6. Beautiful Mess

16 1 0
                                    

Ang plano naming island hopping ay hindi nangyari, masyado kong naenjoy ang pagsakay sa jetski and told him na yun nalang ang gawin namin. Para akong batang pinagkaitan makalabas ng matagal na panahon. It is so freeing, to say the least.

Nakarating din kami sa isang part ng karagatan kung saan very visible ang mga isda sa linaw ng tubig, We stayed there for a while para i-appreciate ang naglalanguyang isda pati narin ang napaka sarap na temperatura ng tubig.

"Let's dip, come on."

Nahumiligan ako sa sinabi nya. "Sira ka ba, gusto mo ba akong maging coral reefs balang araw? Kasi once bumaba ako sa jetski na ito, diretso na ako sa ilalim." sabi ko sakanya, I was so serious because that is the truth, but he just laugh so hard with what I said. 

Humarap sya sa akin. At sa liit ng espasyong meron ang jetski, you can imagine how close we are to each other right now. Hindi ako kumibo. We have too little space to move around.

He held my hands. "Do you trust me?"

"Oo, pero... ayan ka na naman ih. Wag ka nga tumingin nang ganyan, mamalayan ko nasa tubig na ako. Kainis." he laugh, sayang saya talaga sya habang ako kinakabahan.

"Good, come on. Ako ang bahala sayo. I want you to experience the rush of the water and the feeling of the ocean on your body. Kung nagustuhan mo yung adrenaline sa jetski, I am sure you will love this more. Knowing you, you love the feeling of serenity, the stillness of things.

"Promise, I have zero knowledge sa paglutang sa tubig and this life vest, I don't think this will help me. Baka pati ito sumuko kapag nag panic ako at ilubog nalang nya ako. Hopeless case, kumbaga." para akong batang ine-encourage pero malapit na umiyak pero sya tawang tawa talaga sya sa nangyayari.

"We don't need that, I will be your human life vest. I'll dip now and I want you to hop on my back, okay? We'll start from there." sabi nya at hinubad ang suot na lifevest kasunod ng sa akin."

He dipped on the water, nag aalangan talaga ako, pero katulad ng palaging nangyayari ay sumunod ako sakanya. 

I was on his back, holding my dear life on his neck thinking of what could happen if things got worse until I felt his hand soothing my arms that were entangled in his neck.

"Relax, you are too stiff. Breathe, don't think of anything but the feeling of the ocean on your skin and I'll take care of the rest." his voice is so encouraging along with his soothing touch on my arms that I soften. Muli ay nagpala nalang ako sa magandang bagay sa paligid ko.

"Good girl. Let's go for a swim, okay? Keep on holding back there." bawat kilos na gawin ay sinasabi nya bago gawin, and that meant so much to me.

"How long can you hold your breath? Let's go down." and down we go. Goodness, nakahanap na ba ako ng bagong hilig. I am enjoying the water so much na nakalimutan kong hindi ako marunong lumangoy at isang bitaw kay Kit ay hulog ako sa kailaliman ng dagat na ito.

He gave tips kung paano ko magagawang buksan ang mga mata ko sa ilalim ng dagat. Nagkasundo din kami kung paano ko sya masasabihan na hindi ko na kaya and I need to get some air... I'll pinch his cheek, as per his suggestion. Cute, I thought to myself.

Naka ilang taas baba kami until we were both exhausted from the activity and we decided to rest  and just stay in that area for a while para hintayin na din ang pagbaba ng araw. We were leaning on each others back habang naguusap ng kung ano ano, ika nga anything under the sun, literally.

I love moments like this with him, yung tipong tatambay lang kami sa bahay, mag uusap ng kung ano ano hanggang sa sabay nalang kami tatahimik doing our own things. Then all of a sudden kakanta sya and it will be a full blown concert in an instant. Sa tingin ko talaga, sa panahong wala na kami masabi o mapag usapan, idinadaan nalang namin ito sa kanta. Music is like our escape to boredom or our way to relay something to another. Sabi nga diba, music is a universal language.

I Hate U, I Love UWhere stories live. Discover now