5. Addiction

14 1 0
                                    

"We will go island hopping after resting, there are some islands around here that are worth visiting and are open for everyone, hindi man natin mapuntahan lahat but I'll try to bring you to the best ones."

After naming mag breakfast ay napag pasyahan naming bumalik sa beachhouse nya. Tumambay muna kami sa veranda ng kwarto kung saan ako tumitigil ngayun. We were outside the veranda appreciating the magnificent view laid-out before our eyes.

"Iba nalang, hindi naman ako marunong lumangoy, baka bigla mo akong maisipang itapon sa dagat, anong laban ko." sabi ko na may halong biro. But kidding aside, hindi talaga ako marunong lumangoy, kaya I was never into going to beaches, bukod sa nakakaitim, wala din naman akong gagawin kung hindi ang umupo sa buhanginan.

"Crazy. Just remember, I am with you, I won't allow any bad things to happen to you. Not on my watch." I looked at him all seriously while saying those words and intently looking at me. Hindi ko talaga kaya ang ganyang titig nya, I need to backed out again.

"Do you have pen and paper? I might as well make my last letters para kung ano man mangyari alam ng mga nagmamahal saking mahal ko sila kahit yung hindi ako mahal, malaman naman nyang mahal ko sya... pakibigay nalang." biro ko, making the atmosphere light.

"Kanino mo naman ibibigay ang love letter mo, besides your parent, which was already resting ages ago?" his words scream annoyance. 

"FYI, Mr. Ramirez, anong tingin mo sa akin, walang nagmamahal bukod sa magulang ko? Duh, may Jonathan ako, si Mam Gab saka yung pamilya ni Papa at Mama sa probinsya nila, kahit papaano naman siguro hahanapin nila ako, yung letter para sakanila paki bigay nalang kay Jonathan, kilala nya sila." dirediretso kong kuda.

"Who the hell is he and how did he know your family?" puno ng diin nyang tanong.

I was taken aback, problema na naman nito. Bakit, feeling ba nya ulilang lubos na talaga ako sa pagmamahal mula sa ibang tao bukod sa mga magulang ko? Kaloka.

Bago ako makasagot ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Tumayo si Kit upang tingnan kung sino ito. Nang bumalik sya ay sinabihan nya ako na aalis na kami kasi handa na daw ang sasakyan namin. 

"Wait for me here, I'll just get something in my room. And, let's talk again later about your letter." sabi nya.

Pagbalik ay napansin kong nakapag palit na sya ng damit angkop panligo. May iniabot din sya sa aking paperbag. Nang buksan ko ito ay merong rashguard sa loob at water shoe. I took it off the bag at napansing magkatulad ang disenyo nito sa suot nya. Tiningnan ko sya, 

"I assumed you don't have a ready beachwear kaya ibinili na din kita. And this same design is on sale so I grab the chance." paliwanag nya. 

"Okay. I didn't say anything. Magpapalit lang ako. By the way, thank you dito. Good thing naka kita ka ng sale." I said while suppressing my laugh.

Meron ding sunblock sa loob, I applied it first before getting into the rashguard. I still put some on my arms kahit na long sleeves yung binili nya para sa akin. Mas okay na yung protektado ng todo. Nang matapos ay agad na akong lumabas sa kwarto ng CR.

Binaybay na namin ang daan patungo sa dagat, at sa may gazebo kung saan kami nag breakfast ay may naghihintay sa aming lalaki. Sinalubong nya kami ng ngiti. Sya siguro ang asawa ni ate Joy, silang dalawa ang caretaker ni Kit sa beach resort na ito. Iniabot nya kay Kit ang isang susi.

"Magandang tanghali ho, Mam, welcome sa resort ni Sir Kit. Sana ho ay ma-enjoy nyo ang pagtigil dine." puno ng punto na bati nya sa amin. 

"Oo naman po, ang ganda dito at maaliwalas. Thank you din po pala sa pag aasikaso sa amin." 

I Hate U, I Love UWhere stories live. Discover now