Chapter 1: To a Better School Year

58 1 1
                                    

Stephanie's POV

"Good Morning, Philippines! Good Morning, World!!! Balitang-balita na ngayon ay ang simula ng pagpasok ng walong babae sa isang paaralang hindi all girls, hindi rin all boys kundi halo-halo." Narinig kong sigaw ni Cream mula sa kabilang kwarto. Nagboses reporter pa siya. Adik talaga. Haha.

Nakita kong nagtakip ng unan sa mukha niya si Zaniah na mukhang inaantok pa din. Wala na rin sa mga kama nila sina Xiamara at Farrah. Mga early riser talaga.

Tumingin ako sa alarm clock ko at nakitang masyado pang maaga. Mukhang hindi na rin naman ako makakabalik sa pagtulog dahil sa napaka energetic na si Cream.

Dahan- dahan akong tumayo sa kama at inayos ito. Binuksan ko ang kurtina at nakita si Haring Araw. Haaay!! Ang ganda talaga ng sunrise. Hindi naman yata masyadong halata na morning person ako noh.

"Fany, isarado mo nga 'yan. May natutulog pa dito." Zaniah mumbled with her sleepy voice.

'Di ko siya pinansin at tiningnan ang view sa labas. The view here is so amazing. I heard a knock on the door kaya natigil ang pagtingin ko sa view. Binuksan ko ang pinto at nakita si Cream na nakangiting aso.

"Good morning, Tiffany (nickname ni Stephanie)!!" Bati ni Cream sabay yakap sa akin. Ang cute talaga nitong babae toh. Parang bata.

"Morning! Mukhang excited ka ngayon ah!" Nakangiti kong sabi.

"Lagi naman yang excited eh!" Sabi ni Xiamara na kakalabas lang ng bathroom. Naka-tuwalya pa siya na halatang kakaligo lang.

"Siyempre naman!! First day kaya natin 'toh sa bago nating school. Hash Tag excited (#Excited)." Sagot ni Cream. Kaya napailing na lang si Xiamara at pumasok sa kwarto namin papunta sa walk-in closet niya.

Yep! You heard it right. First day namin ito in our new school. Well, it's not really planned na lumipat kami ng school since 4th year high school na kaming walo. Haay! We can't blame anyone, though. We really need to transfer for ours and our families'.......safety.

Miss na nga namin ang families namin eh. Pero we can't see them. We barely even talk to them on our cellphones. Nandito kami sa isang probinsya na malayo sa kinagisnan namin. Ngayon nga lang kami nakapunta dito eh.

"Gising na ba si Zaniah? Hindi pa naman yun early bird." Tanong ni Cream habang sinisilip si Zaniah sa loob ng kwarto namin.

"Nagtanong ka pa. Hehe.."

"Hoy! Kaaga-aga pinagchichismisan niyo na agad ako." Patay narinig ni Niah (nickname ni Zaniah).

Biglang kumaripas ng takbo si Cream sa sigaw ni Niah. Natakot siguro. There are times naman talaga na nakakatakot si Niah. Kaya nga sa kwarto nila Raia natutulog si Cream.

**FLASHBACK**

"Guys, may apat na kwarto itong house. Dalawang rooms lang ang pwede nating gamitin as our parents instructed us." Sabi ko.

"Bakit ba kasi kailangan natin mag-share ng kwarto? Para saan ba 'yung dalawang extra rooms?" Tanong ni Farrah.

"Ang sabi nila tito guest rooms daw. Honestly, I don't know kung sino naman ang magiging guests natin 'coz obviously our parents can't visit us here. It's too risky."

"Guys!" Narinig naming sigaw ni Cream mula sa taas.

Nagsitinginan kaming pito na nasa baba at dali-daling tumaas sa second floor. Binuksan namin ang pintuan ng unang kwarto at nakitang andun si Cream na nakahiga sa kama.

My Lovely GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon