ko. First time nating kumain ng tayong dalawa lang, nakakaramdam pa ako ng hiya sa'yo pero pakiramdam ko ay mas malala sa'yo. Dahil isang babae pa ang nanlibre sa'yo, sa halip na ikaw hehe.

Ito rin ang unang beses na nayakap kita kahit hindi gaano kaayos ang yakap. Ang kapal ng mukha ko 'no? Hehehe..

Nakasama pa kita sa sm, pagkatapos natin kumain dalawa. Kasama natin mga kaibigan natin, hindi tayo masyado nagkakausap pag kasama sila dahil sa hiya.

Nagkikita tayo palihim sa rooftop ng sm, walang nakakaalam kahit sino ang tungkol sa atin dati kaso sadyang madaldal talaga mga kaibigan ko at umabot na rin sa school.

Araw-araw akong ginaganahan mag online sa account ko para lang makausap ka, kaso namimiss din kita agad kasi umaalis ka kasama mga kaibigan mo. Sinubukan kong maging busy kaso sadyang miss na talaga kita at gusto makausap.

Tanda ko pa rin kung pano tayo pilitin ng ating mga kaibigan na magkayakapan nung gabi na 'yun after ng gala na 'yun. Ang saya ko lang dahil sa confession na 'yun, dun na rin nagsimula ang lahat.

Simula ng kasiyahan at hindi mawawala ang kalungkutan..

PARA EL AMOR DE MI VIDAWhere stories live. Discover now