Cream's POV
Na saan na ba yun? Nilagay ko naman yun sa side table ko ah.
Chineck ko na yung walk-in closet ko pati yung ilalim ng bed ko pero hindi ko talaga mahanap yung phone ko. Lumabas ako sa kwarto namin at sabay naman na kakababa lang din ni Storm galing 3rd floor. Nag-smirk ito sa akin.
Grrr.. Nakakainis talaga siya. Bakit pa kasi kasama siya na dito titira?
"Good Morning, Crema!" Ngumisi na naman siya.
"Anong maganda sa araw eh sa pagmumukha mo pa lang sira na agad ang araw ko? I told you. Don't call me 'Crema'. Tsaka wala akong oras makipagbangayan sa'yo." Tinalikuran ko na siya. Bago ako umalis narinig ko pa siya na tumawa na mukhang nanalo sa lotto dahil nasira na naman niya ang araw ko.
Pumunta ako sa CR, sa entertainment room, sa Garden, sa kwarto nila Tiffany, pati sa kitchen pero di ko pa din mahanap yung phone ko.
"Cream ano ba yang hinahanap mo? It's a Saturday morning. Usually nasa mall ka ngayon or nasa labas taking selfies." -Tiffany.
"I can't find my phone kasi. Nakita mo ba?" Grabe nangangati na naman 'tong ilong ko dahil na naman sa mga alikabok sa ilalim ng kama ni Niah. Akala ko pa naman mahahanap ko dun yung phone ko pero mukhang sakit ang nahuli ko dun.
"Hindi eh. Saan mo ba nilagay?" -Tiffany habang kumakain ng strawberries.
"Nilagay ko yun sa may side table ko." Naiiyak na talaga ako.
"Sige sasabihan na lang kita kapag nakita ko."
"Thanks Tiffany."
Pumunta na lang ako sa back porch. Nakita ko na nandun din sila Farrah at Jamie kasama sila Aziel, Dwayne, at Mikko. Lumapit ako sa kanila na nakakunot ang noo. Sayang! Ang ganda pa naman sana ng panahon. Masarap sana mag-selfie.
"O Cream. Nahanap mo na ba yung hinahanap mo?" Tanong ni Farrah habang nakataas ang kilay.
"Hindi pa nga!" Haaay! Umupo ako sa may damuhan. At nag-emote. Huhuhu.
"Huhuhu!" Iyak ko yan.
"Tae naman Cream! Ang pangit ng iyak mo!" Pagtataray ni Farrah.
"Mind your own! Huhuhu." Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Uy! Crema! Manahimik ka nga dyan! May natutulog dito eh." Natigil naman ako sa pag-iyak ng narinig ko yung boses nung halimaw. Hmp! Isa pa yan. And FYI! Yung sinasabi ko na halimaw ay walang iba kung hindi si Storm. Nakita ko siyang nakahiga sa ilalim ng puno ng mangga.
"Wala akong paki! Basta nawawala yung phone ko. Huhuhu!" Iyak pa din ako ng iyak.
"Yun ba yung hinahanap mo?" Natigil na naman ako sa pag-emote nang bigla yung sabihin ni Mikko. Napatingin agad ako sa tinuro niya. Doon sa isang sanga ng puno ng mangga, nakasabit yung phone ko na tinali lang using a sinulid. Aba't sino ang nakaisip nito?
Narinig kong tumawa si Storm. Naku! Siya na naman siguro ang may pakana nito. Nilapitan ko kaagad yung puno at inakyat ko kaagad ito. Madali lang naman sa akin ang umakyat sa puno eh. Sanay na sanay na ako. Mabilis kong nakuha yung phone ko. Laking pasasalamat ko at hindi ako nahulog. Kung hindi sigurado, magkakasugat na naman ako niyan.
BINABASA MO ANG
My Lovely Girl
Teen FictionThe Lovely Girls are not your ordinary girls. Many liked them because of their uniqueness, beauty, talent, brains, and popularity. But what if all of these is the reason why they are escaping the danger ahead. Will they keep escaping or face it with...