Magkakaharap kami ngayon sa Sala. Sa dalawang single sofa nakaupo si mang kanor at Carla habang kami naman ay sa harap nito sa mahabang sofa.
Katabi ko si Roberto na kanina pa ako sinisiksik sa gilid, walanghiya!
"Pwede ba umusog ka" bulong ko dito dahil Para syang tanga na nakakapit sa braso ko at nakayuko. Kita ko pa ang mahinang pagyugyog ng balikat nito na parang pinipigilang matawa.
Sinasabi ko na nga ba, pinagtitripan ako ng baklang toh.
Umusog naman ito konti tsaka humarap sa akin na nakapeace sign.
Mamaya ka sakin.
Agad akong napabaling sa harap namin nang marinig ko ang pagtikhim ni Mang kanor.
Kaya eto na naman ang puso ko, grabeng kaba ang nadarama. Sobrang nakakababa naman Kung tumingin itong si mang kanor, Kaya Pati buhok sa ulo eh natakot kaya sinukuan sya.
Hindi ko mahagilap ang dila ko dahil hindi ko Alam kung anong sasabihin ko, nakakamatay na katahimikan ang bumubuklod saamin ngayon.
Mukhang hindi na rin nakapagpigil si Carla at nagsalita nalang.
"P-pa maiwan ko muna kayo kukuha lang ako ng maiinom." ika nito, bago pa man sya tuluyang umalis ay nagbaling muna ito ng tingin sa akin saka ako binigyan ng isang tipid na ngiti. Na nagpapahiwatig na magiging maayos lang ang lahat.
Doon pa lamang ay parang unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Sa ngiti nya palang, nahuhulog na ako.
" Pwede na Kayong umuwi." Saad ni Mang kanor na syang ikinalaki ng mga mata ko.
Grabe naman ang matandang toh, kararating lang namin eh pinapauwi na kami agad. Hindi naman halata na ayaw nya kaming narito.
"Grabe naman kayo mang kanor, kahit painom muna Sana ng tubig bago nyo kami pa alisin." hindi ko na naiwasang magreklamo. Para naman kaseng others si mang kanor.
"He!"
Hindi na ito umimik pa hanggang sa makabalik si Carla.
"Ali, Berta pasensya na kayo Kay Papa, ganyan lang kase talaga yan pero mabait naman sya." Sabi ni Carla na agad nakapagreact sa akin.
"Wehhh?" na agad kong pinagsisihan dahil ang talim ng tingin ngayon ni Mang kanor saakin.
"Ibig kong sabihin Weh love mang kanor Kaya okay lang at tanggap namin Kung ano sya hehe diba Roberto?" sabi ko sabay yakap sa leeg ng katabi ko.
"Ah hehe opo." paubo-ubo ito nang alisin ko ang kamay sa leeg nito.
"Bakla ka! Papatayin mo ba ako? " mahinang Sabi nito na kahihimigan mo ng inis ang boses. Hindi ko sya pinansin at pinanatili ang tingin kay mang kanor. Pasalit-salit akong natingin sa dalawa.
Si Carla na nakangiti habang yung ama nito na kabaliktaran.
" Uhmm Carla? " sabi ko na tumingin muna sa ama nito na nasa akin parin ang atensyon bago ko ituloy ang pakay ko.
"Bakit?" sagot nito na hindi parin naaalis ang ngiti sa labi.
Wala nang hiya-hiya 'to.
Sasabihin ko na kahit ikamatay ko pa.
"Uuwi na kami."
"Uuwi na kami." hindi ko napigilang mapangiwi sa nasabi ko. Agad akong napatingin kay Mang kanor na may nakakaasar na tingin ngayon.
"H-huh? Ang bilis naman?" may himig pagkadismayang sagot nito. Nawala na rin ang ngiti nya.
"Ah eh k-kase iinom pa kase ng gamot si Roberto, may sakit kase sya."
Taka namang napatingin ito sa akin pati narin si Roberto.
Napalatak nalang ako isip ko, sa daming pwedeng irason o pwede namang sabihin na pinapaalis na kami ng tatay mo eh iyon pa ang naisip ko.
Binigyan ko naman ng tinging nagsasabing" makisakay ka nalang" si Roberto na agad namang nakuha nito.
"Ahhh o-oo nga Pala ganda hehe."
"Hala! Anong sakit mo?" tanong nito na may pag-aalala sa mukha.
"Si-singaw! May singaw kase ako, malala na sya, stage 3 hehe."
Naneto ni Roberto.
"May Ganon ba?" ika ni Carla.
"Oo, Kay Roberto lang... Aishhh basta mauuna na kami Carla, lumalalim na rin ang Gabi tsaka mukhang kailangan na ni Mang kanor magpahinga at Pati na rin ikaw." singit ko na dahil mukhang inip na si mang kanor na umalis kami.
Sa huli ay wala nang nagawa pa ito at pumayag na lamang, halata ang pagkadismaya sa mukha nito nang umalis kami.
" Ba't naman tayo umalis agad? " ika ni Roberto habang tinatahak namin ang Daan pauwi sa bahay, ihahatid nya daw muna ako eh, Para namang ang layo ng bahay ko.
" Gusto mo bang maitak tayo?"
"Oh akala ko ba hindi ka takot Kay Mang kanor? Bat parang tumitiklop ka?" asar nito.
"Hindi nga, pero....."
"Pero ano?"
"Pero... Lumayas ka na nga! Bwisit ka!"
"Sabihin mo, takot ka lang talaga hahaha... Since pinasok mo yan, pangatawanan mo Para sa huli ay hindi kita pagtatawanan. Sige na alis na ako at magbebetime pa kami ni PapaP." Sabi nito saka kumaripas ng takbo nang makarating kami sa harap ng bahay namin.
Loko talaga ang baklang iyon.
Paano ko nga ba makukuha ang puso mo mang kanor? Ang hirap mo naman paamuin akala mo chix eh, hay. Tsaka na lamang kita problemahin pag naging kami na ni Carla. Sa isiping iyon ay napangiti na lamang ako, maging kami? Sounds right.
BINABASA MO ANG
Ang Anak ni Mang Kanor(GXG) SHORT STORY~OnGoing
Short StoryAng buhok nyang kulay ginto, mala anghel na mukha at iba pang magandang katangiang nanaisin mo sa isang babae ay nasa kanya na. Para syang nag-iisang hinog na mangga sa mga nagkukumpulang berde. Napakaswerte ng taong mamahalin nya, pero Sabi nga nil...