Chapter 6.0

74 1 1
                                    



Hi guys! Medyo sabaw tong chapter na to pero pwede naman na pagtyagaan! HAHA.

And I know. Di ako marunong manakot hahaha. TBH, di ko talaga trip magsulat ng horror, more on love and comedy ako pero di ko rin alam sa sarili ko kung bakit ako nakapasulat bigla ng "HORROR" hahaha siguro dahil sa panaginip ko to. Ang creepy kasi para sakin and hanggang ngayon napapanaginipan ko pa rin. Parang magkakadugtong yung panaginip ko.

ENJOY NALANG!

DANIEL's POV

Naaawa ako kay Kath. She reminds me so much of my childhood bestfriend/love... Nardo. Lagi din yun ganon. Palaging takot.may nakikitang kung anu-ano simula nung grade 5 kami. But, this is super weird huh! Pareho silang may nakikita sa may C.R like wtf? Is it coincidence or not? Sheez.

Pero may pagkakaiba si Kath at Nardo. Si Nardo, ang balat niya naka-locate sa kaliwang braso si Kath naman naka-locate sa parehong kaliwa at kanan HAHAHA ang weird ng balat niya swear HAHAHAHA ok seryoso na. kaya I can't assume na si Kath at Nardo ay iisa. I know, magkahawig sila. Pero diba nga sabi nila na ang bawat tao ay may tatlong kamukha sa mundo at hindi mo 'to basta basta mahahanap. Kailangan mo pa libutin ang mundo na para bang naghahanap ka ng memorable na karayom -,- pero,naba-bother pa rin ako. Di ko din alam kung bakit. Parang nabablanko ako pag dating kay Kath. No no, di ko siya "crush" that is so stupid huh. Di ko siya ugh.. TYPE? Loyal kasi ako kay Nardo. Alam ko sa sarili ko na babalik siya. Hay nako Daniel! Para kang timang! Kinakausap ang sarili? Hays. *sapok sa sarili*

"ARAY!" sabi ko. Napalakas ata yung batok ko sa sarili ko hays.

"ANOBAYAN BREGS! KUNG MAGIINGAY KA, SARILIHIN MO NALANG. NASISIRA BEAUTY SLEEP KO SAYO EH!" Irit ni Kats. Hala ka, kabaklaan nga naman. Kaibigan ko ba talaga 'to?

Siyempre gwapo ako, di ko nalang pinansin. Ano siya chix para humingi ako ng sorry? HUH! NEVER!

"DI KA MAGSOSORRY?!?"

"SORRY NA!" shet lang -,-

Hay. Nakakabaliw talaga pag sabaw utak mo no? kung anu-ano nalang pumapasok sa isip mo.

Napatingin ako kay Kath. Ang amo ng mukha niya,ang kinis. Yung mata niya na walang kasing katulad. Yung ilong na napakatangos na ang sarap pingutin at yung... labi niyang mapupula. Hinawakan ko yung labi niya. Hoy di ako manyak! Nac-curious lang ako kung malambot! Oo nga, malambot nga talaga.

"hoy Kath! Tingnan mo! Tingnan mo ginagawa mo sa akin! Nababaliw na ako! Nababaliw na ako... sayo" WHAT THE?! May sarili po talagang buhay ang dila at bibig ko. Nagdedesisyon ng sasabihin ng wala akong permiso -,-

"ay yes! Padilla na Padilla dating natin sa mga linyahan mo ha? Wag ganun. Ako naman Giri na Giri ang dating HAHAHAHAHA ganda ni Kath no?" nagulat naman ako sa biglang pagsasalita ni Lester. "kakaiba yung ganda niya. Parang ganda ni..." napatingin siya bigla sa akin. "Nardo..."

"tol, hinay hinay lang. may pinapahiwatig ka ba?" sabi ko.

"ramdam mo ba na may pinapahiwatig ako?"sabi ni Lester. Napatayo naman si Lester at may kinuha sa drawer niya... sigarilyo? Wtf? Kalian pa? "kalian ka pa natuto magbisyo?" tanong ko.

"hindi yan ang topic natin tol hahaha, si Kath. Alam ko sa sarili ko na nahulog na ako kay Kath at ikaw tol... alam kong onti nalang mapapaamin ka na, pero pare paalala lang. Baka naguguluhan ka lang dahil nararamdaman mong si Kath at Nardo ay iisa. Alalahanin mo naman ang pangako mo kay Nardo." Sabi ni Lester sabay labas ng kwarto namin.

Si Lester ba talaga yon? Parang déjà vu lang? nangyari na 'to noon eh. Nung si Nardo pa. Madalas din kami magaway noon ni Lester. Gusto niya rin si Nardo. Sa totoo lang, di ko talaga alam ang tunay na pangalan ni Nardo. Yun na kasi yung pinakilala niya sa amin nung bata pa kami. Kahit sa school di naming malaman kung ano talaga tunay niya na pangalan kasi nga separate siya na room samin. Parang home-school pero nasa school siya. Ewan kung bakit ganun. Ayaw niya kasi ipaalam name niya, tinanong naman naming kung bakit ayaw niya ipaalam sa amin, ang sabi niya lang pangit name niya pang matanda daw. Kaya hanggang sa lumaki kami Nardo na talaga tawag naming sakanya.

Hay nako Daniel. Eto na naman. Panibagong away niyo na naman ni Lester at sa iisang dahilan parin... babae.



KATH's POV

Ugh sakit ng ulo ko shems. Ano ba nangyari?

10:30 A.M

OMG! 10 o'clock na?! di ako informed! Parang ilang oras palang naging tulog ko! Pero ang sakit parin talaga ng ulo ko. Nabunggo ba ulo ko? Hays. Walang ganun Kath.

Pabangon na sana ako kaso ang bigat ng nakadagan sa akin like the eff! Literal na mabigat talaga!

"ano ba yan! Sino ba to?!" inalog-alog ko pa sarili ko para magising kung sino man 'tong kutong-lupa na 'to -,-

"ano ba Kath! Wag ka nga maligalig! Tch" sabi ni Daniel. Daniel.. Daniel? Daniel ... DANIEL?!

"umalis ka nga! Bat ba dito ka nahiga?! Close tayo? Ang FC mo"

"oo FC ako. Forever Cute"

"A S A K A. Kapal naman ng mukha mo!"

"bakit may manipis bang mukha?"

"bakit sinabi ko bang meron?! HA?!"

"LESTER. PENGE NGA AKO NG CHICHA MO! PARANG TELESERYE ANG DATING NITONG DALAWA EH" Katsumi.

"bahala kayo dyan" Lester.

"AY? May period lang te?" Katsumi. Hala ka, lakas ng sapak nitong mga 'to tsk tsk.

Tinulak ko na si Daniel para naman makapag-inat na ako,hays sakit parin ng ulo ko huhuhuhu

Pag-inat ko naman, napatingin ako sa labas ng dorm room namin.. may babaeng duguan na nakaputi.

... babaeng duguan na nakaputi

... babaeng duguan na nakaputi

... BABAENG DUGUAN NA NAKAPUTI?!

"IKAW! HOY SANDALI LANG! HOY!" sabi ko nung Makita ko siyang paalis. Hinabol ko siya pero di ko na naabutan.

"Hoy Kath sino 'yon? Para kang tanga na may hinahabol sa kawalan!" napaharap naman ako ng mangiyak-ngiyak kay Daniel. Oo, si Daniel na naman. Siya nalang palagi humahabol sa akin sa mga ganitong sitwasyon. Pero nainis ako sa sinabi niya kasi parang akala niya na may hinahabol akong hangin. Like hello! Babaeng duguan na nakaputi ang hinahabol ko. 'Di niya ba 'yon nakita?

"Yung babaeng duguan na nakaputi yung hinahabol ko! Di mo ba nakita? Ha? Siya yung nan-trip sa akin sa CR kaninang madaling araw!! Yung nagbanta sa akin! Yung tinutukan ako ng balisong! Yung nanakot sa akin! Yung nagpaiyak sa akin! Yung.. yung.. yung.. YUNG BABAENG GUSTO AKO PATAYIN!!" at dahil diyan sa mga sinabi ko ay napaiyak ako. Hindi ko alam pero feeling ko talaga papatayin niya ako. Nakakatakot kasi parang nagiibang anyo siya! Nagiging matandang babae, dalagang babae na nakaputi lang at yung babae na palagi na lang ako napagtitripan. Ano yon? Para saan 'yong mga pananakot na 'yon?

"shhh Kath. Tahan na. Nandito ako diba? Di kita iiwan. Pangako sa'yo... Di ka na dapat natatakot kasi palagi naman ako yung kasama mo diba? Wag ka na umiyak. Pangit ka na nga papapagitin mo pa sarili mo. Ano 'yon? Sariling pagpapakasakit? Huh?" sabi ni Daniel. Yung totoo? Kino-comfort niya ba ako or what? Para kasing panlalait lang yung mga sinsabi niya eh.

"NAMO KA." Sabi ko habang pinupunasan yung uhog ko HAHAHA. Mukha akong bata na inagawan ng candy at manika hahahahaha. Bumalik na kami ni Daniel sad dorm room namin. Wala tahimik parin ako. Natatakot parin kasi ako hanggang ngayon. Nararamdaman ko kasi na parang may sumusnod sa amin. Ayoko nalang lumingon sa likod. Hanggang ngayon ramdam ko parin siya. Parang parati siyang nakamasid sa amin... sa akin.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

It is a short update. I'm sorry. I have a problem. Family and school. Be back to the old writer you know! Maybe... soon.


Dormitoryo [ON-HOLD] (EDITING) [SOON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon